Those Words.

139 1 0
                                    

CHAPTER 28

Simula 'nun, gabi-gabi na siyang tumatawag sa akin. Pero actually 4 consecutive nights lang naman. Hindi ko talaga alam kung bakit siya tawag nang tawag sa'kin tapos kung anu-ano lang naman ang pag-uusapan namin.

 'Yun bang sa mga most unexpected times, tumatawag siya. Nakakaadik 'yung boses niya. Kung pwede ko lang sana mapakinggan araw-araw. 'Yun 'yung tanging boses na parang musikang paulit-ulit na tumutugtog sa puso ko. Hindi lumilipas.. hindi kumukupas.

Corny talaga.

Actually, ngayon ang pang-4th consecutive night.. kasalukuyang nagriring 'yung phone ko. 11:52 pm na pala.

"Oh?" Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing "hello?". Hehe.

"Ba't gising ka pa?"

Pwede ko bang isagot, kasi alam kong tatawag ka?

"Bakit hindi?"

"Sus. Sayang naman 'tong phone ni ate. Hindi pinapakinabangan. Tsk tsk."

Hindi ko alam kung dapat maniwala ako. Kagabi kasi, parang na-"wrong call" 'yung ate niya sa akin. May tatawagan atang iba pero ako ang natawagan. Hindi ko alam kung bakit.

"Sana pwedeng ipasa 'yan 'nu?"

"Syempre ayoko. 'Pag naubos 'to, edi hindi na ako makakatawag sa'yo."

Hay. Nang-aasar na naman siya. Lumakas bigla 'yung tibok ng puso ko.

"Sus. Sabi ko naman sa'yo tawagan mo 'yung iba. Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko?"

"Hindi."

Tibok again. Ang weird niya ngayon. Siguro naka-rugby 'to?

"Baliw ka."

"Wala akong magawa eh. Matutulog ka na ba?"

"Mmm. Siguro hindi pa."

Nahiga na ako dito sa banig sa baba. Tulog na rin kasi sila Mama at Francine. Kelangan hinaan ko lang ang boses ko.

"Ganun? Hay. Kung pwede ko lang sana tawagan si Ria."

Ayan na naman. Napabuntung hininga na naman ako.

"Eh bakit hindi mo tawagan?"

"Nahihiya ako eh. Maya babaan pa ko ng phone 'nun. Hindi nga ako nirereplyan."

"Ano ba kasi tinetext mo? Baka kasi nag-"i love you" ka agad?"

"I love you?"

Hindi ko alam pero parang gusto kong ulitin niya 'yung sinabi niya.

"Oo. I love you."

Haha! Natawa ko bigla sa sinabi ko. Sana hindi niya napansin.

"Sus. Hindi ko pa naman mahal 'yun. Crush pa lang.. or gusto pa lang."

"May boyfriend ba 'yun?"

"Sa pagkakaalam ko, wala."

"Wala naman pala. Ligawan mo na."

"Saka na. Kapag iniwan na ako."

Ha? Napakunot noo ko dun ah.

"Anong iiwan? Nino?"

"Kanina pala nakita ko si Charles sa terminal. Hindi yata kayo sabay? Kala ko nga nandun ka."

Ano ba 'yan. Iniwasan pa 'yung tanong ko. Ayoko naman mag-assume na ako 'yun mang-iiwan na sinasabi niya. Sawa na rin kasi ako sa mga false assumptions ko eh. Hay.

Lumalalim na ang gabi. Pakiramdam ko nakikichismis ang mga kuliglig.

"Ah. Nauna kasi siyang umuwi. May group project pa kami. Maaga ba kayo pinauwi kanina?"

"Oo. Wala na naman 'yung prof naming adik."

"Edi mabuti pala. Nakauwi kayo nang maaga."

Hayy. Wala na kong masabi. Time check. Ha?? 2:42am na??

"Sige na, baka magising ulit mama mo."

Aww. Nalungkot naman ako. Babye na ba?

"O-okay. Sige."

"At giraffe."

"Oh?"

"Wala. Sige. Bye."

Dial tone.

Ganyan kami gabi-gabi. Wala naman talagang pinag-uusapan. Normal na kwentuhan lang. Hindi ko talaga alam kung bakit ako lang ang tinatawagan niya, bakit hindi niya tawagan sila Paul, James at Arvin? O kaya 'yung iba pa naming ka-close tulad ni Kathy? Hindi ko na lang ulit tinatanong sa kanya kasi baka isipin niya pang iniisip ko na may malisya 'yung pagtawag-tawag niya sa'kin gabi-gabi.

Isa lang muna sa ngayon ang alam ko. Masaya ako dahil sa mga ganitong pambihirang pagkakataon, nakakausap ko ang mahal ko. Kahit maging tagapa-kinig niya lang ako habambuhay, kuntento na ako.

Nakatulog na pala ako. 6:23 am, nagising ako. As usual, tingin sa cellphone kahit naalimpungatan lang.

3 messages received. Dalawa kay Daniel, isa mula sa Papa ko.

Babasahin ko muna 'yung sa papa ko.

"I love you Flora. Kamusta na ang baby ko? Magready na kayo ha. Malapit na kayo magpunta dito. Ayusin niyo na mga dapat ayusin. Ingat kayo lagi jan."

Nalungkot na naman ako. Kung wala lang naman si Daniel, wala naman siguro akong lungkot na mararamdaman na kagaya nito. Hay.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

'Yung isang text, quote lang.

"But there's a danger in loving somebody too much,

and it's sad when you know it's your heart you can't trust.

There's a reason why people don't stay where they are.

Baby, sometimes, love just aint enough.

Goodnight guys! :))"

GM (group message) lang pala.

'Tong isa naman.

WAIT.

Flora. Pikit. Nag-iimagine ka lang. Naalimpungatan ka lang 'di ba?

Binasa ko ulit.

Mukhang totoo ngang natanggap ko 'tong text niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Baka kasi pinagtitripan niya lang din naman ako.

Pero wala namang nakalagay na "joke" sa huli.

 ..

..

..

"Flora. mahal. na. kita."

Tinitigan ko lang 'yung text hanggang sa makatulog na ako.

Kung isa lamang 'tong panaginip, sana mapakiusapan ko ang tadhana na 'wag na muna sana akong gisingin.

Hayaan Niyo po muna akong maibaon sa puso ko 'yung mga salitang hinintay ko nang pagkatagal-tagal.

Hayaan Niyo po muna na kahit sandali lang.. kahit walang kasiguraduhan.. paniniwalaan ko 'yung mga salitang 'yon.

zzzzz.

Pero hindi nga... totoo kaya 'yun??

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon