Unexpectedly

64 0 0
                                    

JULY 2005

Dalawang buwan na rin akong college. Marami na rin akong mga kaibigan, pero mas madalas kong kasama si Charles. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, at nalaman kong nasa Australia din pala ang Papa niya kaya mas nagkasundo pa kami lalo. Akala nga ng mga kaklase namin, dati na kaming magkaklase ni Charles dahil lagi kaming magkasama, may nagtanong pa sa akin kung nanliligaw daw ba sa’kin ‘yun. Mga adik din.

Dalawang bwan na, wala pa rin akong balita kay Daniel. Ni hindi ko man lang siya nakikita dito sa school. Magkaiba kasi ng building ang College of Engineering at ang main building kung saan ako pumapasok. Kelangan pa magtricycle para makapunta doon sa building niya. Hay. Kamusta na kaya siya? Marami na rin kaya siyang friends?

“Naks.. 2 weeks na lang. Saan ba ang party?,” tanong sa akin ni Charles. Nandito kami ngayon sa park, gumagawa ng assignment.

Dalawang linggo na lang pala, 18th birthday ko na. Antanda ko na pala.

“Sa bahay lang, punta kayo ha.”

“Saan nga ba banda ‘yung inyo?”

“Doon sa may San Augustin, dito lang din. Isang bus lang, susunduin ko na lang kayo sa..”

Nahinto ako sa pagsasalita, pero pakiramdam ko nahinto rin ako sa paggalaw, sa pag-iisip, at sa paghinga. Bakit bigla naman siyang pumapasok dito sa park? Anong ginagawa niya dito?

“Huy Flora, bakit? Kilala mo ba ‘yun?”

“Ha? H-hindi. Halika na. Bilis.”

Bago pa man makalingon sa direksyon namin si Daniel, hinatak ko na palabas ng park si Charles. Kaso nakita niya pa rin kami. At, nilapitan pa.

“Flora..” pansin ko napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa wrist ni Charles bago ulit siya nagsalita. “..’di ba, nasa Baguio ka na? Bakit nandito ka?”

Napahawak na lang ako sa ID ko. Wala na. Buking na ako.

“Hindi ako tumuloy eh..” Nakahawak pa rin ako sa wrist ni Charles.

“Ah. Sige.”

Pero habang kinakausap niya ako, tingin siya ng tingin sa kamay ko at kamay ni Charles. Siguro nagulat lang siya. Pero bakit parang na-guilty ako? Nagpatuloy na lang ulit siya sa paglalakad. Binitawan ko na ‘yung kamay ni Charles at umalis na rin kami sa park.

“Ang sakit ha! Sino ba kasi ‘yun?” Namula pala ‘yung wrist niya. Sorry naman! Napahigpit ata ‘yung kapit ko. Si Daniel kasi eh!

“Wala. Kakilala ko lang.”

“Eh kala ko ba ‘di mo kilala? Kaaway mo ba ‘yun?”

“Hindi naman.”

“Eh ano mo ‘yun?”

“Kaano.. kaibigan.”

Kaibigan. ‘Yan na naman.

Natapos na ang buong araw ng klase. Hindi ko namalayan, nakapaglakad na pala ako hanggang dito sa terminal ng bus. Tanghali pa kaya wala pa masyadong tao. Mabuti naman, hindi ko pa kailangang makipagsiksikan. Mabuti rin wala masyadong tao dito sa bus, magsa-sound trip na lang ako.

Maya-maya may tumabi sa’kin. Adik ‘to, andami-dami namang…

“Eto na pala ang bagong Baguio, ha giraffe?”

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon