Date na Hindi Date

46 0 0
                                    

January 14, 2006

Nagtext ako sa kanya nung umaga. Kagabi kasi magkatext kami at sabi niya nilalagnat daw siya kaya tinanong ko 'nung bandang tanghali kung kamusta na siya. kung magaling na ba siya. Tapos maya maya nagtext siya, ang sabi niya "wah. may pimples ako. tsk.”  Kala ko nga hindi na siya magrereply kasi sa pagkakaalam ko wala na siyang load kagabi. Hindi ko rin naman inaasahan na magpapaload siya. Pero maya-maya sabi niya may ginagawa daw siya kaya mamaya na lang ulet.

Naisipan namin ng kapatid ko na bumili ng tinapay sa kanto at ng sago't gulaman kina Aling Josie kasi promise, ang sarap talaga! Ai teka. May nagtext.

As usual, heartbeat ko na naman, ayaw paawat.

“punta ko sm, sama ka?”

Binasa ko ulit. Tinanong tuloy ako ng kapatid ko kung anong problema kasi napatulala na lang ako. First time nya lang kasi akong "officially" niyaya mag-SM.

Napangiti talaga ako. Okay lang naman 'di ba?

Ay teka, kelangan ko pa pala siya replyan.

"Sure! :)" *delete-delete, medyo halatang natuwa ako*

"Sige ba, basta manlilibre--" *delete, 'wag yan Flora, baka bawiin pa!*

"Sama ko? Hehe."

Sent.

Actually, hindi ko na pinansin 'yung reply niya. Naligo na agad ako pagkauwi namin sa sobrang excitement kahit alam ko namang wala akong pera. Inaaya niya nga pala ko kasi bibili daw kami ng birthday gift sa debut ng classmate niya. Nabanggit ko rin kasi sa kanya last time na aattend din ako ng debut ng classmate ko kaya siguro naisip niya akong ayain.

Okay na siguro 'tong bihis ko. Jeans at yellow t-shirt. Baka nga siya nakapambahay lang. Umalis na rin ako ng bahay. 4:00 'yung usapan namin na magkikita kami sa tapat ng Ace Hardware sa SM. 3:30 ako umalis ng bahay.

"Hello Flora! San punta mo?" Tanong sa'kin ni Rosalie na kapitbahay namin. Nagkasalubong kasi kami sa kalsada.

"Ui, hello. Sa SM lang."

"Date?"

"Naku, hindi no!"

Natawa siya nang konti tapos sabi niya lang, "Sige, ingat!"

Grabe, napakadefensive yata ng pagkakasabi ko. Kaso ang weird lang, pagkalagpas niya, napasabi ako ng "oo." Haha.

Nandito na ako ngayon sa kanto. Hindi pa ako agad sumasakay ng jeep kasi hinihintay ko 'yung text niya, ayoko naman na mauna kasi baka isipin niya excited ako. Mga 20 minutes din siguro ko maghihintay. Antayin ko lang na sabihin niyang nasa SM na siya.

Ayan nagtext na.

"andito na ko. anu ba yan. nagpa-late pa talaga!"

Actually natawa ko kaya 'yung mga nasa jeep medyo napatingin sa'kin. 

'Nung nasa sm na ko, may ballet na nagaganap. Binabagalan ko nga 'yung lakad ko kasi ewan ko ba, andami dami ko ring naiisip. Nagkasama na rin naman kami dati sa SM 'nung bumili kami ng regalo sa debut ni Melissa, pero this time kasi siya 'yung nag-aya. Date ba 'to? Hindi naman 'di ba?

Nakikita ko na siya ngayon sa tapat ng Ace Hardware, nakadungaw siya mula sa atrium habang tinatanaw 'yung mga tao sa baba.

Tumabi ako sakanya kahit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bad trip talaga. Paano ba mawawala 'yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon