Unexpectedly.

61 0 0
                                    

CHAPTER 25

Mabuti na lang wala pala 'yung prof namin sa Sociology. Tumakbo pa ko. Wala man lang nagtext. Si Charles binatukan ko kasi hindi man lang ako sinabihan.

"Problema nito??" sabay hawak niya sa side ng ulo niya na nabatukan ko. Galit siya?

"Hindi mo man lang sinabi sa'kin na wala pala si Sir. Tumakbo pa tuloy ako!"

"Baliw. Kakarating ko lang din 'no."

"Bakit? Saan ka galing?" At talagang nakapamewang pa ako. Kala mo nanay eh.

"Eh ikaw? Saan ka galing?"

"Kumain sa Jollibee. Hehe." Waaah! Anu ba yan. Nangingiti tuloy ako!

"Aba. Majolibee-jollibee ka na lang ah. Mag-isa ka lang?"

Bago pa man ako makasagot e pumunta na sa harapan si Mr. President na si Emman. Ang aming presidenteng adik - ginagawang comedy bar ang room araw-araw. Kaya ang saya din talaga ng college ko. Hay buti na lang. Pero okay lang naman din siguro kung sabihin kong si Daniel ang kasama ko 'di ba? Nahihiya lang talaga ako.

"Oh anung tinitingin-tingin niyo diyan? Uwian na. Come on!"

Naghiyawan sa room after naming matahimik dahil sa pagpunta niya sa harapan. Kala namin may kung anung sasabihin. Haha. Hay salamat. Uwian na.

Teka. Ahm. Text ko kaya si Daniel? Alam ko hanggang alas-dos lang sila ngayon eh. 1:30pm palang naman.

Write message:

"Hoy unggoy. Uwian niyo na ba? Kami rin eh. Hehehe."

delete-delete!

"Psst. Emo. San ka?"

delete-delete. Bakit itatanung ko pa eh alam ko namang nasa COE pa siya.

"Hoy unggoy. Uwian na--"

Naputol 'yung pagtetext ko kasi may nagtext. Ano ba 'yan.

Lumakas heartbeat ko. Kahit naman halos araw-araw na ako nakakatanggap ng text sa kanya, ang lakas pa rin ng heartbeat ko palagi 'pag nakikita ko name niya sa inbox ko. Hayys.

"Giraffe. Kala mo libre yung kanina? Bayad mo?"

Ha?? Adik naman 'to. Parang tanga.

Ako: magkano ba? Tsk tsk!

Daniel: punta ka na dito sa terminal. bilisan mo.

Ano ba 'yan, nangingiti tuloy ako.

Ako: Tsk. okay!

Ang saya naman. Uwian na rin pala nila. Minsan lang talaga siya mag-aya na sabay kami umuwi dahil nakakahiya mang sabihin, ako ang madalas mag-aya sa kanya. Pupunta na sana ako sa terminal nang bigla kong tabihan sa paglalakad ni Charles. Bakit daw ako nang-iiwan. Sorry Charles. Nakalimutan ko na agad lahat 'nung tinext ako ni Daniel. Wah. Ansama ko naman.

Nasa terminal na kami ngayon. Bakit gumugwapo si Daniel sa paningin ko? Hay. Ang cool niya kasing tignan sa black na jacket na suot niya. Tsk. Kalokohan mo talaga Flora. Nakita ko nagbatian na lang sila Daniel at Charles. Medyo magkakilala na sila kasi nga lagi ko kasabay si Charles kapag pupunta ako sa terminal tuwing Tuesday 'pag nagsasabay kami umuwi.

Hindi kami nag-usap ni Daniel, kami lang dalawa ni Charles hanggang sa makasakay na kami sa bus. Kasabay namin ngayon sa bus si Charles kasi dadaan daw siya sa isang school supplies store na madadaanan ng bus na lagi kong sinasakyan para bumili ng filler ng binder niya. Nagtaka naman ako, bakit hindi na lang sa SM eh madadaanan niya 'yun? Well. Hindi na rin ako nag-abalang magtanong pa. Anyway, ang pwesto namin, magkatabi kami ni Charles sa dalawahang upuan, tapos si Daniel nandun sa pinakalikuran dahil no choice, wala ng bakante. Nalungkot nga ko kasi ang layo niya pero hindi ko pinahalata syempre.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon