Prologue
"From the day that my heart decided to love that person, which was seven years ago, there was never a day in my life that I have never thought of him. Though it sucks to face the truth that there has never been a day in his life that he let me crossed his mind, I never stopped thinking about him. It seemed like in everything I do, there's him. It's crazy. And I didn't stop."- Confession, 2009
Tama. Hindi ko siya maalis sa isip ko. Mas malala pa sa tatoo, mas malala pa sa pinakamatinding peklat na hindi kayang solusyanan ng sensya.
He knew it. He knew I love him. I told him that. But knowing my secret never let him to stay away from me. We stayed close to each other, though he's cold, I can feel that he can show his true self when he's with me. He can talk for hours without stopping, which he don't usually do. He can tell me things I know, he can't tell to others - even to those people whom he considered his "best friends." When he tell me stories, I feel contented and happy because somehow, he let me feel that he trusts me.-Without You, 2008
Kaso wala, hanggang kaibigan lang ako. Hanggang doon lang.
..
..
..
Limang taon na akong wala sa ‘Pinas. Nasasanay na din ako sa sobrang lamig, ‘yung lamig na mas matindi pa sa pakiramdam nang nasa loob ng freezer. Nasasanay na din ako sa pagsasalita ng English, bali-baliko pero nagegets naman nila eh, pwede na ‘yun. Nasasanay na din ako makisama sa mga banyaga.. Nasasanay na ako sa bago kong buhay..
..pero ‘yung puso ko, mukhang hindi pa rin nasasanay na malayo na sa taong inikutan ng mundo ko sa loob ng isang dekada. Mahal ko pa rin siya. Yata.
Rock.
Chapter 1
June 2004
Hindi ako makapaniwala. Parang ‘nung isang araw lang, kaka-enrol ko lang bilang isang First Year high school dito sa San Augustin High School. Tapos ngayon, last year ko na dito. Ambilis ng panahon talaga. Ayaw paawat.
“Flora! Dito dali!”
Si Kathy. Isa sa mga pinakaclose ko dito sa school na ‘to. Tinatawag ako kasi andun pala sila ng mga kaklase ko sa hagdanan malapit sa covered court. Sabi na eh, sila ‘yung grupo na naririnig kong ang lakas lakas ng mga boses mula ‘nung pagpasok ko sa gate.
“Late ka na ah! Ayyyy.. Kaya pala. Nag-blush on! Rosy cheeks!!!”, kantyaw ni Kathy sabay kurot sa pisngi ko.
“Oyy hindi! May pimples kasi ako dyan. Edi ba sabi ng Mommy mo, kapag naglagay ng lipstick sa may lugar kung san ka may pimples, mawawala agad? Ayan yun!”, depensa ko nang matindi.
“Sabi mo ‘yan eh.”
Ganyan talaga si Kathy. Marami siyang mapapansin sa’yo, lalo na kapag ginawa mo ‘yung bagay na hindi mo naman talaga madalas ginagawa. At sa kasong ‘to, napansin niya namumula pisngi ko. Nakakahiya man aminin, pero dahil kasi ‘to sa isang tao d’yan. Pero sinubukan ko lang...... *imagine a fast heartbeat here*. Oooopps. Teka. Kasalukuyang dumadaan si Daniel. Kasama si James. San kaya sila galing?
Si Daniel. Daniel Jerome Espinosa. Kaklase ko siya mula pa ‘nung second year high school kami. Nalipat sa section namin dahil siya ang Top 1 nang sumunod na section sa’min (at oo, Section 1 ako, tikas). At inaamin ko, gusto ko siya. Hindi ko alam kung alam niya. Pero mukhang alam naman niya ‘yun, hindi naman kasi lahat ng tsismis sa paligid eh hindi totoo. At gaya ng ibang love story sa mundo, hindi niya ako gusto.
Konting kwento lang tungkol sa’kanya at sa akin sa ngalan ng pagbabalik-tanaw.
Sabi ko nga, kaklase ko si Daniel since 2nd year. Sobrang close talaga kami ‘nung mga panahon na ‘yun-as in! Sobrang gentleman niya sa akin ‘nun kaya naman hindi talaga naiwasan na mahulog ang loob ko sakanya. Palagi kaming magkasama dati. Kaso unti-unting nawala ‘yun sa hindi malaman laman na dahilan. Kumbaga, nagising na lang ako isang umaga at narealize kong hindi na ata kami magkakilala. Hanggang sa mag 3rd year high school kami. Hindi talaga kami nag-uusap sa loob ng mahigit isang taon.. at counting pa ata. As of now kasi, habang iniisip ko ‘yung mga kinukwento ko dito, hindi pa kami nag-uusap. Ni “Hi” o “Hello”, waley. From the most gentleman na Daniel, naging siyang na ang pinaka-cold na taong nakilala ko. Pero bakit ganun, nagbago na ang lahat sa pagitan naming dalawa.. pero ‘yung feelings ko para sakanya, ni minsan hindi nawala. ‘Yung puso ko nga lang kanina, ang wagas tumibok ‘nung nakita siya eh. Hay. Nakakastress na. Naguluhan ka? Ako din eh.
Back to reality.
Sinundan ko ng tingin sila Daniel at James. Pumunta sila kung saan nakatambay ‘yung mga PogiBoize. Grupo ‘yun ng mga lalaki sa section namin. Sa hirap at ginhawa, may assignment man o wala, magkakaramay ‘yang mga ‘yan.
“Huy Bhez. Alam ko kung sino tinitignan mo.”
Masyado ata akong busy sa kakamanman kay Daniel, ni hindi ko man lang narealize na halata na pala ako. Kaasar, Nakita pa ako ni Mary, ang isa sa mga best friends ko.
“Buang ‘to. Tumitingin tingin lang naman ako sa paligid. Nakita mo sila Sheena? Kanina ko pa hinihintay ‘yung mga ‘yun. Sabi may meeting kami dito sa office.” Iniba ko usapan. Ayoko nang inaasar ako kay Daniel.
“Pumunta lang daw kay Ma’am Lina. Sinundo ata nila kasi kasama din daw ata si Ma’am sa meeting niyo eh. Ewan ko lang, hindi ko sure.”
“Ahh okay. Tagal ah.”
Hinintay ko na lang sila Sheena sa office. Sinara ko na muna ‘yung pinto, ang ingay sa labas eh. Si Sheena ang Editor-in-Chief ng The Torch, pangalan ng school paper namin, and I’m the associate editor. Mahilig daw kasi ko magsulat ng tula at kung anu-ano kaya ayun... Ay taragis ipis!! (may biglang pumasok sa office nang walang konsiderasyon sa pag-iisa ko).
“Ayy sorry! Asan sila Sheena?”
Sh*t. ‘Yung puso ko na naman. badtrip.
“Ha? Ah anu, na kay Ma’am Lina daw ata. Yata ah.”
“Ah sige.” (sabay sara ng pintuan)
Anak ng takubets. Bakit bigla bigla naman pumapasok si Daniel dito sa office namin?
At ilang oras na naman ba ang dapat ko antayin para kumalma ‘tong puso ko na nag-panic nang dahil sa kanya?
Hay. Korni ko na naman. Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..
(For the sake of imagination, 'yung picture sa kanan, sila kunwari si Flora at Daniel^^)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Fiksi Umum'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.