The Past

75 1 0
                                    

Chapter 10

"Flora, pakihatid naman ito sa barangay, pakisabi ito 'yung request letter para sa paggamit ng covered court para sa graduation niyo at pati 'yung ibang mga files na nandoon sa table ko, pakikuha na lang. Alam na ni Kapitan 'yun. Sige na't may naghihintay pa sa'king magulang sa office," tuloy-tuloy na sabi sa akin ni Ma'am Lina. Kung makautos akala mo may paunang sabi, eh dumadaan lang naman ako papunta sa canteen para bumili ng Sprite. Si Ma'am talaga!

"Ay teka lang Ma'am, paano po magpunta sa barangay?," tanong ko naman kay Ma'am.

"Pasama ka na lang sa nakaalam, okay?," Tapos bigla na akong nilayasan ni Ma'am. Mahusay. Puntahan ko kaya si Ernie Baron baka sakaling maisipang bumangon sa hukay at matulungan ako. *Sumalangit-nawa*

Buti na lang break time. May mga nakatambay ngayon sa office ng The Torch. Siguro naman may mga willing tumulong sa'kin dito. Nandito ngayon sila Sheena, Kathy, Veli, Arvin, Paul, James, si Joy na nagrereview na naman, at si Daniel na kumakain ng Bread Pan.

"Sheena, samahan mo naman ako sa barangay. May pinapahatid sa'kin si Ma'am Lina. Hindi ko kasi alam kung paano magpunta 'dun," pakiusap ko kay Sheena na kasalukuyang nag-eencode ng mga articles para sa newspaper namin.

"Pasama ka na muna sa iba kasi aayusin ko pa layout nito, sorry ha," sagot naman niya sa'kin at ni hindi man lang ako tinignan, tuloy-tuloy lang siya sa pagtatype.

"Mare.. pwede?" Si Kathy naman ang kinausap ko. Narinig naman nilang lahat 'yung sinabi ko kay Sheena.

"May meeting kami maya-maya sa SG eh, ayan na sila sa labas. Hinihintay lang namin si Sir Ruiz. Pasensya na mare," parang malungkot namang sabi ni Kathy. Hay. Ano ba 'yan.

"James?"

"I've never went there so sorry oh yeah baby.."

"Paul? Sige na!!," naiinis na sabi ko. Wala ba talagang pwede?

"Bakit 'di ka pasama diyan kay Daniel oh, alam niya 'yun. Malapit lang sila 'dun," sabi naman ni Arvin bago ko pa man siya tanungin. Lumabas na lang agad ako ng office. Bakit ko naman tatanungin si Daniel eh sigurado namang hindi papayag 'yan. Tsk.

Pagkatapos kong kunin 'yung mga pinapakuha sa'kin ni Ma'am Lina sa office, lumabas na din agad ako ng school. Magtatanong-tanong na lang siguro ko sa mga tao dito.

"Tsk. Tsk. Hindi diyan ang daan, doon sa kabila."

Oh, si unggoy. Anong ginagawa nito dito? Sus. Hindi ako sasamahan nito. Lumabas lang siya, sigurado. Hindi ko na lang siya pinansin. Pumunta na lang ako sa direksyon na tinuro niya pagkatapos ko siyang irapan. Bakit ba pakiramdam ko lagi, inis ako sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa?

"Wala ka bang payong diyan? Baka umulan mamaya. Mababasa ako," sabi ni Daniel na sinusundan pala ako.

"Sino bang may sabi sa'yong sumama ka?," inis na sagot ko. Ayan na naman. Naiinis na naman ako.

"Sino bang may sabi sa'yong sasama ako?," mabilis naman niyang pambabara. Kaasar 'to ah.

"Eh bakit? Saan ka pa ba pupunta?" Napalakas na tuloy boses ko. Nahinto na pala kami sa gilid ng kalsada at nakita ko pang tinignan ako ng tricycle driver na dumaan.

"Mag-eexercise. Ikaw din dapat mag-exercise ka, kaya antaba mo eh!," panlilibak niya. Ang kapal na ng mukha nito.

Hindi ko na siya pinansin ulit at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Maya-maya, naglakad na siya sa tabi ko. Eto na naman. Biglang lumakas 'yung heartbeat ko. Nakakaasar.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon