JULY 25, 2005
Simula ‘nung araw na ‘yun, madalas na kaming nagkakatext ni Daniel. Paminsan-minsan, tinutulungan ko siya sa mga assignments niya na hirap siya magresearch, wala kasi silang computer eh. Magkikita nga pala kami mamaya sa SM, napag-usapan naming bumili ng regalo para sa kaklase naming si Melissa na magdedebut din katulad ko. July 27 ang birthday niya, at July 28 naman ako. Ang kulit nga. Medyo excited na ako para mamaya.
Friday ngayon, 4:00pm ang uwian namin, at sabi niya, 5:00pm naman daw sila kaya mauna na daw ako sa SM at magsimulang pumili ng regalo.
Normal lang naman ang nangyari sa school. Hindi na nga pala kami solong magkasama ni Charles, palagi na rin naming kasama si Michelle. Sabay-sabay na din kaming pumunta sa terminal. Sumabay ako kay Charles kasi madadaanan ‘yung SM sa way niya pauwi.
“Ano bang gagawin mo kasi sa SM?”
“Bibili ako ng regalo sa kaibigan ko.”
“Ah. Ikaw lang mag-isa?”
“Ahmm. Hindi, may kasama ako actually.”
“Sino? Nasaan?”
“Mamaya pa siya eh, hihintayin ko pa siya sa SM mamaya. 5 pa kasi uwian nila.”
“Ah. Sige samahan munan kita, wala pa si Mama sa bahay kaya tatambay muna din ako diyan.”
“Okay sige.”
Mabuti naman at sasamahan muna ako ni Charles sandali. Atlis hindi ako maiinip. Pumunta muna kami dito sa department store at nag-window shopping. Sinukat pa nga niya ‘yung shades, at bagay sa kanya talaga. Ayoko naman magsukat kasi for sure, hindi bagay sa akin ‘yun.
Ngayon naman nandito kami sa Bookstore. Dito kasi namin napag-usapan ni Daniel na magkita. 5:30 na, wala pa siya. Antagal naman. Text ko nga.
Mm. Ay ‘wag na lang, baka isipin pa niya excited ako. Hmmp. Hintayin ko na lang.. Ay wait. Teka, si Daniel ba ‘yun?
“Flora sige mauna na ko ha, nandun na daw si Mommy sa bahay eh. Ingat ka na lang ha!”
“Oh sige ingat din!”
Umalis na din si Charles, obviously. Si Daniel ata talaga ‘yun, ‘yung nakaitim na jacket. Oops, muntik na kong makita, buti nakalingon agad ako sa mga libro. Mukhang lumalapit na sa’kin.
Eto na nga ang unggoy. Amoy ko na pabango niya.
“Akala ko magdedate pa kayo eh.”
Nakita niya pala si Charles.
“Date ka diyan. Ang tagal mo namang dumating.”
“30 minutes na ko naghihintay dito.”
“Ha? Kanina pa kaya kong 4:30 nandito. Nasaan ka ba kanina? Hindi naman kita nakita.”
“Ikaw kitang-kita kita. Ang haba ng leeg mo eh.”
“Unggoy ka. Eh nakita mo na pala ako, bat di ka lumapit?”
“Baka makaistorbo ako sa date niyo eh.”
Hinampas ko tuloy siya ng book na Kokology ang title. Kung anu-ano kasi pinagsasabi. Pero infairness, ang cute niya sa black na jacket. Ito nga pala ang first time naming magkikita sa isang lugar. Date? Syempre naman hindi no!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Художественная проза'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.