CHAPTER 13
Andami pa ring bakas ng JS Prom dito ngayong umaga. 'Yung mga trophies na extra at mga props na ginamit sa stage, nagkalat lang dito. Hindi ko nga alam kung bakit may pasok pa kami. Eh halos hatinggabi na natapos 'yung prom kagabi. Dapat wala na lang munang pasok para sa'ming mga seniors dahil pang-umaga kami. Inaantok pa ko. *hikab*
Nandito na kaming lahat ngayon ng mga kaklase ko sa classroom, bukod kay Daniel at 'yung tatlo ko pang ibang kaklase. Hindi ko alam kung bakit wala pa rin si Daniel. Baka na-late ng gising o kaya hindi papasok? Acceptable pa 'yung una, sana 'wag naman 'yung huli. Pero iniisip ko pa rin kung ano ba talaga 'yung tinext niya sa'kin at kung ano 'yung koneksyon 'nun sa pagkapanalo namin sa Presscon. Wala naman akong naaalalang kakaiba. Tsk.
Oh. Andito na pala 'to. At mukhang fresh na fresh, parang hindi kulang sa tulog eh.
"Late ka na. Nakakahiya ka naman," bati ko sa kanya. Wala lang. Pakiramdam ko obligado akong magsalita.
"Nakakalungkot naman para sa'yo kung absent ako, 'di ba?" mayabang na sagot naman niya sa'kin habang nagbabasa ng dyaryo na libre sa school tuwing umaga. Napaka-feelingero talaga nito. Hmmp.
Nagsilapitan sila James, Paul at Arvin sa kanya. As in sabay-sabay talaga. Hindi naman 'to normal na nangyayari.
"Oi 'tol, ano, ayos ka lang?" tanong ni James at inalayan niya pa ang unggoy ng tapik sa balikat. Anong nangyayari??
"Oo naman. Mga emo 'to!"
"Ano ba nangyari? Tara labas nga muna tayo. Punta tayo canteen," paanyaya naman ni Paul.
Tapos nagsilabasan na silang apat. Ano bang nangyayari???
Naupo sa tabi ko si Kathy. Parang inabangan niya talagang makaalis 'yung apat. "Mare, alam mo na?"
"Na ano?"
"Break na sila ni Sunny. Kagabi daw sa JS."
"Oh? Talaga? Bakit?"
"Malay ko. Narinig ko lang kina James kanina. Totoo talagang walang tumatagal na bf si Sunny. Tsk tsk. First girlfriend pa naman siya ni Daniel."
"Si Sunny nakipag-break?"
"Siguro. Wala naman akong nakikitang dahilan para makipag-break si Daniel. Parang okay naman sila."
"Oh ganun ba.."
"Mare, hindi kaya, ikaw ang dahilan?"
"HALA!!"napasigaw tuloy ako. Adik kasi 'tong si Kathy. "Bakit ako???"
"Alam mo kasi, pakiramdam ko talaga, ikaw ang gusto ni Daniel."
"Ano ba 'yan mare. Ayan ka na naman."
"Hindi nga kasi. Kagabi, inobserbahan ko kayo ni Daniel, nakangiti lang siya habang sinasayaw ka niya. Tapos 'nung sa iba, hindi naman siya ganun. Lalo na 'nung sila ni Sunny ang nagsayaw, ni hindi ko man lang siya nakitang ngumiti!"
"Hindi 'yun. Imposible."
Maya-maya pumasok na ulit 'yung mga PogiBoize. Naupo na ulit si Daniel sa upuan niya. Si Kathy, sa iba naman nakipagkwentuhan. Machika talaga siya masyado. Pero totoo? After 2 months, break na sila ni Sunny? Totoo nga 'yung sabi sa'kin ni Francine dati na walang tumatagal na bf 'dun. Pero, ano kayang dahilan? Gusto ko malaman.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.