Horoscope

111 1 0
                                    

Sabi ko 3:30pm ang meeting. Ang lagay, 3:55 pm na, wala pa rin sila Daniel at James. ‘Yung dalawang ‘yun talaga.

“Ate Flora, anong oras pa po ba tayo magsisimula? Kasi may meeting pa po kami sa Science Club mamayang 4:30 eh.”

“Saglit na lang. Wait lang natin sila Daniel at James. ‘Pag 4pm na, wala pa sila, start na tayo agad.”

Nakakahiya naman kay Michael. Siya nga pala ‘yung nagsulat ng panglimang entry na nabasa ko. Andito na rin sila Paul at Arvin. Asan na ba kasi ‘yung dalawa? Kainis.

Malamang inantay pa nila mag-uwian ‘yung mga third year.” Sabi ni Paul habang nagtu-toothpick.

Oh ano naman meron sa mga third year?”, pairitang tanong ko. 

Eh girlfriend ni Daniel andun eh.” Sabi naman ni Arvin tapos bigla siyang binatukan ni Paul.

Gagsti ‘to. Crush lang niya ‘yung si Sunny. Ayy sorry Flora.”, tinaas ni Paul 'yung kamay niya na parang nagpapasintabi.

Buang ‘to.”, sagot ko habang nakayuko. Tapos nagbasa nalang ako kunwari ‘nung mga notes  sa notebook ko. Bakit ba kasi kumalat ‘yung issue na gusto ko si Daniel. At hindi pa mamatay-matay ‘yang issue na ‘yan. Pero si Sunny? Crush niya talaga ‘yun? Tsk. Child abuse. Basta maganda talaga.

“Oy sorry giraffe. Late kami. Start na dali.”

Anlakas ulit ng tibok ng puso ko..pero this time, dahil sa napikon ako. Hindi naman kami nag-uusap neto tapos bigla niya kong tatawaging “giraffe”?? Asar ‘yun sa’kin ng mga kaklase ko kasi medyo mahaba daw ‘yung leeg ko. Nakakaasar talaga. Pero pipigilan ko nalang. Nakakahiya naman kay Michael  kung patulan ko pa ‘tong si Daniel. At tska hindi naman din kami close para patulan ko siya. Hindi ko na lang papansinin. At teka, hindi nga pala ako naasar nang dahil sa tinawag akong giraffe. Naasar ako kasi late na nga sila ni James tapos kung makapag-demand na mag-start ng meeting eh ganun-ganun na lang. Tsk!

*Buntung-hininga*

“Lahat nga pala kayo tanggap na. Sa mga 2nd or 3rd week ng July sisimulan na ‘yung pagpaplano ng school paper natin so dapat by that time ready na ‘yung mga feature articles niyo.”

“Tungkol sa’n naman ‘yung mga isusulat namin? Oyy ayon nagreply din! Imba!” Tanong naman ni James habang nagtetext. Nagmi-meeting, nagtetext? Tsk.

“Alam mo James, replyan mo din siya ng ‘text you later’. Nagmimeeting kaya tayo. Anyway, kahit anong topic naman. Kasi feature naman eh, kahit ano pwede. At nga pala, alam niyo naman kung ano ang ibig sabihin ‘pag ‘feature writing’ di ba?”

“Hindi.” Mabilis na sagot ni Daniel na parang nang-aasar.

“Okay. Bukod kay Da.. Espinosa, sino pang hindi nakakaalam kung ano ‘yun?” Muntik na. Hindi nga pala ako sanay na tawagin siyang Daniel, sa isip lang. Dati nung 2nd year kami, Daniel ang tawag ko sakanya. Pero mula ‘nung hindi na kami nag-uusap, hindi na eh.

*tinginan lang sila sa isat-isa*

“Joke. Alam ko ‘yun.” Tapos pinunasan ni Daniel ‘yung sapatos niya.

Flora.. pigilan mo.

“So okay. Okay na siguro ‘yon. Papatawag ko na lang kayo kung may mga dapat man kayong malaman or something. Sige ayos na. Salamat.” Tinapos ko na lang agad. Okay na ‘yun. At talaga ‘tong mga PogiBoize na ‘to, umalis agad. Tsk. Hmm. Anyway, formality lang naman ‘yung meeting na ‘yun para lang masabi na nagmeeting kami. Utos ni EIC eh. Tska gusto ko na umuwi. Manonood pa ko ng Meteor Garden. Oh yeah!

Pero bakit kaya ganun si Daniel? Kung mang-asar siya kanina parang normal kaming magkaibigan. ‘Yung itsura niya parang nang-aasar na ewan. Naghirap ako nang mahigit sa isang taon.. I mean, sobrang naging malungkot ako sa mga panahon na ‘yun dahil bigla na lang siyang nagbago. Ibang-iba na ang Daniel na kilala ko ngayon. ‘Yung Daniel kasi dati na kilala ko, pakiramdam ko mataas ang tingin sa’kin kasi Top 1 ako dati ‘nung 1st year at tsaka sobrang gentleman talaga. At sa loob ng higit isang taon.. hinahanap-hanap ko siya. Kaso wala eh. Lahat naman talaga ng tao nagbabago. At tska ayos na din siguro ‘yun. Alam ko naman kasi na hindi niya rin ako gusto, kaya ayos na rin siguro na hindi kami close.  No expectations and assumptions, kumbaga.

Eto ang maganda ‘pag nag-iisip habang naglalakad. Di mo mamamalayan na nandyan ka na pala sa destinasyon mo.

“Oh bakit ngayon ka lang?” Kahit may pinagbibilhan siya sa tindahan namin, talagang tinanong pa sa’ken ng Mama ko ‘yan. Akala tuloy ng bumibili naming kapitbahay, siya ‘yung tinatanong. Narinig ko sumagot pa siya ng, “nag-arcade pa ko Tita eh” Haha! Natawa ko.

Nag-meeting pa kami.” Sabay kiss sa pisngi ni Mama.

Hayy. Ngayon ko lang narealize na pagod at gutom na pala ako. Teka, may load ata si Mama. Text ko nga si Kathy. Baka may load siya. Buti pa siya may sariling cellphone.

Ako: oi mare. gawa mo?

Kathy: Nagba2sa ko ng horoscope s dyaryo.. My bago nga pala kong book sa astrology.. Hehe.. Kaw?

Ako: adik ka talaga. kauuwi ko lng. ngmeeting n kau ng mga nagapply sau?

Kathy: Di eh.. Kc my meeting dn kmi knina nung mga officers ko s SG.. Eh kaw? Nag-apply dw c Daniel ah.. Uyyy.. Hahaha! Peace! (SG-student government)

Ako; buang! at oo nagapply cla nila james. late nga cla knina kc tnignan p dw ata c sunny sbi ni paul.  kaasar.

Kathy: Hahaha! Bat naasar k?? Selos!! Hahahahah!

Ako: buang season two!  naasar ako kc late n cla tapos dun lng pla galing. at inasar pa kong giraffe ng Espinosa na ‘yan. e di naman kami close! tsk.

Kathy: Leo k dba?

Ako: anlakas nman ng koneksyon nyan sa kwento ko. at oo, bkit madam Kathy?

Kathy: Tapos si Daniel, Capricorn di ba? Wahahahahah! I love et!

Ako: mare, naka-drugs? my marijuana p ko d2 just in case kulang sau yan.

Kathy: *tagal magreply*

Ako: uii busy? haha

Ayy nawala naman bigla ‘tong si Kathy. Mahilig kasi ‘yan sa astrology, or kahit anung related sa compatibility ng mga zodiac or something. Minsan nakakatuwa din ‘yung mga sinasabi niya. Ay teka nagreply na ata.

Kathy: Leo and Capricorn share a liking for freedom, adventure, and meeting new people. They are both inclined to entertain themselves, and consider love as an amusement. Leo likes to make love as often as Capricorn. Capricorn stimulates and inspires Leo, and Leo in his/her turn makes Capricorn to be more faithful. This connection is perfect, and the happy marriage is guaranteed.

Sabi yan dito sa book na binabasa ko. Oh ayan mare, alam na alam mo na!!

Ako: buang ka talaga!!! *Check operator services*

Deadz. Naubos ko load ni Mama. Onti lang pala load niya. Tsk tsk. Gaga talaga ‘yung si Kathy. Noon pa man malakas na talaga paniniwala nun na bagay kami ni Daniel. Hindi ko naman na rin pinapansin ‘yun kasi nonsense naman. Anong magagawa ng horoscope sa buhay ng tao? Paano kung hindi naman nag-eexist ang mga bituin at planeta, saan aasa ng kapalaran ang mga taong sa mga ito mismo umaasa?

Pero totoo, compatible pala kami ni Daniel? *ngiti* *simangot* Ah ewan!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon