Merry Last Christmas

38 0 0
                                    

December 24, 2005

Paborito ko talaga ang bisperas ng Pasko. Lalo na kapag nakikita kong busy sa bahay namin at amoy na amoy 'yung mga nilulutong ulam. 

Ano kayang ginagawa ni Daniel ngayon? Busy rin kaya sa kanila? Nakakatawa lang, kasi isa sa mga pangarap ko ang maimbitahang kumain sa bahay nila kahit sa isang okasyon man lang..kahit bago man lang sana kami umalis ng Pilipinas.

Hindi pa rin pala siya nagtetext ngayong araw. Nagkwentuhan lang din kami kagabi sa text, at as usual, si Ria na naman ang topic. Puro buntong-hininga na nga lang yata 'yung nairereply ko sa kanya.

5:00.. 7:00.. 8:25.. 9:48.. at ngayon 10:16pm na. Ang bilis lumipas ng buong maghapon. Ang sarap pa rin ng simoy ng hangin..nakakagaan ng loob.

*toot-toot*

Hay salamat, nagtext na rin si Dan... oops. Si Charles pala. Bumati lang.

Seryoso, Flora? Kada tunog ng cellphone mo, si Daniel agad iisipin? Hay. 

'Di man lang ba babati 'yun? Kainis naman siya. Oops. Nakalimutan ko. Best friend nga lang pala ako.

"10.. 9.. 8.."

Sa pagkakaalam ko, Pasko pa lang. Adik talaga 'tong si Francine, pacountdown countdown pa. Mas lalo ko lang tuloy naalala na ilang segundo na lang, Pasko na. At ngayon pa talaga hindi naisipan ni Daniel ang magtext. Unggoy talaga 'yun. Parang "Merry Christmas Giraffe!" lang naman eh. 

"Eh bakit hindi mo kasi itext?"

Nakakagulat naman 'tong si Mama. Minsan nakakatakot siya. Para kasing nababasa niya 'yung mga iniisip ko.

"Ano ka ba 'Ma, ba't ko naman itetext 'yung unggoy na 'yun e ang... teka, ba't tumatawa ka diyan?"

"Kelan pa naging unggoy ang papa mo?"

Ay SH*T na malupit! Oo nga 'nu? Bakit 'di ko naisip na si Papa pala sinasabi ni Mama? Hays. Haha.

"Ay akala ko kasi..anu. basta natext ko na si Papa kanina. Kain na nga tayo 'Ma. Mang-aasar ka na naman diyan."

"'Okay lang mag-boyfriend anak, basta alam ko. Okay? Merry Christmas 'nak!"

Watda? Boyfriend? Haha. Mga nanay nga naman.

"Talaga 'tong si Mama. Merry Christmas din, I love you!' sabay hug at kiss kay Mama. Ang sarap talaga ng may nanay! Salamat po Lord sa pagbibigay ng the best na nanay sa buong mundo!

Nilapag ko na 'yung cellphone ko sa lamesa sa sala. Wala na. 12:16 na rin, hindi ko na rin siguro marereceive text 'nun kung magtext man dahil sa traffic...ng mga texts sa ere.

After 2.5 hours...

Ang sakit ng tiyan ko. Ang hirap talaga mag-diet kapag holidays. Hays.

WAIT.

Teka lang.

14 missed calls?

Sira ba 'to?? Mali, sira ba ako?? Bakit kasi hindi ko man lang tinignan 'yung cellphone ko kanina!! At bakit kasi naka-silent??? Anak ng praning na tinapa!

1:14 am 'yung last na missed call. Halos 3:00 am na din. Nakatulog na rin siguro 'yun. Ang tagal din kasi namin kumain at nagkwentuhan. Pero wala man lang siyang text. 14 na calls lang. Wala na namang mapag-ubusan ng load 'tong unggoy na 'to kaya ako na naman gusto kulitin.

Matutulog na lang ako. Inaantok na din ako. Ba't ang lamig ng kama ko at --

*nokia tune*

Gising pa pala siya. Paskong pasko, inaatake ako ng sakit ko..

