Hindi na kami ulit nagkatext ni Daniel after ‘nung gabi na ‘yun. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam na dito ako sa SASU mag-aaral. Mas okay nang ‘wag niya malaman, hindi ko rin alam kung anong dahilan ko kung bakit ganun ang iniisip ko, pero basta alam ko, mas okay na rin ‘yung ganito.
Kanina pa ko paikot-ikot dito sa 5th floor. Hindi ko makita ‘yung Room E502. 10:00am pa lang naman, pero 10:30am ang simula ng klase namin sa Philippine Literature. Ah teka, eto na pala! Pero may tao na? At may prof na?? Hinga Flora. Baka naman ‘yung unang section ‘yan na gumagamit ng classroom na ‘to. Tama. Hindi ko pa mga kaklase ‘yan. Mamaya pa kong 10:30am eh. Mauupo muna ko dito sa upuan sa labas.
“Iha, ano ang first subject mo?” Tanong ng isang babaeng nakasalamin, teka, eto ‘yung prof kanina doon sa classroom na ‘to, at bakit nakatingin silang lahat sa akin??
“Ahm.. Philippine Literature po?”
“Anong room ang nakalagay at anong oras?”
“Room E502 po at 10:30am po Ma’am.”
“At sino ang prof na nakalagay?”
Ay teka. Hindi ko kabisado. Buti hawak ko ‘tong registration ko. “Ahm.. si.. ahm.. Mrs. Joyce Sy po.”
“Miss pa ako. Pumasok ka na. Mali ang nasa registration card mo. 7:30 ang klase. Eleven kayong lahat na mali ang nakasulat sa regi, at isa ka na doon.”
Waaah! Ano?? Mali ang nasa regi ko?? Anak ng kalabaw na lasing. Mabuti na lang mabait ‘tong si Misis, ay Miss Sy pala at nakita niya akong naghihintay sa labas. Nakita ko na lang may dumating na tatlo pa at parehong-pareho din ang pinagtatanong ni Ma’am. Kaso tapos na rin ang 3-hours na subject niya eh, sayang. Sa first day of classes, late ako. 3 hours late pa ha! Mabuti na lang hindi ko kasalanan ‘yun. Tsk tsk.
“Miss, eto oh, may assignment na binigay si Ma’am. Sa next Monday pa naman ulit ipapasa ‘yan,” sabi sa akin nitong katabi ko at iniabot sa akin ‘yung notebook niya. Ang bait naman niya.
“Ay salamat ha. Nakakahiya nga eh, 3 hours akong late. Ano pa bang ginawa niyo?”
“Wala. ‘Yan lang talaga. Nagbigay lang siya ng assignment, nag-attendance, tapos wala na.”
“Ha?? Sa loob ng 3 hours, ‘yun lang ang ginawa niyo?”
“Oo. Kasi nga daw may eleven na mali ang nailagay ng admission office sa registration card kaya sabi ni Ma’am, para fair, sa next meeting na lang daw ulit niya sasabihin ‘yung mga dapat niyang sabihin at magtuturo na daw siya ng first lesson.”
“I see. Ambait naman ni Ma’am. Ano nga palang pangalan mo?”
“Michelle, ikaw?”
“Flora.”
Ayos. May kaibigan na agad ako. Hindi na ako masyadong malulumbay. Masaya naman kasama si Michelle. Nalaman kong taga San Bartolome siya, mas malapit lang dahil 20 minutes away lang ‘yun dito, at 30 minutes away naman ‘yung sa amin. Sumurong ‘yung surname niya at Sung naman ang akin, kaya siguro madalas kami magkakatabi nito sa upuan sa mga susunod pang mga subjects.
PE at Phil.Lit ang subjects namin ngayon, at 2 hours ang pagitan. Biglang nawala si Michelle, hindi ko nakita kung saan siya nagpunta. ‘Di bale, mas komportable naman kasi akong mag-isa kung bago pa lang ako sa isang lugar. Kakain na lang ako ng lunch sa may cafeteria. Hay.
Nag-soundtrip lang ako ng dalawang oras habang nakaupo doon sa park na tanaw ang ilog na siyang pinaka-“view” nito. KAhit hindi ganoon kasariwa ang hangin na malalanghap, sige lang. Peaceful naman dito. Kaya malamang, dito na ako madalas tatambay.
Ngayon naman nandito na ako sa gym. Table Tennis ang PE namin. Eh sus, ano namang alam ko ‘dun? Magkakalat lang ako nito sigurado, pero alam ko naman hindi ako mag-iisa eh. Nakaupo kaming buong section dito sa bleacher. Bakit ganun, ang ingay nila? Ibig sabihin, magkakakilala na sila? Ang layo naman kasi ng upuan ni Michelle. Nandoon siya sa taas pero kinawayan naman ako.
“Miss pwedeng pahiram ng ballpen?” tanong sa akin nitong katabi ko. Pansin ko tahimik din siya, at may kamukha siya. Sino nga ba ‘yun??
“Okay lang. Eto.” Binigay ko naman sa kanya ‘yung black ballpen ko na hindi ko alam kung bakit hawak hawak ko pa rin hanggang ngayon. Ah alam ko na! Kamukha niya ‘yung crush ni Sheena na si Carlo. Grabe, hawig na hawig. Matutuwa nito si Sheena. Speaking of Sheena, hindi ko pa siya nakikita ngayon. Eh section 1 lang naman siya at section 2 ako, ni hindi ko man lang siya nakita sa building kanina.
“Wala kasi kong ballpen, nakalimutan ko. Salamat. Ikaw 'yung late kanina, 'di ba?” Ah, mukhang gets ko na. Makikipagkilala ‘to. Mukhang wala pa rin kasi siyang kilala eh. Mukhang mabait naman siya at infairness, may itsura. Hehe.
"Ah oo, pero hindi ako late. Mali lang talaga 'yung nasa regi ko."
"Ay sorry naman. Oo nga pala, 12 daw kayo na mali ang nasa registration card, buti maaga-aga ka pumasok."
"11 lang ata kami. At maaga ba 'yun? 15 minutes na lang, matatapos na 'yung klase ni Ma'am."
"Ay oo nga 'nu, sorry ulit. hehe." Ang cute naman tumawa nito, parang bata!
“Ayos lang. Antagal naman ng prof, kilala mo ba? Wala kasi nakalagay sa akin eh.”
“Teresita De Jesus daw eh, ewan ko lang. Ano pangalan mo?”
“Ah. Flora, Flora Sung. Madali tandaan. Ikaw?”
“Charles, Charles Dela Paz. Madali lang din tandaan.”
Ayos ulit. May kaibigan na naman akong isa. Nagkwentuhan kami hanggang sa dumating na ‘yung prof namin. At akalain mo, sabay pa kaming nagpunta sa terminal ng bus, doon din pala siya sasakay dahil taga San Martin naman siya, 40 minutes away from here. Ang saya naman niya kausap. At pareho pala kaming Top 4 ‘nung high school.
Eh si Daniel kaya kamusta? May mga friends na rin kaya siya? Hay. Namimiss ko siya.
BINABASA MO ANG
Still Into You
General Fiction'Yung after how many years... Akala mo okay ka na... Pero 'yun pala, "..siya pa rin." And yes, I'm still into you.