Wow. Ang laki-laki pala ng Santa Clara. Halatang pangmayaman. Parang university na. Wala pa' yung school namin sa 1/4 ng school na 'to. Naglibot-libot muna kami ng mga kaklase ko habang hinihintay namin si Ma'am Lina.
"Hoy Ken, picture dali!" Sabi ni Paul habang nag-popose na sila doon sa may fountain na may malaking statue ni Mama Mary. Sa lahat ata ng sulok ng school na 'to, picture kami nang picture. Ang ganda kasi talaga.
Ang sarap siguro gumawa ng music video dito. Siguro kung dito ako nag-aaral, kahit Sabado at Linggo, tatambay ako dito. Ginto siguro ang tuition fees dito kaya ganito kaganda. At ang mga classrooms, grabe naka-aircon lahat! Pinapasok namin 'yung mga classrooms na walang tao tapos lulubusin na namin ang pagpipicture. Ang kulit eh. Hehe.
Nang nakarating kami sa garden, si Kathy napahinto sa paglalakad tapos napanga-nga. Sobrang ganda talaga ng garden. Tapos may malaking-malaking-malaking halaman na naka-shape ng heart at may mga white at pink flowers. Siguro kasingtakangkad 'to ng hanggang 3rd floor ng school building namin. Paano kaya nila nagawa 'yun? Ang astig at ganda talaga! Ang romantic tignan.
"Uy guys, tignan niyo 'yung nakasulat. Ken, picturan mo 'to." Sabi ni Sheena habang nakatingin siya doon sa parang caption sa may bandang kanan ng malaking heart na halaman.
"When two souls that are destined to be together find each other, their streams of light flow together, and a single brighter light goes forth from their united being? Wow. Nice ha." Binasa sa amin ni Kathy 'yung nakasulat, eh lahat naman kami nakatingin doon.
"If you believe you've found the destined companion of your soul, take a picture here - together with your soul companion owner? Ayos ah. Ibig sabihin tinotolerate dito ang magjowa? Dito na lang tayo mga 'tol!" Sabi ni Paul sa tono ng boses na manghang-mangha.Talaga 'tong si Paul. Basta relasyon-relasyon talaga pinag-uusapan, bet na bet niya 'yan.
Maya-maya pa nag-aya na si James. "Oh picture na guys!!"
"Hindi mo ba nabasa? Pang mag-jowa nga lang 'yan." Sabi naman sa kanya ni Kathy nang nakapamewang pa. "Flora, halika dito."
Oh ano na naman pinaplano nito ni Kathy?
"Ikaw James, dalhin mo si Daniel dito, bilisan mo." Utos naman ni Kathy kay James. Hala Kathy. Anong ginagawa mo??
"'Wag mo sabihing papakuhaan mo kami ng picture ni Espinosa diyan?" Hawak na ako ni Kathy sa braso at kinakaladka papunta sa heart na halaman. Please Kathy, sabihin mong oo. Ay mali mali, 'wag pala Kathy!! Ayoko ng issue.
Napahinto si Kathy. Ay lahat pala sila. Napatingin sila kay Daniel kasi mabilis siyang pumunta sa heart na 'yun kahit hindi pa siya nilalapitan ni James para papuntahin doon. Ah alam ko na, sumasakay ka lagi Daniel ha. 'Yan ang gusto mo? Sige.
"Teka lang Kathy. Pakihawak muna 'tong wallet ko." Napatingin sa akin si Kathy at tinanggal ko 'yung kamay niya sa braso ko. Tinignan ko si Ken. "Ken, siguraduhin mong maganda ang kuha mo ha?"
Pansin ko mas nabigla sila sa akin. Pumunta na ko 'dun sa heart kung nasaan si Daniel. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang sasabog. Pakiramdam ko wala akong ibang naririnig kundi 'yung sarili kong heartbeat lang. First time ko lang kasi ginawa 'yun.
"Kala ko pipilitin ka pa nilang magpapicture eh." Maangas na sabi sa'kin ni Daniel. Ang yabang talaga ng taong 'to. "Sasabihin ko sana ang corny mo na naman."
BINABASA MO ANG
Still Into You
Ficțiune generală'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.