Love Nurse

81 1 0
                                    

"Let's give a round of applause to these great Augustinians who gave pride to our school.." Pagmamalaking sabi ng principal namin habang nasa stage kasama kami nila Daniel, Kathy at Sheena.

Hindi ko maipaliwanag 'yung pakiramdam. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Daniel na nakatayo sa stage na 'to. Wala na yatang mas sasaya pa sa tagumpay mo kasama ng taong mahal mo.

Pagkatapos ng flag ceremony at awarding sa amin, nagsibalik na rin kaming mga estudyante sa mga classroom. Magkakasama sila Daniel, Paul, Arvin at James sa bandang unahan ng classroom. Ang ingay magkwento ni James. Puro tungkol naman sa crush niyang si Diana sa section 2 'yung naririnig ko. Pero pansin ko walang kibo si Daniel, hindi siya nakikisali sa usapan, parang tumatawa lang siya pero hindi naman niya yata sigurado kung ano ba 'yung nakakatawa. Ganito rin siya kanina sa stage. Wala siyang kibo. Bakit kaya?

"Flora, kasama ba 'yung digestive system mamaya sa quiz o 'yung hanggang nervous system lang?" Tanong ng kaklase kong si Joy na kanina pa sa pila nagrereview.

"Hindi na, hanggang nervous lang daw." Tama ba ako? Oo, alam ko hanggang nervous system lang eh.

Dumating na 'yung teacher namin sa first subject. Pero magpapareport lang naman 'to. Wala na naman makikinig kasi kokopyahin lang naman namin sa notebook 'yung mga sinulat ng reporters sa manila paper. 'Yung iba naman nagrereview na lang kasi may long quiz daw si Ma'am pagkatapos ng report. Buti nakareview na ako kagabi nang todo.

"Unggoy, 'di ka ba magsusulat?" Tanong ko kay Daniel. Hindi pa kasi siya nagsasalita kaya kinausap ko na. Parang may mali kasi. "Hoy, unggoy!"

Hindi siya nagsasalita. Binaba niya lang 'yung ulo niya sa desk, 'yung posisyon na parang matutulog. Problema ba nito? Hala! Nag-break kaya sila ni Sunny?

"Hui, Espinosa. Emo ka jan.. anung prob.. hala! Ang init mo unggoy ah!" 'Nung nahawakan ko na siya sa may bandang braso niya naramdaman ko mainit siya. May sakit pala siya! "Halika sasamahan kita sa clinic, ay ano teka, magpapaalam muna ako kay Ma'am."

Matapos kong magpaalam sa teacher namin, inalalayan ko siyang tumayo at tinawag ko na sila James at Paul. Masama nga siguro talaga 'yung pakiramdam niya kaya hindi na siya nagpapilit pa.Daniel, nagkakasakit ka rin pala? Nag-aalala ako. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong klase nang pag-aalala.

"Oh sige ihiga niyo na siya dito," utos ng matandang nurse sa clinic. "Anong nararamdaman mo iho?"

"Nahihilo po.. tsaka parang nasusuka," mahinang sabi ni Daniel habang nakalagay 'yung braso niya sa mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang nanghihina nang ganito. Bakit kasi pumasok pa siya?

"Mataas ang lagnat mo iho. Uwi ka na lang muna," malumanay na sabi ng nurse sa kanya.

"Ayoko po," mabilis namang sagot ni Daniel. Nababaliw na ba 'to? Siguro ayaw niyang umuwi dahil gusto niya makita si Sunny mamaya. Unggoy nga talaga 'to, walang utak! Kainis!

"Ui 'tol, ano musta?," bati ni Arvin na kararating lang sa clinic. Pero hindi siya sinagot ni Daniel. "Tawag na kayong tatlo ni Ma'am, mag-quiz na daw tayo. Tapos na mag-report sila Mark."

" Sige 'tol, pagaling ka na lang. Balik na muna kami ha," sabi naman ni James at palabas na din sila ni Paul. "Ui Flora, tara na."

"Oo.. sige." Tapos lumabas na kaming apat sa clinic.

Naglalakad na kami sa corridor at malapit na sa classroom, kaso parang hindi ko talaga kayang iwan si Daniel nang gan'un. Baka malungkot siya paggising niya mamaya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon