November 2005
Apat na bwan at dalawang araw matapos ang celebration ng 18th birthday ko. Ang bilis.
"'Yan ang pinili ko dahil walang katulad 'yan. Ingatan mo!"
Hanggang ngayon naka-save pa rin 'yung text niya na 'yan sa cellphone ko. Kabisado ko na kahit 'yung tuldok at dami ng letra, pero nagagawa ko pa ring basahin gabi-gabi.. at maging sa mga oras na pagod at stressed na ako. Suot suot ko 'to araw-araw, at sinasadya kong magsuot ng damit na kayang matakpan 'yung hanggang pendant kapag magkasama kami ni Daniel para hindi niya makita. Nahihiya kasi ako eh. Nakakabuhay lang din talaga ng dugo kapag iniisip ko na 'yung suot kong kwintas, ibinigay sa akin ng taong mahal ko... at pinili niya mismo para sa akin.
Nagkakatext pa rin kami. Halos araw-araw, kaya madalas ubos ang allowance ko kakaload. Hehe. Siya rin naman nagpapaload ata araw-araw, hindi ko alam kung ako lang ba ang tinetext niya o meron pang iba. Pero pakiramdam ko, ako lang talaga.
1 message received
Danyel. :)
Hoi giraffe. Nasan ka?
Wow. First time niya lang tinanong kung nasaan ako. Nagpalit nga pala siya ng number kaya nag-iba na din 'yung name niya sa phone ko.
Reply:
nsa park. ngrereview. bkit?
6 minutes na, wala pa ring reply. Adik 'to.
"Hinihintay mo talaga reply ko ha."
Nagulat ako! Sira ulo 'to. Nakakahiya pa kasi talagang nakatitig lang ako sa cellphone ko habang nakasalum-baba. Bakit nandito 'to? Alam ko may quiz sila ngayon sabi niya kagabi.
"Kapal mo. Ba't andito ka?"
"Sus. Titig na titig ka nga sa cellphone mo."
"Kapal ng mukha mo."
"Kumain ka na?"
May iba sa kanya ngayon. He keeps on asking questions that he never asked me before.
"Bakit?"
"Kelangan sasagutin mo rin ng tanong 'yung tanong ko? Oo at hindi lang ang sagot."
"Tss. Hindi pa." Ang sungit naman nito.
"Halika na."
"Saan tayo pupunta?"
"Saan ba nagpupunta 'pag nagugutom? Tsk. Tsk."
Aba. At nag-aya talaga siyang kumain. Hindi naman niya normal na ginagawa. Hay. Pinapatibok na naman niya nang mabilis 'yung puso ko.
Nagpunta kami sa Jollibee malapit sa school. Sabi ko pa bakit dito, e ang mahal pa. Sa loob ng school, p20 lang, may meal ka na. Sabi niya lang, gutom daw siya. Anong klaseng sagot 'yun?
"Hoy. Ikaw lang? Paano ako?"
"Edi pagkatapos kong umorder, ikaw naman umorder ng sa'yo. Bantayan mo mga bag natin."
Tapos nagpunta na siya sa baba, dito kasi kami sa second floor naupo dahil puno na 'yung mga upuan sa baba. 12:20pm na pala. Adik 'to. Wala pa naman akong pera ngayon. Tsk. Buti naman sana kung manlilibre siya.
Nasabi ko na ba? Hanggang ngayon pala nakasabit pa rin sa bag niya 'yung tsinelas na keychain na bigay ko galing Baguio. Hindi ko naman na din inoopen sa kanya 'yung topic na 'yun dahil mahirap na, baka mahiya pa siya at tanggalin niya. Ay teka, tumatawag sa phone si mama.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.