Nandito kami ngayon sa office nila Kathy, Sheena, James, Paul, at Arvin, ay pati sila Clarisse at Nico pala na classmates din namin, andito na. Kararating lang. Pinag-uusapan namin 'yung tungkol sa entrance exam sa San Augustin State University. Halos lahat ata ng iba kong classmates bukod kina Kathy at Sheena, doon balak pumasok. Kaso ako, hindi eh. Bata pa lang ako, pangarap ko na mag-aral sa UP (University of the Philippines). Nag-take na kami ng exam doon 'nung August. Sana pumasa kami.
"Kelan ba talaga tayo mag-eexam 'dun? 'Yung iba ba kelan?," tanong ni Paul kina James.
"Hindi ko alam sa iba, pero sabi sa'kin ni Daniel gusto niya daw first batch para mas malaki chance na pumasa," sagot naman ni James.
Na-curious naman ako 'dun. "Bakit naman daw malaki chance pumasa 'pag first batch?"
"Malay ko sa kanya. Ayan na siya oh, hoy Daniel, ba't nga ba first batch gusto mo?," sagot naman sa akin ni James at pagkatapos ay hinablot niya 'yung notebook ni Daniel sa Physics. "Naks, andami mong notes ah, pakopya ko saglit."
"Wala lang. Gusto ko lang. Pero kayo bahala. Pero mas okay talaga ang first batch para tapos na agad, wala nang intindihin," sagot naman niya tapos pinatong na niya 'yung bag niya sa lamesa.
"Eh 'di kapag first ka, wala ka nang mahihingan ng idea kung ano mga lumabas sa exam," katwiran ko.
"Bakit kailangan mo pa nang mahihingan ng idea, edi wala ka palang tiwala sa sarili mo," mabilis na tugon niya sa'kin, lahat sila napatingin.
Wala akong nasabi. Tsk.
Natawa siya bigla. "Pero kayo giraffe, mag-exam kayo ha. Kayo nila Sheena. Makisama kayo!"
"Aba Mr. Espinosa, kung si Flora lang naman ang gusto mo kasabay sa exam, siya na lang. Hindi 'yung dinadamay mo pa kami ni Sheena!," pataray na sagot naman ni Kathy. Nakurot ko tuloy siya sa tagiliran. Tapos ayan, nang-aasar na tuloy mga kaklase namin.
"Oo nga 'tol. Grabe ha. Nakakilig naman kayo!," panngagatong naman ni Arvin, tapos nagbabakla-baklaang action pa siya ng kinikilig. Nakakatawa talaga, pero hindi ako natutuwa!
"Oh talaga? Ako rin eh, kinikilig ako," sabi naman agad ni Daniel. Lalong nang-asar mga kaklase ko.
Hindi ako talaga natutuwa kapag inaasar kami ni Daniel. Pakiramdam ko kasi, wala lang naman talaga sa kanya 'yung mga sinasabi niya. Nakikisakay lang siya sa ngalan ng katuwaan. Nalulungkot ako kapag naiisip ko 'yun. Hay.
Nag-bell na. Papasok na kaming lahat sa room.
Teka, wala kaming upuan ni Daniel?? Nanguha na naman ng upuan 'yung kabilang section kagabi tapos hindi na binalik, 'yung kabilang section din ngayong pang-umaga tuloy ang nakinabang. Hay. Maghahagilap na naman kami nito sa ibang room. Bad trip. Pero bigla namang nawala si Daniel. Hindi man lang ako hinintay. Tsk. Saang section kaya may extrang upuan?
"Hoy giraffe ano ba, tumabi ka. Ambigat kaya!," sabi ni Daniel 'nung nasa pintuan na ako para lumabas at siya naman ang papasok, napatalon tuloy ako sa loob. Isang upuan lang dala niya. Hindi man lang ako inisip. Hmmp!
"Humaharang ka na naman, doon ka nga, bantayan mo na nga lang upuan ko, baka mawala pa," dagdag niya 'nung lalabas na ulit ako ng room. Lalabas din pala ulit siya pagkalagay ng buhat niyang upuan kanina sa classroom. Nakakainis talaga 'tong unggoy na 'to.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Ficción General'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.