April 18 na pala. Ilang minuto na lang, April 19 na. Hinihintay ko lang mag-12 am dahil babatiin ko ng happy birthday si Kathy.
Ang bilis naman. Mahigit kalahating bwan na pala mula ‘nung grumaduate kami. May mga nagtetext din naman pero konti lang. Hindi pa kasi lahat may sariling cellphone. Sa SASU na talaga ako mag-aaral. Ayoko na rin malayo pa dito sa bahay namin. Wala pang nakakaalam na doon ako mag-aaral bukod kay Sheena at Kathy, kaya halos lahat sila, alam na sa Baguio ako mag-aaral.
Wala rin naman akong ginagawa buong bakasyon. Pero hindi talaga maalis sa isip ko ‘yung araw ng graduation kung saan niyakap niya ako for the first time. Pakiramdam ko tumigil ‘yung oras at wala akong narinig kundi boses niya lang. Korni pakinggan, pero promise, parang ganun talaga. Hindi ko pa rin alam kung bakit sila nagbreak ni Sunny. At hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin. Pero sus, malamang, kaibigan lang naman talaga ako.
Ayan 12am na! Sa wakas!
“Happy happy birthday Mare!! Hinintay ko talaga na mag-12am para mabati kita, nakakatouch no? Hehehe. Hope you will be happy today. I miss you so! Ingat ka sa Los Banos ha, and goodluck in everything. I love you!”
Wala pang 10 seconds, may reply agad!
Kathy: Hahahah yihee! <3 <3 <3
Hala. Kinilig sa text ko?
Ako: haha bkit? Kinilig ka? Hahaha
Kathy: Yess! So much!!!
Ako: hala. haha. Bkit?
Kathy: May kasabay ka kasing nagtext e. Kakatuwa lng. J
Ako: uyyy. tinxt k ni ryan no? (crush niya)
Kathy: Hay. Asa naman! Sabay nio ko tinext ni Daniel! meant to be talaga kayo!
Ako: hala. nagdrugs kna naman. ngksabay lng ng txt, mean to be na? haha.
Kathy: Katext ko siya mare.
Ako: okay. hehe.
Kathy: Bakit ba hindi k pa umamin sa kanya?
Alam ni Kathy na mahal ko si Daniel, inamin ko na ‘nung the next day after graduation.
Ako: hindi ko kaya nu. baliw.
Kathy: Kahit sa text lang? Hindi naman na kau magkikita nyan sa SASU di ba? magkaiba naman kau ng building?
Ako: kahit na. e kung magkasalubong kami?
Aba at ambilis naman magrep…
Mr. PogingCute: Hi Flora. J
Hala. Ang heartbeat na naman. Nakakabigla naman siya. Gising pa pala ‘to. 1am na. Isang oras na pala kami magktext ni Kathy. At teka, ngayon na lang ulit kami mag-uusap kung sakali after ng graduation. Anong sasabihin ko???
Ako: hi Daniel. J *delete-delete* oi unggoy. bat gising kpa? *delete-delete* hi din Daniel. J (hays. bahala na!)
Mr. PC: Haha. Gising ka pa pala. Kamusta?
Ako: okay naman. ikaw?
Mr. PC: Ayos lang din. Kelan ka pupunta sa Baguio?
Ako: ahmm. sa next Friday na. (Mas okay na magsinungaling, di ko rin alam kung bakit.)
Mr. PC: Ang lapit na pala. Ingat ka dun ha.
Ang weird talaga ‘pag biglang bumabait sa’yo ‘yung taong lagi kang inaapi. Pakiramdam mo magtatapos na ang mundo bukas.
Ako: oo, ikaw din. galingan mo sa SASU, Mr. Engr. Daniel. taray!
At mas weird naman kapag bigla ka ding bumait sa nang-aapi sa’yo.
Mr. PC: Wag ka magpapaligaw dun ha. Kawawa naman sila. Haha. peace!
Sabi ko nga eh, mauuwi rin ang lahat sa pang-aasar. Pero bakit parang ang saya ko? Hmm.
Ako: adik. mang-aasar ka din pala. si Kathy nasan na? katxt mo ba?
Mr. PC: Kanina ktxt ko. Pero ngayon hindi na. May sasabihin ka daw sakin? Ano yun?
Hala impaktang Kathy! Ano sinabi niya??? At malamang sinadya niyang wag na kami replyan ni Daniel. Tsk.
Ako: wala nu. wag k maniwala dun.
Mr. PC: Weh? Ano nga yun? Dali na. Makikinig ako. Madaling araw ngayon kaya medyo seryoso ako. Emo ang mga Sagittarius kapag gabi. J
Hala nababaliw na siya. Pero.. sasabihin ko na ba?
Ako: wala nga sabi. matatawa ka lng, mabibigla, matatakot. wala nga.
Mr. PC: Edi meron nga. Sabihin mo na. Sige na Flora. J
Patay. Teka lang. Iihi muna ko. Naiihi ako kapag kinakabahan sa gabi. Ano ba ito. Gusto niya ba talaga malaman? Teka, malamang, may idea na to sa sasabihin ko.
Okay. Game.
Ako: wag kng tatawa?
Mr. PC: Pramis. J
Sh*t. Sige Flora. Mukhang kelangan mo na nga ‘tong gawin. Kaya mo ‘yan. Whoooh.
Ako: pero cguro naman alam m na rin kung ano bng sasabihin ko. sasabihin ko nlang din pra maconfirm m khit papanu. bhala ka na kung tatawa ka o aasarin m ko. pero gusto ko lng sabihin na, totoo yung sinasabi nila na mahal kita. kahit pinagmumukha m kong tanga madalas at lagi m akong inaaway, mahal pa rin kita. oh ayan sige na tumawa kna! unggoy ka!
1.. 2.. 3.. Message sent. Waaahhh! Teka, iihi ulit ako. O iwan ko muna cp ko dito sa kama at mag-stay sa banyo. Tama!
Nagreply na kaya? Sige na nga balikan ko na. Whooh. Nagreply na. Grabe. Hindi ko na ulit to gagawin sa susunod!!!
Mr. PC: Haha. Nakakatuwa ka talaga Flora. Natutuwa talaga ako sayo. Siguro sinabi mo yan sakin dahil hindi na tau magkikita nu? Salamat. At hindi naman na ako nagulat. Peace! Cge galingan mo nalang sa Baguio. Wag m kmi kakalimutan ha. Padalhan m kami ng pasalubong. Salamt ulit Flora. Goodnight. God bless. J
Waaah?? “Nakakatuwa” na ba ang bagong term sa busted? Anak ng tinapa. Parang napahiya ako na ewan. Hay. Kung alam niya lang na sa SASU rin ako mag aaral. Sana lang ‘wag siyang mailang sa akin kapag nagkita kami sa school. Sa bagay, kung magkakasalubong man kami, saglit lang at pwede ko pa siya taguan. Hay. Pero okay na rin. Atlis nasabi ko na sakanya. Hindi ko naman habambuhay na maitatago ‘to. Hindi talaga mapipilit ang feelings. Atlis naconfirm ni Daniel na mahal ko siya.
Habang ako.. naconfirm ko na hanggang kaibigan lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.