Weak New Year

30 0 0
                                    

December 30, 2005

Hanggang ngayon, nilalagnat pa rin ako. Limang araw mula 'nung nagpunta ko sa bahay nila, hindi na siya nagtext. Mabuti na 'yun, atlis hindi ko na kailangan umasa pa.

Kaso nakakainis. Talagang hindi siya nagtext. Iniisip ko tuloy, siguro narealize niyang masyado na niya akong tinetext at tinatawagan at baka isipin ng iba, may kakaiba nang nangyayari sa pagitan naming dalawa.

Sh*t. May tumatawag. Iba number. Siya ba 'to?.

"Hello?" *bahing*

"Hello? Flora!"

Ay hindi. Iba boses. Pero pamilyar.

"Sino.. *ubo* sino 'to?"

Ano ba 'yan. Nakakahiya na 'tong ubo't sipon ko.

"Si Charles 'to! Grabe ka. Parang two weeks pa lang tayong hindi nagkikita, nakalimot ka na. Pa'no pa kapag nasa Australia ka na?"

*ubo* "Hindi naman, grabe ka, iba kaya boses mo sa-- *ubo*"

Bad trip na ubo!

"Teka, may sakit ka ba?"

"Oo eh."

"Bakit?"

"Anong bakit? Bakit hindi? Teka, bakit ka pala tumawag?"

"Bakit ka nga nagkasakit? Nagpaulan ka ba?"

"Medyo lang."

"Adik ka pala, bakit ka nagpaulan?"

"Wag mo na nga ipaalala."

"Ang alin?"

"Basta, bakit ka nga tumawag? Kulet rin nito."

"Eh, wala lang. Ay nga pala, nakita ko si Daniel sa SM 'nung isang araw ah."

Hay nako. Talagang pinapaalala pa sa'kin 'yung taong 'yun.

"Saan naman? At kelan?"

"'Nung Pasko lang, sa SM."

Pasko? Sa SM? So nag-SM nga talaga siya?

"Ah... may kasamang babae 'no?"

"Ha? Wala. Mag-isa lang. Sabi niya nga pupunta ka daw sa kanila eh. Kayo na ba? Makapaglihim ka naman diyan!"

Natulala na lang ako. Teka, parang ang gulo.

"Hello? Ui Flora?"

"Tsk. Ano ka ba. Baka hindi ako 'yung sinasabi niya, 'yung crush niya 'yun."

"Bakit, giraffe din ba tawag niya sa crush niya? May dala nga siyang cake eh! Para sa'yo siguro!'

"Baliw! Bakit naman ako bibilhan ng cake 'nun?"

"Ay nga pala, may kasalanan ako."

"Ano naman?"

"Nabanggit ko pala sa kanya na ano... na ano.. Ahm. Hindi mo pa ba nababanggit sa kanya?"

"Ang alin? Ang gulo mo naman."

"Na aalis ka na, ano pa ba?"

"Ha????? BAKIT MO SINABI??????????????? Teka, pa-pano naman naopen 'yun?? Eh nagkasalubong lang naman kayo?"

"Nagkwentuhan kami konti. Kasi nakapila siya 'nun sa Goldilocks, eh pumila rin ako kasi bibili rin ako ng cake. Nagulat nga ko 'nung nasa harap ko pala---"

"Ikwento mo na lang kaya!!!"

"Eto na nga. Ikaw pinagkwentuhan namin. Natanong ko sa kanya kung alam niyang sa Baguio ka dapat papasok. Tapos sabi niya, alam niya nga daw nasa Baguio ka talaga. Hello, nandiyan ka pa?"

"Malamang, tuloy na."

"Tapos sabi niya, kaya ka daw siguro hindi natuloy sa Baguio kasi nga pupunta daw kayo ng Australia. Eh tapos sabi ko, nasabi mo na pala sa kanya."

"Ano ba yan! Kainis naman 'to. Oh, ano sabi niya?"

"Sabi niya, oo daw eh. Tapos tinanong ko sa kanya kung anong plano niya e sa March ka na aalis, almost three months ka na lang dito. 'Dun siya nagulat."

"Panong nagulat?"

"Sabi niya, giraffe ka daw talaga. Hindi mo daw 'yun nasabi sa kanya."

*ubo* "Ai ewan, sige na, magpapahinga pa ko."

"Okay sige, pagaling ka!"

Nakatulog na lang ako after 'nun. Napanaginipan ko pa na hinabol niya daw 'yung eroplanong sinasakyan ko. Hehe. Ang adik.

---

December 31, 2005

Ang aga ko nagising, alas-siete pa lang ng umaga. Ang aga ko kasi natulog kagabi. Kausap pala ni mama si papa.

"Oo nga, kaso paano naman 'yung natitirang sem ng mga bata?"

Ha? Ano pinag-uusapan nila?

"Okay sige, sabihin ko na lang sa kanila. Okay sweetheart, ingat ka diyan. I love you."

"Ma, ano sabi ni papa?"

"Sa katapusan na pala alis natin."

"As in...sa January 30?"

"Katapusan nga di ba, edi sa 31."

"Eh?? Bakit daw?"

"Yung visa daw kasi natin, February 6 ang expired. Hindi niya daw agad nabasa."

"Ah..."

"Okay nga 'yun di ba!"

"Hindi..."

"Bakit hindi? Ayaw mo pa ba umalis?"

"Hindi okay kasi ano, winter di ba?"

"Ay oo nga pala, pero okay lang, teka may bumibili."

Iniwan na rin ako ni mama at pumasok na lang ako sa kwarto. Wala na rin naman akong lagnat, pero parang lalagnatin ako. Kala ko maikli na ang three months, hindi ko akalaing may mas iikli pa pala dun. Pakiramdam ko tinaningan na ang buhay ko..sa Pilipinas.

*toot-toot*

1 message received

Danyel :)

(heartbeat)

"Hi Giraffe, bakit hindi mo na ko tinetext? Nagbago ka na."

Napaupo na lang ako sa kama. Hay Daniel...

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon