*buzzzzzz*
Ano ba ‘yan. Bakit hindi nila pinagbibilhan ‘yung bumibili?? Kanina pa ata nagba-buzzer 'yun.
“Sandali lang po! Flora gumising ka na nga diyan, magbantay ka sa tindahan at naglalaba ako!”
Narinig ko na lang na sabi ni mama habang papunta siya sa tindahan. Nag-enrol nga pala si Francine ngayon. Hay. 10am na pala. 6 hours lang tulog ko. 4am na kasi kami natapos mag-usap ni Daniel. Ayan. Naaalala ko na naman. Pero parang ang gaan pa rin sa pakiramdam?
*toot-toot*
1 message received
James F.
goodmorning flora! punta kami diyan nila paul at Daniel maya ha. pakiready pancit namin. papunta na kami. hehehe. thank you!
Reply:
mga adik! hehe. cge. bayaran nio pancit ha. J
Hay. Buti na lang nakaligo na ako. Pupunta na naman ‘tong mga adik na ‘to. Papabili pa ng… OH MY TINAPAY!!!!!!! BAKIT AKO PUMAYAG???? Waaaaahhhhhhh!!! Kasama pala si Daniel!!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ako nag-iisip!!!! Waaaahhhh! Anong oras nga ba sila pupunta?
“papunta na kami.”
Ay shemay!!!! Tetext ko nga na ‘wag na sila magpunta. Kaso ano naman idadahilan ko?? Hindi ko kaya humarap kay Daniel! Utang na loob!!
“Flora.. Flora.. Tao po..”
Waah! Boses ni James ‘yun ah?? 6 minutes pa lang ang nakakalipas pagkatapos niya magtext. Bakit ambilis??
“Oh teka sandali ha, pasok muna kayo,” narinig kong sabi ni Mama kina James at Paul. Nandito lang ako ngayon sa loob ng kwarto at nakasilip sa bintana at sasabog na sa kaba! Pero teka, bakit silang dalawa lang ang pumasok? Wala ba si Daniel? Mukhang wala ah. Teka, wait muna ko dito ng 2 minutes. Tignan ko kung wala talagang Daniel na susulpot.
..
..
..
Okay. Mukhang wala. Lalabas na nga ako. Hay salamat. Kala ko andito si Daniel.
Pero sh*t.
“Hi Giraffe! Penge tubig.”
Waah! Bigla siyang dumating! Nahuli lang pala! Ni hindi ko siya kayang tignan sa mata. Ngiting-ngiti pa siya na bumati sa akin, parang nang-aasar na. Juiceko. Ano bang gagawin ko??
“K-kala ko sila Paul at James lang, nandi.. nandito ka pala,” sh*t, nauutal pa kong onti. Hindi ako makapagrelax.
“Eh kasi bumili pa ko nito oh!,” masaya niyang itinapat ‘yung Cream-O sa mukha ko tapos naupo na rin agad sa sofa na nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin. Nang-aasar na ‘to talaga. Nahihiya ako. Pero, Cream-O na naman?
Iniwan ko na lang sila agad at nagpunta sa kusina para timplahan sila ng juice, at nang makatakas na rin sa unggoy na ‘yun. Buti pa siya, walang kahihiyang nararamdaman sa puso. Hay.
“Masarap ba ‘yan? Maya matabang ha?”
Lecheng unggoy. Nakakagulat naman ‘to. Anong ginagawa niya dito sa kusina?? Nanliliit ako! Buti nakatalikod ako sa kanya. Whooh. Anlakas ng tibok ng puso ko talaga. Hayys!
Hindi pwedeng ganyan Flora, relax. Hilang-malalim. Larga!
“Oo naman. Ako nagtimpla eh.”

BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.