Chapter 12
JS Prom na naman. Busy na ang lahat ng mga juniors at seniors para mamayang gabi. Malamang mauupo na naman ako nito sa isang tabi at maglalaro ng snake sa cellphone hanggang sa matapos ang program - tulad 'nung nakaraang taon.
Pero hindi. Hindi ko pala pwedeng hayaang mangyari ulit 'yun. Last na party na 'to na dadaluhan naming mga seniors. Hindi ko dapat sayangin.
"'Nak, hindi ko mahanap 'yung sapatos mo, saan mo nilagay?, " tanong ni mama pagkatapos plantsahin ang gown ko.
"Nasa may pintuan sa may tindahan, pinatong ko sa box ng lucky me."
Kulay itim at mahaba nga pala ang gown ko na may white sa gilid, tapos tube-style at may mga konting makinang na beads. Pinahiram sa'kin ng kapitbahay namin. Simple lang pero sabi ng mama ko, elegante daw tignan. 'Di hamak na mas maganda 'to kesa sa sinuot ko last year kung kelan nagmukha akong tortang bakla. Sa kapatid ko namang si Francine, kulay pink na parang pamprinsesa! Ang ganda. Bagay sa kanya talaga.
Inaayusan na kami ngayon ng kapatid ko. Sabi ko sa baklang nag-aayos sa akin, 'wag na ipupusod ang buhok ko kasi hindi bagay sa'kin, ganoon ang ayos ko 'last year kaya ayoko na maulit pa ang bangungot ng make-up ko. Mabuti naman at mukhang mahusay 'tong make-up artist at light lang ang nilalagay na make-up, hindi katulad sa iba na ginagawa nang coloring book ang pagmumukha ko.
Si Daniel kaya, ano itsura? Malamang-lamang, gwapo ulit siya, tulad noon.. o kaya tulad nang lagi sa paningin ko. Hehe. Pero malamang din, sobrang ganda ulit ni Sunny at sobrang sexy, syempre wala na akong laban 'dun. Sa mata ni Daniel, isa akong giraffe na nareincarnate bilang isang tao.
Kinakabahan ako. Sa tingin ko naman okay ang itsura ko. Sana sa tingin din ng iba. Whooh!
Maaga dumating 'yung service na nirentahan ng nanay ko para sa amin ni Francine, kaya dito muna ako tatambay kina Kathy.
"Sino po kayo?," bungad sa akin ni Kathy 'nung makita niya ko sa gate nila. Adik 'to ah.
"Si Angelina Jolie. Adik ka mare!"
"Ayy ikaw pala 'yan Mareng Flora!! Wow! Ang ganda ganda mo naman!! Nahiya naman ako! 'Wag na kaya ako umatend? Nakakahiya naman tumabi sa'yo."
"Sira! Mas maganda ka nga eh! Ang ganda ng gown mo, para kang prinsesa!"
"Sige, maglokohan tayo! Hahaha. Nakita mo ba sila James kanina kasama 'yung PogiBoize?"
"Hindi. Wala pa kong nakikita miski isa sa mga classmates natin bukod sa'yo. Bakit?
"Ah wala. Ang gwapo ni James at ni Daniel! Grabe. Nabigla nga ako!"
Talaga? Gwapo si Daniel ngayon? Anong bago 'dun? I mean, paano nangyari 'yun?
Pagkatapos ng maikling kwentuhan, lumabas na din kami sa bahay nila Kathy. At ang hindi namin namalayan, halos magsasara na pala 'yung gate ng school, kami palang dalawa ang huling dumating! Napasarap kami sa aming "konting kwentuhan."
Teka, bakit pinapalakpakan kami? Ahh. Malamang si Kathy pinapalakpakan nila. Ang ganda naman kasi talaga ni Kathy eh. Makalayo na nga, nakakahiya naman sa kanya.
Wow. Pinapalakpakan naman ako ngayon ng mga kaklase ko 'nung nilapitan ko sila. Nakakahiya! Nang-aasar na naman 'tong mga 'to.
"Nice naman Flora, ang ganda mo naman ngayon," sabi 'yan sa'kin ng kaklase kong si Mike, na ayon sa mga chismis e crush daw niya ako. Ang kulit lang.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.