Chapter 2
“Ano ba ‘yan Flora, pasmado??” Sabay kuha ni Nico, Cartoonist ng publication, sa ginagawa kong layout para sa school paper namin.
“Ayy sorry. Naghugas kasi agad ako ng kamay pagkatapos ko magplantsa ng uniform ko kanina.”
Ayan. Diyan ako magaling. Magaling ako mag-isip ng dahilan nang mabilisan. Pwede na nga ring sabihin na magaling ako magsinungaling. Nakakainis man aminin pero magaling talaga ako magsinungaling kapag merong isang bagay na ayoko pag-usapan, o kaya naman sadyang ayokong mabuking sa isang bagay. Hay. Asar naman. Nanginginig ng konti ‘yung kamay ko. Nagulat kasi talaga ko kay Daniel kanina. Pumasok pa ‘yung amoy ng pabango niya sa office. Kahit wala na ‘yung amoy, naaamoy ko pa rin.
Teka, start na ng meeting, Andito na sila Ma’am Lina and the rest of the gang, I mean, of the staffs.
“Pasensya na kayo na-late ako. Sandali lang ‘tong meeting natin kasi may mga parents pang naghihintay sa akin sa Faculty room. I just want to tell everyone that our school publication will be open to everyone who wants to join us here. Na kay Sheena na ‘yung mga details. She’ll explain everything to you.” Halatang nagmamadali na si Ma’am. Madami na naman sigurong “na-guidance” na estudyante. Guidance Counsellor din kasi siya ng school eh. Aalis na rin siguro ‘to maya-maya. Oh baka ngayon na.
“Okay sige ayun lang. Sheena, ikaw na muna bahala ah.”
Kitams.
“So ayun nga, sabi ni Ma’am Lina, ioopen natin ‘yung The Torch sa lahat ng Augustinians. Bale parang magkakaroon tayo ng audition kumbaga. Kelangan kasi natin ng ilang News Writers, Feature Writers, etc.” Sinasabi ni Sheena ‘yan sa amin habang hawak ‘yung kung anumang papel na ‘yun at maya’t maya din siya hawak ng hawak sa salamin niya sa mata. Mannerism of the genius.
Walang nagsasalita, parang mababasa mo sa mga mukha namin, “Ah. Okay.”
“Ahm, pinag-usapan na namin ni Ma’am Lina ‘yung about sa mga assigned leaders for each categories. Actually, lahat naman tayo magiging leaders. Ibig sabihin, ang responsibilities natin are to supervise those who want to participate in our activity, at tska bawat isa sa atin, magiging trainers ng mga gustong sumali. May sense ba?”
Again, walang nagsasalita. Amboring. Makapagsalita nga.
“Kelan magsisimula ‘yan?”, may masabi lang ako.
“Actually, dapat ngayon na eh. Gumawa na rin ako ng mga flyers at tsaka eto, ididikit natin dyan sa pintuan natin para makita ng lahat.” Okay. Responsible talaga ni Miss Editor in Chief.
“So sige, mag-assign ka na ba ngayon?” Tanong naman ni Kathy, siya naman ang Editorial Writer namin.
“Ai oo ngayon na din para masimulan na natin. So Kathy ikaw ang bahala sa mga mag-aapply for News Writers. Then Flora, ahm.. Feature sayo ha. Ikaw naman Nico, of course sa Cartooning ka. And then Ken, ikaw naman ‘yung sa Photo Journalists. Actually, isang Photo Journalist na lang ang kailangan natin na makakasama mo, pakikuha na lang din ‘yung DigiCam kay Ma’am Lina mamaya,.”
Tapos kung anu-ano pa ang mga pinag-usapan hanggang sa tapos na.
..
..
..
Friday na. Deadline na ng submission ng entries ng mga aspiring staffers. Pinasa na sa’kin si Sheena ‘yung mga entries para sa Feature Writing. May limang nag-apply. Naks. May lima akong ite-train. Akala ko nga wala eh. Matignan nga ‘tong mga pinasang articles sa’kin.
Kanino ba ‘tong una? Hmm.. Paul Royo. Haha, Si Paul! Kasama siya sa grupo ng PogiBoize. Aba sumali talaga to ah. Ayos ah. “Sa Likod ng Rehas” ang title niya. Maya ko na lang basahin.
Next, hmmm. Arvin John Betran. Haha! Ang kulet, PogiBoize din to eh. Siguro dahil lang sa sumali si Paul kaya sumali din siya. Naman. At ang title niya ay... “Through the Years..and Beyond”. Naks! English! Oops. Hindi pala, title lang pala yun. Tagalog ang article niya.
Then si.. James! Nice. ‘Yung totoo, puro 4th year lang ata ang sumali at puro galing sa section namin. “Ikaw na May PSP” naman ang title ‘neto. Seryoso siya?? Hahahah ang cool! Kaexcite naman basahin!
Tapos etong pang-apat.. familiar ang hand writing ah. Galing kay.. Hala? Walang pangalan?? Ba ‘yan. Ay eto pala nagtatago.. Daniel Jero.. ooops. Flora. Imagination. Basahin mo ulit. Daniel.. Jerome.. Espinos..a. Sumali talaga to?????????????? Oh Em. Puso ko.. hay nako nakakaasar talaga pag ganito. Ano ba title ng hampaslupang to.. “Beyond Goodbyes.”
“Beyond Goodbyes?”
A glance of music in my ears
The shadow of my passing tears
Reminiscing memories for years
Goodbye is what I hear.
..
..
..
..
..
And with his poem, I..suddenly.. felt something warm from within.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Ficción General'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.