November 2004
NAGING MAAYOS naman ang The Torch. Maayos na ding nakalinya ang mga articles na isasali namin nila Sheena sa school paper. At next week pala, gaganapin na 'yung competition para sa taunang Division Press Conference kung sa’n maglalaban-laban ang mga writers ng school ng bawat district sa city namin. Exciting.
“Flora tska Daniel, tawag na kayo ni Sir sa office. Kayo na next.” Nakasimangot na malungkot na ewan si Veli, ang English News Writer ng The Torch, nang tawagin niya kami ni Daniel sa office kung saan lahat ng staffers e nakatambay tuwing uwian. Nasabon ata siya ni Principal ah.
Si Daniel ang naging pambato sa Pagsulat ng Lathalain (Feature Writing) ng The Torch, ako naman ang napiling lumaban sa English category nito dahil ‘yun daw ang forte ko - English. Ako? English ang forte? Haha. Nananaginip na naman sila. Sa dinami-dami ng fourth year students, bakit si Daniel pa ang nanalo sa Feature Writing contest sa school? Pero infairness, ang galing niya talaga magsulat. Para nga siyang si Bob Ong minsan. Ako naman hindi na sumali sa contest kasi permanent staff naman ako, pero mas okay sana kung nakasali ako sa contest.
“Good afternoon, Sir Cruz.” Bati namin ni Daniel sa Principal na kasalukuyang kumakain ng biko.
“Oh good afternoon. Upo kayo.” Mainit na salubong sa'min ni Principal. “Patingin nga ng mga ginawa niyong articles sa training niyo last last week.”
Nagulat naman ako dahil confident na ibinigay ni Daniel ang gawa niya kay Principal. Himala 'to. Madalas kasi, ako ang pinapauna niya. Mukhang nasa magandang mood si Daniel ngayon ah.
“Okay. Maganda. Pwede na. Sa'yo naman Flora?” Binalik na ni Sir Cruz ang gawa ni Daniel matapos itong tignan nang higit-kumulang dalawang minuto.
Ewan, bigla akong kinabahan.
“Oh Sung, sa’yo naman.” Inabot ni Sir Cruz ang kamay niya sa'kin at naghihintay na ibigay ko sa kanya 'yung gawa ko. Mga sampung segundo na, hindi ko pa inaabot, kaya napatingin na din sa'kin si Daniel. Pero dahan-dahan ko na rin namang binigay.
Pagkabasa pa lang sa title ng gawa ko, nag-react na agad si Sir Cruz. “Lonely Clown? Anong title naman ‘to Flora? Ang makakalaban mo, mga taga-private schools na magagaling sa English. Paano ka naman lalaban niyan kung ganyan? Pupulutin ka sa kangkungan niyan. Magpractice ka pa.”
Sabi na eh. Kaya pala ako kinakabahan. Napayuko na lang ako habang patuloy akong sinasabon ni Sir Cruz. Ngayon lang ako napahiya nang ganito, at sa harapan pa mismo ni Daniel. Gusto ko sana umiyak, pero hinding-hindi ko naman siyempre hahayaang mangyari ‘yun. Kung meron mang isang bagay sa mundo ang pinaka-ayaw kong gawin, ‘yun ay ang umiyak sa harap ng ibang tao.
Maya-maya lumabas na kami ni Daniel. Walang nagsasalita. Hindi rin naman kasi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko, ‘pag ibinuka ko ang bibig ko para magsalita, maiiyak na ko talaga. Ang sakit talaga sa lalamunan magpigil ng iyak.
“Ayos lang ‘yun. Maganda kaya. Lonely Clown? Haha! Joke lang! ” Mahinang sabi sa'kin ni Daniel at tinapik ako sa balikat. Napahinto tuloy ako sa paglalakad. Nakalimutan kong nasa likod ko pa pala siya. Pero inunahan niya na din ako sa paglalakad.
Nanghihina ako. Hindi ko namalayan napaupo na pala ako sa upuan sa tapat ng Principal's office. At hindi ko rin namalayan, nakatingin lang pala ako sa'kanya habang naglalakad papunta sa office ng The Torch.. pero maya-maya. naglakad siya pabalik sa akin.
“Oh. ‘Wag kang iiyak!” Parang nag-bibigay babalang sabi sa'kin ni Daniel matapos nitong iabot sa'kin 'yung Menthos na candy.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.