CHAPTER 15
Usapan pa rin dito sa school ngayon 'yung tungkol sa registration sa entrance exam sa state university kahapon. Karamihan sa kanila, naeexcite at gusto na daw mag-exam. Ako, tuwang-tuwa talaga ako na nakapasa ako sa UP. Ang nakakatuwa pa, si Sheena at Kathy din pala. Whoooh! 'Yun nga lang sa UP Baguio ako, yesss! Titira ako sa Baguio!!
Nandito na kaming lahat ngayon sa classroom. Wala pa 'yung teacher namin sa Filipino. Pero pumasok si Sir principal.
"Everybody, fall in line outside. Magpa-practice na kayo for graduation."
Nasabi ko na bang March na ngayon? Ambilis lang. Gagraduate na pala kami.
Lahat kami lumabas na at pumila sa covered court. Dito na lang pala gaganapin ang graduation at hindi na sa may malapit sa barangay. Nagtataka naman ako kung bakit pa manghihiram ng ibang covered court e meron naman kami?
Ang ingay ingay dito. As usual, magkahiwalay na nakapila ang mga babae at lalaki. 'Yung mga PogiBoize, nasa likod. Tawa sila nang tawa, lalo na si Daniel. Parang adik na unggoy. Joke.
"Miss Flora Sung, Miss Kathy Eugenio and Sheena Queribin, please come up on stage," utos ni principal kaya lahat tumahimik. Walang intro, ganun agad? Nagulat tuloy kaming tatlo.
Pag-akyat namin sa stage, nagpalakpakan silang lahat.
"Bakit kayo pumapalakpak? Alam niyo na ba kung bakit sila nandito?" tanong naman sa kanilang lahat ni principal, at lahat sila sumagot ng "hindi po" at nagtawanan. Ang kulit talaga! Haha!
"Si Miss Flora Sung, Kathy Eugenio at si Miss Sheena Querubin ay ang mga pumasa sa entrance exam sa UP. Ngayon, pwede na kayong pumalakpak."
At naghiyawan na naman silang lahat. Wow nakakataba naman ng puso. Ang hanep sa pakiramdam! Hindi ko mapigilan mapatingin kay Daniel. Pumapalakpak naman siya, pero normal lang. Bakit Flora? Nag-eexpect ka ba na titingin siya sa'yo at papalakpakan ka??
"Sa UP Los Banos po," narinig ko na lang na sagot ni Kathy. Tinatanong pala ni Sir kung saang mga branch kami nakapasa.
"Sa Diliman po," sagot naman ni Sheena. Sumagot ang mga estudyante ng "wow!"
"And you, Miss Sung?"
"Ahm. Sa Baguio po,"
Tapos naghiyawan sila. Karamihan sa kanila ang sabi, "wow.. Baguio!!"
"Malayo-layo ang sa'yo Miss Sung, tutuloy ka ba doon?"
"Opo Sir."
Sung ng Sung si Sir, alam naman niyang Flora ang first name ko. Ayoko talaga ng tinatawag ako sa apelido ko. Wala lang. Hindi kasi ako sanay.
Maya-maya bumaba na kami ulit at pumila. Nagpractice na kami for graduation.
Palibhasa public school, kaya expected na andami-daming estudyante na gagraduate. Buti na nga lang at nasa Section 1 kami kaya naman kami ang unang tinatawag sa kuhaan ng diploma. Pero may limang upuan na nasa pinaka-unahan, mga honor students pala 'dun. At doon pala kami uupo nila Sheena, Kathy, Kris, at Veli. Pero hindi pa namin alam kung ano ang mga rankings namin. Basta confirmed lang na kami ang nasa top 5. Tapos na din kasi 'yung tinatawag nilang "pre-finals". Eh sus, may pa-"pre"-"pre" pa, e yun naman na talaga 'yung finals. Kung meron mang final exam, joke na lang 'yun, for formality, kumbaga.
Ayos naman ang practice, magulo sa umpisa dahil first practice palang pero umayos din 'nung tumagal na.
Araw-araw kaming ganito sa school. Wala na kaming klase halos, puro practice na lang talaga dahil two weeks na lang, pasukan na.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.