November 12, 2004
Ni hindi ko makain 'tong almusal na hinanda sa'kin ni Mama. Masyado akong kinakabahan. Konti na lang din ang nakain ko at umalis na ako nang maaga para pumunta sa school. Doon daw muna magkikita-kita bago magpunta sa Santa Clara Montessori School kung saan gaganapin 'yung contest na sinasabi ko, 'yung Division Press Conference. Kinakabahan talaga ko, bad trip. Sila Sheena kaya kabado na din? Eh si Daniel?
Hindi ko nasunod 'yung advice sa amin ni Ma'am Lina na maghanap-hanap kami ng mga ideas na pang-title. Hirap pa naman ako mag-isip ng ita-title ko sa mga articles ko. Busy din kasi ako sa iba naming mga school works kaya hindi ko 'yun nagawa. Bahala na.
Andito na ako ngayon sa school. Bukas na ang ilaw sa office ng The Torch. Ibig sabihin may tao na. Mabuti. Akala ko kasi ako pa lang ang nandito. At teka, bakit may parang boquet ng bulaklak sa may bintana?
Si Daniel pala nandito na. Aba ang unggoy, kumakanta-kanta pa.
"Puno ang langit ng bituin.. at kay lamig pa ng hangin.. sa'yong tingin ako'y nababaliw.. giliw.."
Hindi niya pa napapansin na nandito na ako sa loob ng office. Feel na feel ang pagkanta?
"..at sa awitin kong ito, sana maibigan mo.."
Infairness. Ang ganda pala ng boses ng unggoy na 'to.
"..ibubuhos ko ang buong puso ko.. sa isang munting harana.."
At humarap na din siya sa akin.
"..para sa'yo.."
Natulala din si Daniel nang nakita ako. Eh mas lalo naman ako! Anong trip nito? Biglang haharap sa akin doon sa "para sa'yo" na part nang nakangiti?
"Oh, ba't ang ano, ang aga mo?" Nauutal pa siya. Nabigla ba talaga siya?
"Bakit hindi? Ano, wala lang. Bakit ba? Gusto ko lang." Ano ba 'yan pati ako nauutal. Naguguluhan pa rin ako.
"Ah.." Napakamot siya sa ulo na parang siya din mismo naguluhan. Ang gulo!
"Mine.. Sorry nandiyan ka ba?" Biglang may nagbukas ng pinto. Si Sunny pala. Bakit nandito siya? Panghapon naman ang mga third year ah at wala naman akong natatandaang... ay teka, oo nga pala! Birthday niya nga pala ngayon. Mukhang gets ko na.
Nakita ko reaction ni Daniel, parang nahiya. Gusto ko matawa. Mine?? Mine ang tawagan? So ari-arian na pala nila ang isa't-isa.
"Hi Ate Flora! Ang aga mo po ah. Good luck po pala!" Kahit alam kong nagulat siya, binati pa rin ako.
"Oo eh. Sige salamat, Happy birthday nga pala ha! Sige, punta muna ko sa canteen." Lalabas na sana ako ng pinto pero naalala ko kailangan ko pala 'yung folder na nasa lamesa kung saan nakapatong 'yung kamay ni Daniel.
Hindi ko mapigilan. Natatawa ko sa'kanya kasi parang napahiya siya. Asarin ko nga. "Kunin ko muna 'to ha.. Mine?"
Iniwan ko na silang dalawa sa classroom. Sa canteen namin, may mahabang salamin na kita 'yung gilid ng office namin sa The Torch. Kaya ayun, kitang kita ko kung paano inabot ni Daniel 'yung boquet ng flowers kay Sunny.. at kung paano din sila nagyakapan.
Ang aga-aga, broken hearted ako.. at assuming. Dapat kanina na lang nila ginawa 'yun. Pero parang nagrerewind sa utak ko kung paano ako nilingon ni Daniel at kinanta 'yung part na "..para sa'yo." Gaga ko kasi eh. Nag-assume ako ng kung-ano ano sa ilang segundo na 'yun. At mukhang magrerewind din sa utak ko sa loob ng mahabang panahon 'yung yakapan nila ni Sunny. Ngayon ko lang kasi siya nakitang may niyakap na babae. Ang sakit pala talaga. Hay Flora the Istupida.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Fiksi Umum'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.