The Caller

69 0 0
                                    

CHAPTER 27

Huminto ata 'yung tibok ng puso ko panandalian dahil sa binanggit niyang pangalan. Nakapatong pa rin 'yung binti at at braso niya sa akin. Ang isa sanang magandang alaala, naging biglang isang malupit na gunita.

'Nung sa tingin ko wala na siyang sasabihin pang iba at medyo malalim na ang tulog niya, dahan-dahan kong tinanggal 'yung mga braso at binti niya sa akin. Buti na lang hindi nagising. Kinumutan ko na lang siya na siya naman talagang balak ko, at bumalik na ako nang dahan-dahan sa kama ko. Medyo nakangiti nga siya eh. Nakikita ko kasi medyo nakalihis ulit 'yung ulo niya sa direksyon ko. Ang ganda siguro ng panaginip ng unggoy na 'to. Pero kung sa panaginip niya masaya siya, mukhang mas mabuting maging masaya na lang din ako para sa kanya. *pikit ng mata*

Kinabukasan.

Wow. Ang ganda naman ng panaginip ko. Pagmulat ng mata ko, siya agad ang nakikita ko ngayon. Mahaba pala ang mga pilik mata niya kapag nakapikit. Magkaharap pa kami ngayon. Hay. Ang gwa--

Teka. Pikit nga ulit!

Ha??? Nakikita ko pa rin siya sa tabi ko.

Pikit ulit Flora. Gumising ka na!

Nandito pa rin!!!

Napabangon tuloy nang biglaan sa sobrang gulat! Akala ko kasi nananaginip lang ako! Pero totoo, nasa tabi ko siya ngayon. Anong gagawin ko??? Bakit katabi ko na 'to??

Tama. Aalis na lang ako dahan-dahan.

Dahan-dahan..

Dahan-dahan..

Dahan-da..

"Saan ka pupunta?"

"Aray!!"

Ay sh*t. Nagising na siya. Nauntog pa tuloy ako sa bakal. Ang sakit!

"Oh? Haha. Antanga kasi. Bakit dahan-dahan ka pang umaalis?"

Sh*t again. Kanina pa kaya siya gising?

"Eh bakit hindi? At anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka na nakahiga sa kama---"

"Hahahaha! Iniisip mo ba intensyon kong tabihan ka? Nananaginip ka na naman. Tsk tsk."

"Tigilan mo nga ako! Bakit ka nga nandyan?"

"Ginising ako ng mama mo. Lumipat na lang daw ako dito. May nakita daw kasi siyang daga na pumasok dito kaninang madaling araw. Tsk tsk. Maglinis ka kasi ng kwarto niyo!"

Aba at sinermonan pa ko! Para namang ang kalat-kalat ng kwarto namin ng kapatid ko eh maayos naman!

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi mo ba nakikita na ang li---"

"Oh ano pang ginagawa niyo diyan? Gising na pala kayo. Kumain na kayo dito."

Bigla akong kinabahan 'nung pumasok si mama. Hay. Ang aga-aga, nambabadtrip 'tong unggoy na 'to.

Lumabas na lang ako bigla ng kwarto. Sumunod din naman siya. Nag-check muna siya ng cellphone niya at sumunod na rin sa kainan. Tapos na rin pala mag-almusal si Mama at Francine. Si mama nasa tindahan, nagbabantay. Si Francine naman umattend daw ng birthday. 9:00 am na rin pala. Tanghali na.

"Kape o milo?"

"Pandesal."

"Saksakin kita. Ano nga?"

"Kape na lang. 'Wag masyado matamis ah."

"Aba demanding ka pa diyan!"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon