CHAPTER 26
"Pero okay lang naman kung hindi no! Tinatamad lang kasi ako magpunta kina--"
"Teka lang!"
Biglang bawi niya. Adik eh. Pero syempre alam ko naman na seryoso siya kanina. Kinakabahan man ako, pumunta ko kay Mama para sabihin 'yung tungkol 'dun. Iniwan ko muna siya sa may computer room kasi nakakahiya naman sa kanya kung marinig niya 'yung pagtanggi ng nanay ko.
"Ma.. ano. Dito muna aano si ano?" Haha. Anubayan! Hindi ko masabi.
"Anong ano?"
"Ahm si Daniel. Okay lang ba kung dito muna siya matutulog?"
"Oh bakit?"
"Ano, 'yung mama tsaka papa niya kasi, nasa Pampanga pa eh wala siyang susi, walang tao sa kanila kaya ano. Pero okay lang naman kung ayaw mo."
"Sure ka bang gusto mo kong tumanggi?"
Medyo inikot ko 'yung mata ko sa sinabi ni Mama. Alam naman niyang hindi!
Natawa muna siya bago ulit nagsalita. "Saan mo naman siya patutulugin?"
Alam mo 'yung matang kumikinang? Ganun na ganun 'yung mata ko. Totoo nga. Mothers know best!
"Ahm, dito sa sala?"
"Kawawa siya diyan, matigas sa likod. Doon na lang sa kwarto niyo ni Francine. Paglatag mo na lang ng banig."
"Banig?"
"Ayaw mo ba?"
"Sige okay lang. Thank--- oo sige banig."
Kapag nag-thank you kasi ako, lalo pang mahalata ni mama na gustong-gusto ko. Hehe. Yess! Pumayag si Mama.
Pero teka.. sa kwarto ko.. matutulog.. si.. Daniel?? Hays! Ano ka ba Flora! As if naman tabi kayo!
Pagpunta ko sa computer room, naglaro pala ulit siya ng computer. Hay. Kawawa naman ang mahal ko. Walang matuluyan.
"Sige daw."
"Weh?" Pero nakatingin pa rin siya sa computer. Aba. Ayaw pa maniwala!
"Anong weh?"
"Ewan ko sa'yo. Pero sa labas ka daw matutulog."
Nagulat naman ako dahil bigla siyang tumayo at lumabas ng pinto. At.. sabay upo doon sa upuan sa gilid at nag-aktong tulog! Haha! Nakakatawa talaga!
"Hoy! Hahahaha! Baliw ka ah!"
Hindi niya ko sinagot. Nagkunwariang hilik lang siya.
"Oh diyan ka talaga matutu---"
"Aray!!"
Bigla kasing may dumapong lamok sa pisngi niya eh, napalo ko tuloy 'yung mukha niya. Hala! Namula!
"Ayy sorry, kasi may lam--"
"Kung gusto mo lang hawakan 'yung mukha ko, pwede naman. Basta magsabi ka. Hindi 'yung ganyan."
"Ang kapal ng mukha mo ah!!" Tapos pinalo ko naman siya sa hita. Kumunot na noo niya. Haha.
"Talaga lakas mo mantyansing ha!"
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.