"He--"

"Hay nako sumagot din! Giraffe ka talaga!'

..'yung sudden rushed heartbeat. Tsk.

Medyo antaas ng boses niya, adik na naman 'to.

"Bakit? Wala ka na naman mapag-ubusan ng load mo diyan."

"Bakit hindi mo sinasagot? Kanina pa ko tawag nang tawag!"

Bakit nagagalit 'to? Ayoko na talagang umasa sa wala.

"Bakit nga? Eh kumain pa ko. Adik 'to. Kelangan galit? Ba't ka nga kasi tumatawag?"

"Ano.. wala lang. Merry Christmas pala! 'Di mo man lang maisipang bumati. Nagbago ka na."

Napangiti ako 'dun. Pakiramdam ko gustong-gusto niya ko kausap. Pero kasi naman, paasa din 'tong taong 'to!

"Edi Merry Christmas! Regalo ko? Wala? Ano ba 'yan. Nonsense ka talaga."

"Saka na. Kelangan ko pa mag-ipon."

"Para san?"

"Kasi ano..si Ria, pumayag makipag-date sa'kin bago sa December 31. Hehehe"

As in tumawa talaga, nakakatuwang...nakakainis. Salamat sa kakaibang Christmas gift na 'to. Hay.

"Ayun. Kaya ka tumawag, bet na bet mo na talaga ikwento. Unggoy talaga 'to. Sinuhulan mo 'nu?"

"Eh basta. Katext ko kasi siya kanina bago mag-12am tapos naisipan ko tawagan. Kilala na rin naman kasi ko 'nun bla bla bla bla bla......"

Hindi ko na iniintindi 'yung mga naririnig ko. Natutulala na lang ako. Kapag sobrang sakit pala at wala ka nang magawa, mapapatulala ka na lang.

"Pero okay lang kung ayaw mo! Adik 'to!"

Ay hala, may sinasabi pa palang iba. Naku.

"Ano nga ulit? Pasensya na, kasi anu, ah..nagtext si Charles, binasa ko lang."

Sinungaling na giraffe.

"Nililigawan ka ba 'nun?"

"Ha? Sira ulo. Hindi 'nu. Ano nga 'yung sinasabi mo kanina?"

"Sabi ko punta ka dito sa bahay bukas kung gusto mo. Marami kasing natira sa handa, ayoko naman ipakain sa aso. Papakain ko na lang sa giraffe."

Hindi ko na pinansin 'yung pang-asar sa dulo. Teka, paano ko iaabsorb 'to? Baka nananaginip lang ako??

"Ano bang ano.. (ngiti) ano bang handa? (takip sa bibig, sobrang ngiti)" Takte. Kailangan ko pang ilayo ng konti 'yung cellphone ko kasi masyado akong natutuwa. Hindi ko alam na ganito pala kasaya 'pag inaya niya ko sa bahay nila.

"Mga damo. Tamang-tama magugustuhan 'to ng mga giraffe na katulad mo."

"Ako lang?"

"Ayaw mo?"

"Eh..ano. Wala. Sila James din para masaya!"

"May date 'yun bukas.. Tapos si Paul may.. teka? Ba't ba ko nagpapaliwanag? Edi 'wag ka na lang magpunta kung ay--"

"Sino may sabing ay-- Magdadala na lang ako ng leche flan bukas. Marami nagawa ni mama eh."

Sino may sabing ayaw??

"Tama 'yan. Pero may leche flan din naman dito. Para magkaalaman na rin kung sinong nanay ang mas magaling magluto!'

"Tss. Adik. Pero oi, 'di ba ano? 'Di ba nakakahiya?"

"Sanay ka namang kinakahiya kita, ano pang bago 'dun?"

"Ang sama talaga ng ugali mo!"

Nag-usap pa kami ng mga kung anu-anong bagay hanggang 5:00am. As usual, ako na lang natirang gising. 

Bukas daw. 2pm. Hay. Teka. Beauty rest. Makikita ko na din family....teka..

..makikita na ako ng family niya??? 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon