When You Call My Name

70 1 0
                                    

Last day na ng practice sa graduation. Mula 'nung pagbalik namin galing ng Baguio tatlong araw na ang nakakalipas, hindi pa kami nag-uusap ni Daniel. Lagi kasi siyang nasa PogiBoize, ako naman kasama ko palagi 'yung mga kapwa ko honor students dahil nag-aasikaso kami ng mga certificates namin at kung anu-ano pa, kaya madalas, hindi na kami nagkakatabi sa upuan sa classroom.

Naanounce na nga rin pala ang mga top, Valedictorian si Sheena, Salutatorian si Kathy, Top 3 si Kris, Top 4 ako at Top 5 naman si Veli. Hindi na masama. Most Outstanding Journalist of the Year pa ako. Naks!

At etong keychain na may pangalan ni Daniel, hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa kanya.

Pagkabunot ko ng letra 'dun sa tindahan ng matanda sa Baguio, tinanong niya ako kung ano ang pangalan na una kong naisip sa letra na 'yun, may "free engraving" daw sa likod. Wala akong ibang maisip, at siya lang naman din ang gusto kong pagbigyan 'nun kung sakali man. 'Yung isa may pangalan ko din, nasa pitaka ko lang.

Kagabi din pala, sumulat ako ng letters para sa lahat ng mga close friends ko, farewell letter kumbaga. Nagawan ko pala halos lahat ng classmates ko, at naipamigay ko naman nang maayos. Lahat nabigay ko - maliban 'tong para kay Daniel.

Graduation na bukas, at pagkatapos, wala na. Kaya.. dapat may gawin ka Flora. Ibigay mo sa kanya. Pero hays! Hirap tsumempo!

'"Flora! Uwi na tayo! Kakain daw ng lugaw,"  sigaw ni Brad sa hindi kalayuan, isa siya sa mga kasabay ko madalas 'pag umuuwi.

"Oo sige, sunod ako!"

Palabas na ako dito sa office, pero bigla na namang pumasok si Daniel. Ano ba 'yan, palagi na lang ako ginugulat nito. Nandito pala ulit 'yung bag niya. Siguro, pwede ko na ibigay dito.

"Babye giraffe!"

"Hoy unggoy." Napahinto siya sa paglalakad palabas ng pinto.

"Oh!" at inabot ko sa kanya 'yung sulat at tsinelas na keychain.

Sabay takbo ako palabas! Waaahhhh! Nakakahiya naman ako! Narinig ko sumigaw pa siya ng "Giraffe! ano 'to??" at narinig ko din siyang tumawa. Grabe talaga! Bakit ba kasi ako tumakbo??

Waah. Nanginginig tuloy ako paglabas, pero wahahahahah! Natatawa ako! Para kasi kong tanga! Hahaha!

"Hoy, nababaliw ka na giraffe ah, ay sorry. Flora pala!" pati pagkakasabi ni Brad, natawa rin ako. Hahaha.

"Hahahahaha! Wala naman. Tara, saan tayo kakain?" Ang sakit tyan ko kakatawa. Ano ba yan, natatawa ako sa kahihiyan!

"Hala, nag-marijuana ka na naman Flora!," sabi naman sa akin ni Shane, kasabay din namin sa pag-uwi.

"Doon kina Ate Tess, masarap 'dun," lagot. Nawala 'yung tawa ko at napalitan na naman ng kahihiyan. Saan ba pwede magtago?

"Oh Daniel, sasama ka sa'min?"

"Oo. Basta libre ni giraffe." Pakiramdam ko tumingin siya sa'kin at tumawa siya. Waah. Nakakahiya! Malamang nakita na niya 'yung keychain na may pangalan niya, at may heart pa! At malamang alam na niyang sulat 'yung isa ko pang binigay. Ang lupet naman ng last day na 'to.

Bakit siya sasama sa amin? Iba ang daan niya, iba rin ang sa amin. Kainis. Hindi tuloy ako makapag-joke.

"Bakit ba dati Daniel, 'nung second year, parang close na close kayo ni Flora tapos bigla kayong hindi na nag-usap?" Ano ba 'tong si Brad!! Ano 'tong pinagtatanung niya???

"Oo nga Daniel, tapos ngayon iba na kayo, parang anu, basta. Iba na 'yung samahan niyo ngayon, hindi tulad 'nung second year tayo na halos isipin naming mag-syota kayo?" Hala Lord.. isa pa 'tong si Sharmaine.. Bakit niyo ginagawa sa akin 'to???

Pero.. ano nga kayang isasagot niya?

Natawa muna siya, at nagsalita. Pansin ko nakatingin silang lahat sa kanya at hinihintay siyang magsalita. Ako naman hindi makatingin, ni hindi ko nga alam anong sasabihin o dapat na maging reaksyon ko!

"Tanungin niyo 'yang giraffe na 'yan.." tapos ngumiti lang. Nagtinginan silang lahat sa'kin.

"B-bakit ako? Malay ko. Bakit ba inuungkat niyo pa yan?"

"Bakit nga ba giraffe? Ano ba nangyari sa'tin?" then tumabi na siya sa akin, at sinisiko ako na parang pinipilit niya ko magsalita. Tumalon na namn 'yung puso ko, kinakabahan talaga ako kapag bigla siyang lumalapit at dumidikit sa'kin, naamoy ko pa pabango niya. Anak ng ano!

Tapos naghiyawan silang lima (Brad, Shane, Sharmaine, Joy, at Ian - mga kasabay ko madalas pag-uwi) at inasar kami. Adik 'tong si Daniel. Nababaliw na naman siya! Siya ang tunay na nag-marijuana!

Napabulong na lang ako sa kanya habang naghihiyawan silang lahat.. "May tira pa kong shabu dito, sabihin mo lang kung gusto mo pa."

Nakarating na rin kami sa lugawan. Kumain nang higit kumulang isa't-kalahating oras, kasama na ang kwentuhan at tawanan, pati pag-rereminisce ng buhay namin mula first year. Ang saya talaga. Mas nabusog ako sa kwentuhan.

Maya-maya nagka-ayaan na rin umuwi. Nagkanya-kanya na rin kami ng direksyon. Si Daniel, umalis na at naglakad mag-isa, ganun din ang iba sa amin. Kasabay ko naman sa jeep sila Brad at Sharmaine.

Ngayon ko lang narealize, nakakalungkot pala talaga 'pag magtatapos na ang high school. Last na pala naming magka-sabay-sabay umuwi. Nalungkot ako 'nung nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pakiramdam ko gusto ko umiyak, o kaya mag-isang round pa ng lugaw at kwentuhan. Kaso kahit gawin namin 'yun, sa kadulu-duluhan, magpapaalam din naman kami sa isa't-isa. Nakakalungkot lang talaga. 'Yung apat na taon na 'yun, masyadong makulay. Ni hindi ko man lang naisip na balang araw, gagraduate din kami.

At kami ni Daniel, wala. Hanggang ganito na lang talaga kami, asaran lang. Nakakalungkot lang, hindi na kami magiging magkaklase, hindi na rin magkakatabi. Magkakaiba na kami ng buhay. Ni hindi ko man lang nasabi na gusto ko talaga siya sa kabila ng lahat, at hindi lang 'yun basta basta chismis lang. Bakit parang mas nakakalungkot pang isipin 'yun?

Sumasabay sa pagiging senti ko ang mga senti na tugtugan sa radyo. Gabi na rin kasi kaya mga ganito ang pinapatugtog. Pakiramdam ko mas tumahimik ang kwarto ko ngayong gabi, o mas okay sabihing, lumungkot nang konti.

*toot-toot*

1 message received

Mr. PogingCute

Sh*t. Parang nagpanic na naman 'yung puso ko.

"Maraming salamat talaga kasi nag-usap ulit tayo. Hindi ko alam kung ano iniisip mo, pero basta masaya ako na naging magkaibigan ulit tayo. Sorry ha kung may mga nagawa man ako na kinainisan mo. Hindi kita makakalimutan dahil abnormal ka. Salamat talaga. 'Wag kang tatawa ha, pero, mamimiss talaga kita. Happy graduation at goodluck."

Napatayo ako sa kama. Waaaaahhhhh!!!! Bakit niya sinend sa'kin 'yung message ko sa kanya???????????? Abnormal na unggoy!!! Waaaahhh!! Teka, may text ulit.

"'Wag ka na ulit maghahanap ng babae para asarin mo nang todo-bigay. Masaya rin ako na kahit mga dalawa o tatlong beses lang, natawag mo ulit ako sa pangalan ko, pero actually kahit pano, nasanay na rin ako sa giraffe."

Sobra na 'tong unggoy na 'to!!!!!!!!!!!! Anong irereply ko???? At ha? May text ulit. Isesend na naman niya 'yung sinulat ko sa sulat. Waaah!

"Bakit? Ako ba, ni minsan, tinawag mo ba akong Daniel?'"

Napaupo tuloy ako at napabuntung-hininga. Oo nga 'no? Hindi pa pala.

May text pa ulit. Hindi man lang antayin reply ko.

"Para san pala 'tong keychain? Ang korni ha. Siguro nasayo ung pares nito no? Haha. Peace! Joke lang. Pero salamat. Salamat talaga. Sorry sa lahat. Goodnight, Flora."

Ewan. Pero eto... naiiyak na naman ako.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon