CHAPTER 33
December 25, 2005, 2:30pm
"Ano, Miss? Saan ba talaga?"
"Alam ko po ano.. ahm.. Wala po ba talaga kayong kilala na Espinosa sa St. Joseph?"
"Wala, at hindi ko naman kabisado mga tao dito."
"Sige ibaba niyo na lang po ako sa gate ng St. Joseph Village."
Tapos nagkamot na ng ulo 'yung tricycle driver. Bad trip. Hindi ko natanong address. Balak ko kasi isurprise sana. Kaso hindi man lang ako tinext paara tanungin kung nasaan ako o kung anuman. Nakakainis.
"Oh, dito na, miss."
"Hala, eto na po ba 'yun? Bakit po iba 'yung gate?"
"Binago nila 'yan 'nung nakaraang taon 'nung nagpalit ng Mayor."
"Ah.. eto po bayad."
Wooh. Kinabahan ako. Kala ko ibang St. Joseph Village 'yung pinagdalhan sa'kin. Nakakainis talaga 'tong unggoy na 'to! Hindi man lang ako itext, eh una't huli kong punta dito ay 'nung nagkasakit siya. Matagal na rin 'yun.
Ay teka, tumatawag siya. Mabuti naman!
"Hello?"
"Oi giraffe! Hindi ka pa naman siguro nakakaalis ng bahay niyo 'di ba?"
"Ha? Ano, oo, hindi pa nga. Bakit?"
Nakakapagtaka naman 'tong unggoy na 'to. Joke lang ba 'yun?
"Mabuti naman. 'Wag ka na tumuloy. Nagtext si Ria, nasa SM daw sila eh, punta muna ko."
Kalokohan naman oh.
"Ah okay,"
"Sige bye!"
"Bab--"
At talagang excited siyang ibinaba ang cellphone niya.
Nakakainis naman 'to. Nakakaiyak, bad trip. Bakit hindi niya agad sinabi? Sa bagay. Ganyan naman siya eh. Palagi na lang ako sinasantabi 'pag si Ria na ang usapan. Sa bagay ulit, ano pa bang aasahan, eh kaibigan lang naman ako.
Naglakad na lang ako ng naglakad sa loob ng village. Hindi ko kasi alam paano makabalik, wala ring dumadaang mga tricycle. Mukhang uulan pa yata. Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong.
Grabe siya. Gusto ko ingud-ngod 'yung pagmumukha niya sa inidoro! Eh kung i-flush ko na lang kaya siya? Nakakainis talaga! Hindi talaga siya seryoso 'nung inaya niya ko sa bahay nila. At speaking of bahay nila, eto na pala. Mukhang nakaalis na nga siya. Oops teka, bumubukas 'yung gate. Kelangan ko magtago.
Teka.. bakit hindi siya nakabihis na pang-alis? Nakapambahay lang siya. Pinaglalaruan ba ko nitong unggoy na 'to?
Kalma Flora..malay mo naman pang-alis na niya 'yun. Hay. Tawagan ko nga saglit.
Tinitignan niya lang 'yung cellphone niya.. bago niya sinagot.
"Oi giraffe, bakit?"
Nakita ko parang nagpanggap lang siyang masigla.
"Nasa SM ka na ba? May papabili sana ko eh."
"Oo, kasama ko na si Ria, ano papabili mo?"
"Ay 'wag na pala, okay na, sige, bye."
Nakadungaw lang siya sa bintana. Habang ako, lumayo na lang sa bahay na 'yun. Hindi ko alam anong naisipan niya at niloko niya ko nang ganun. Pwede naman niyang sabihin sa'kin na ayaw na niya kong papuntahain, tutal prangka naman siya pagdating sa'kin. HIndi ko matanggap na nagsinungaling siya... paskong-pasko pa naman.
Unti-unti nang pumapatak ang ulan...hanggang sa lumakas nang lumakas. Okay na rin 'to, atlis, hindi ko na kailangan mag-effort para magpigil ng iyak.
BINABASA MO ANG
Still Into You
قصص عامة'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.