Truth or Lie?

67 0 0
                                    

Oras na ng uwian niya. Magtext kaya siya? Isang linggo na rin kasi siya hindi nagtetext. Ang daya naman niya. Pagkatapos niya mag "Flora.mahal.na.kita" sa text, biglang hindi na siya magtetext. Parang tanga. Hay nako.

*toot-toot*

OMG!

Ay. Si Papa pala. Ooops. Hindi ako disappointed ha.

"I love you Flora. Lapit na kayo umalis. Sana bumilis na oras. Ingat kayo diyan. I love you"

Oo nga. Malapit na kami talaga umalis. Hindi ko pa rin pala nasasabi sa kanya.

*toot-toot*

Hay si Papa talaga ang swee.... oops. Heartbeat.

"Hi giraffe! Gising kpa?"

Napapahawak tuloy ako sa puso ko. Kasi naman, ambilis talaga ng tibok niya 'pag nakikita 'yung pangalan na 'yun. May sakit na yata ako eh. Pero hay salamat.. nagtext na siya.

Reply:

"ahm. oo. bakit?"

Daniel: Wala naman. Andaming stars. Sana nasusungkit ko sila para naman maisangla ko sila sa pawnshop. Hay. Kakagutom.

As always, napakarandom niya makipagtext. Kung anu-ano na lang maisipan sabihin. Lumabas naman ako agad. 11:15 pm na pala. Sarado na rin tindahan namin. Dahan-dahan lang ako lumabas para di magising sila mama.

At nasurprise naman ako sa dami nga ng stars. Hindi 'to madalas nangyayari ah.

Ako: panu mo naman sila ibebenta e nag aapoy kaya sila. tanga ka talaga. at bakit di ka kumain?

Daniel: Tanga? Ouch ha. Pasensya na, hindi kasi ako kasing talino mo. At walang pagkain dito.

Hala grabe! Naooffend??

Ako: emo ka naman masyado. itext mo si ria. manghingi ka ng pagkain.

Daniel: Hindi nga ko nirereplyan nun eh. At teka. Tatawag ako. Sayang free call. 

Sh*t. Naiihi ako tuloy sa kanya. Tatawag na naman siya.

Calling.. 

Danyel. :)

Hay.. Sayang kung alam ko lang, sana nilabas ko din 'yung camera para napicturan ko 'yung screen ko. Hehehe.

Ako: Aba. Pafree call free call ka pa diyan. Mayaman ka na masyado. Buti hindi mo pa kami nakakalimutan?

Danyel: Baliw. Wala nga kong makain. May pagkain ba diyan?

Ako: Meron. Marami. Mamatay ka sa inggit.

Danyel: Grabe ka Flora. Wala ka na ba talagang pakialam sa'kin?

Ayan na naman siya sa mga ganyan niyang hirit.. napapalunok tuloy ako ng laway.

 Ako: Oo, wala na. 

Danyel: Talaga lang ha?

Ako: Alam mo, sira ulo ka. Siguro nakarugby ka ulit 'nu?

Danyel: Bakit naman? Wala ka na talagang pakialam sa'kin?

Hala. Grabe siya. Hindi ako sanay na sinasabi niya 'to. Mas sanay kasi akong tinetext niya lang eh. Napakabuang ng taong 'to!

AKo: Ay ewan ko sa'yo. Kamusta naman kayo ni Ria? 

Iniba ko na lang usapan. Masyado nang malakas heartbeart ko, baka marinig niya pa.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon