You're My Love Song

54 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at kiniss niya ko sa pisngi sa harap ng maraming tao. Pagkatapos 'nun, naiwan ako sa gitna ng ilang segundo at bumalik sa ulirat nang marealize kong naririnig ko pala ang tawanan at asaran ng mga tao. Nakita ko si Daniel na nakaupo na kasama ng mga kaklase din namin 'nung high school. Wala lang talaga sa kanya. Ang sama niya!

"Sige Flora, alis na kami ha. Happy happy birthday ulit!" sabay beso sa akin ni Michelle.

"Salamat. Ingat kayo ha!"

Nagulat ako 'nung ihahatid ko na sila palabas ng gate, hinatak ako ni Charles sa may bandang terrace namin, may sasabihin ata.

"Siya ba 'yun?"

"Ha? Sino?"

"Siya 'yung nakita natin sa park 'di ba?"

Ah!! Anak ng tinapa talaga. Oo nga nu! Nakita nga pala ni Charles si Daniel sa park minsan. Ngayon ko lang naalala. Wah. Wala na. Buking na ako.

"Sabi mo wala ka pang first love?" tapos nilagay niya 'yung kamay niya sa bulsa. Uuwi na lang siya, mang-uungkat pa sa buhay ko ng kung anik-anik.

"Baliw ka! Wala nga, bakit? Wala lang 'yun. Sige na, hinihintay ka na nila. Kala ko naman kung ano nang sasabihin mo diyan!"

"Pero tignan mo siya ngayon."

"Ha? Bakit ko naman titig-"

Nakatingin lang siya sa baba, hindi ko alam kung tinitignan niya lang ba 'yung sapatos niya o interesado siya sa flooring namin. Parang malalim ang iniisip. Pero kanina lang tawa siya nang tawa kasama sila James ah?

"Oh. Kitams."

"Anong kitams? Bakit? Anong meron?" Kunwari na lang wala akong napansin.

"Ewan ko sa'yo Miss Flora Sung. O sige na alis na kami. Pano, happy birthday na lang?" tapos niyakap na niya ako.

 Bakit nga kaya parang nag-iba ang aura ng unggoy na 'to? At anung ibig sabihin ng "Kitams" ni Charles? Hay. Palagi na lang ako pinag-iisip ng mga tao.

Ngayon puro mga kaklase ko na lang 'nung high school ang naiwan. Nagvivideoke na sila Merly, Sarah at iba pa. Ang ingay. Nag-iinterpretative dance pa kunwari sila James at Paul sa gitna habang kumakanta si Merly ng Stupid Love na si Arvin ang taga-rap. Ang kulit talaga!

Kaso pansin ko si Daniel nakatulala lang. O hindi naman masyado, 'yun bang pinapanood niya rin sila tapos hindi mo naman sure kung talaga nga bang pumapasok sa isip niya 'yung mga kasalukuyan niyang nakikita. Para bang nag-iisip ng ibang bagay. Ano kayang --

Oops. Biglang tumingin sa'kin. Nakita niya kayang tinitignan ko siya? At teka, parang lalapit siya sa'kin. Ang lakas na naman ng heartbeat ko. Sana 'wag niya marinig.

 Naupo siya sa harap ko at nagbuntung-hininga. Bakit kaya? At hay. Ang bango niya talaga. 

"Sus. Payakap-yakap ka pa. Hindi sumasakto 'yung leeg mo sa balikat 'nun kasi ang haba masyado."

"Napakayabang mo talagang ung --"

"Oh!"

Naputol 'yung pang-aasar ko 'nung bigla niyang inabot sa'kin 'yung kulay yellow na envelope na may flowers na design. Wow. Gift niya pala. Gift nga ba? Na-speechless ako ng 3 seconds.

"Haha. Ano naman 'to?"

"Sitaw 'yan. Isahog mo sa pakbet!"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon