Happy Last Birthday

42 0 0
                                    

January 10, 2006

*Flashback from yesterday*

Text message:

Oi unggoy, anong oras pasok mo - - *delete delete*

Psst. Unggoy, pasabay bukas ha? *delete delete*

Hoy unggoy. *sent*

Pati ba naman ‘to, kinakabahan pa ko?

*toot-toot*

1 message received

Danyel :)

Bakit?

Ako: Pwedeng pasabay bukas? Mabigat kasi dala ko eh.

Teka, ano ‘yung sinabi ko?

Daniel: Ano ba ‘yang dala mo? Hollow blocks?

Ako: Adik. Mga mabibigat na libro. May dala kong encyclopedia.

Grabe, natatawa ko.

Daniel: Grabe naman kasi ‘yang likod mo. Napakahina. Abnormal na nga leeg mo, abnormal pa likod mo.

Ako: Salamat sa comforting words, bakit hindi ka nag-pastor?

Daniel: Magpapari nga ako. Libre mo ba pamasahe bukas? At may dala ka bang pagkain?

Ako: Tsk. Oo na, Father Daniel!

-end of flashback-

Magdadala sana ko ng encyclopedia ngayon kaso ‘wag na, kalokohan naman. Ang tagal naman niya. Usapan 10:00am, eh anlagay… ay 9:50 am lang pala.

Maya-maya dumating na din siya.

“Asan encyclopedia mo?”

“Naiwan ko.”

“Gusto mo lang talaga ko makasabay. Grabe ka talagang giraffe ka. Eh pagkain?”

"Oo na meron na nga, sumakay ka na nga!"

Natawa na lang ako sa kanya. Actually, hindi ako masyado makapagsalita. Iniisip ko pa rin kasi kung kelan ‘yung magandang timing para ibigay ko ‘yung regalo ko. At kinakabahan kasi ako. Ngayon ko lang kasi ‘to gagawin. Sana naman hindi niya ko pagtawanan!

Traffic pa. Kwento lang siya nang kwento. Nahihilo na nga ko. Nakaupo ako malapit sa bintana. Ah alam ko na, ‘pag dumaan na sa tapat ng Iglesia ni Cristo, ibibigay ko na.

“Tapos ‘yung prof namin sa Filipino, tinawag ba naman ako. Nakakatakot pa naman boses niya, eh pagbuburahin lang pala ko ng blackboard.”

Tumatawa lang ako kunwari habang nakahawak lang sa regalo sa bag ko.

Ayan na malapit na mag-Iglesia.

“Si Michael nga pinagsayaw pa sa harap ‘nung birthday niya, nagulat kami ‘nung nag-split! Haha grabe talaga.”

Dumaan na sa Iglesia. Ano ba ‘yan. Hindi ko pa rin nabigay. Bakit kasi ang daldal nitong unggoy na ‘to? Natatawa ko sa sarili ko.

“Pero hindi naman bading si Michael, malambot lang talaga siya kumi--“

“Oh! Happy Birthday!” Sabay abot ng regalo ko habang nakatingin lang ako sa bintana. Nakakahiya! Haha.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon