Is It Okay If I Call You Mine?

60 0 0
                                    

JULY 30, 2005. Saturday

Pagkatapos namin maghiwalay sa SM 'nung gabi na 'yan, gabi-gabi na ulit kami magkatext hanggang ngayon. Pero ang topic namin madalas ay 'yung tungkol sa crush niyang si Ria sa college nila. Natatawa na nga lang ako sa kanya kasi alam ko isa lang 'yun sa mga pinagpapantasyahan niyang magagandang babae. Wala naman din akong pakialam, basta ang iniisip ko lang, ako naman ang katext niya hanggang madaling araw. Kuntento na ako.

Hindi niya ako binati 'nung birthday ko 'nung 28. Pero ininvite ko naman silang lahat ng mga kaklase ko 'nung highschool at ilan sa mga kaklase ko ngayon sa SASU kabilang na sila Michelle, Charles, Elly, Gibo at 'yung tatlo ko pang makukulit na kaklase. Ngayong Sabado gaganapin ang debut ko. Nakakaexcite nga eh.

Ngayon nandito ang mga kaklase ko sa SASU. Pinauna ko sila dahil karamihan sa kanila ay malalayo pa ang bahay. Mamayang hapon ang mga kaklase ko sa San Augustin High School. Ayoko naman kasi na maconfuse ako sa kung sino ang ieentertain ko sa kanilang dalawang grupo. At hindi nga rin pala bongga ang debut ko. Simpleng kainan lang.

Ang cute ng regalo sa akin ni Charles. Bracelet na may mga eroplanong nakasabit na kulay pink. Pang-asar niya sa akin kasi alam niya malapit na ako pumunta sa Australia. Siya ang unang nakakaalam kung kelan talaga ang alis ko, I mean, na as in talagang malapit na akong umalis pero wala pang exact date. Si Michelle naman kulay pink na journal notebook dahil mahilig daw ako magsulat. 'Yung iba naman nagregalo sa akin ng bracelet din, tapos may magandang rosary at mga novel books.

Malapit na ring umalis sila Charles. Usapan kasi nila hanggang 4pm lang sila dahil malayo pa ang bahay ng iba. Tamang-tama naman kasi dahil 'yung mga kaklase ko 'nung high school e 4:30 ang dating.

"Flora, tara, kanta ka muna. Ang daya mo naman, ikaw ang debutante pero ni hindi mo man lang kami kantahan." Tapos inabot din sa akin ni Charles 'yung mic. Sira ulo 'to. Alam naman niyang hindi ako kumakanta!

"Oo nga Flora, aalis na din kami oh. Kanta ka na!" Panggagatong naman ni Michelle.

"Flora! Flora! Flora!" at naghiyawan naman sila na akala mo e kakandidato akong Muse ng San Augustin. Mga adik!

Wala na. Ang KJ ko naman kung hindi ako kakanta. Ahm. Ano kayang maganda kantahin? Mmm.

"Flora, eto kantahin mo."

"Ano ka ba Charles, hindi ko alam 'yan."

"'Wag mo ko linlangin. Lagi mo ngang kinakanta 'yan. Oh game na. Palakpakan!"

Waaah. Adik na Charles. Naririnig niya pala na kinakanta ko 'to palagi. Hay. Ang korni korni nito eh!

Hays. Sige na nga Flora. Fighting.

..

..

..

"Mayron akong nais malaman.. maaari bang magtanong..."

"Whooh yesss naman!!!"-audience. Nakakahiya na 'to. Tsk.

"Alam mo bang matagal na kitang iniibig..

..matagal na kong naghihintay."

Ngunit mayroon kang ibang minamahal

Kung kaya't ako'y di mo pinapansin

Ngunit ganun pa man nais kong malaman mo

Ang puso kong ito'y para lang sa iyo.

Hay. Bakit ganito, nasasaktan talaga ako 'pag kinakanta 'to.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon