2006

37 0 0
                                    

January 3, 2006

Pasukan na pala bukas. Nagtetext pa rin si Daniel. Si Kathy, tinext ako kahapon. Sabi niya nagtatanong daw si Daniel sa kanya kung bakit hindi daw ako nagtetext. Finorward nga niya sa'kin 'yung text ni Daniel. Ang sabi,

"Si Flora ba nagtetext sa'yo? Hindi kasi siya nagtetext sa'kin. Namimiss ko na kasi siya. Hahaha."

Eh sus, alam naman niya kasing sasabihin sa'kin ni Kathy 'yung message niya. At tsaka may "hahaha" kaya malamang nangtitrip lang 'yun. 

Kaso kasi..sa katapusan na pala alis namin. Kailangan na niya malaman. Natatakot lang talaga ko na baka wala siyang reaksyon at wala siyang pakialam. Iniisip ko pa rin kung bakit hindi niya ko pinatuloy sa kanila 'nung Pasko. At kung totoo bang bumili siya ng cake dahil darating ako, kaso bakit kailangan niya pa magsinungaling at hindi niya ko pinatuloy? Ewan ko ba, natatakot kasi ako magtanong dahil natatakot ako sa mga magiging sagot niya.

Nandito na ko sa school. Wala masyadong tao, parang holiday pa rin. At Tuesday nga pala ngayon.

"Oi Flora!"

Hay salamat. Dumating din si Charles.

"May assignment ka na sa Sociology?"

"Grabe naman 'to. Pwede bang happy new year muna?"

"Haha. Okay. Edi Happy new year! Hindi kasi ko nakagawa, nilagnat nga ko 'di ba."

"Sino bang gumawa?"

"Sa bagay, mukha ngang walang gagawa 'nun. Ay nga pala, sa katapusan na alis namin."

"Maka-joke ka naman. Joke na ngang may pasok ngayon."

"Adik, totoo. Sa January 31 na."

"HA??? Di nga??"

"Oo nga. Yung visa kasi namin, maeexpire na sa february kaya kelangan na namin umalis."

"Ambilis naman. Kelan mo balak sabihin sa mga classmates natin? At pa'no 'tong sem?"

"Edi wala na, hindi ko na matatapos. Sasabihin ko na din sa mga classmates natin next week."

"Bakit next week pa?"

"Para mababawasan ng one week 'yung lungkot nila."

"Kala mo naman mamimiss ka namin."

"Sus, ikaw pa."

Maya-maya dumating na din prof namin, 50 kami sa klase, 23 absent! Haha. Mahusay. Wala rin naman kaming ginawa, nagkamustahan lang. Tapos labas-labas pa ng room si Ma'am, ewan kung bakit.

Wala naman masyadong nangyari. Nagkakatamaran pa kasi eh. Nalulungkot din ako na iiwan ko na 'tong mga makukulit kong classmates. Naiimagine ko iiyak si Michelle, pati si Joy na lagi kong kasama kumain ng lunch. Pati si Emman na president namin na lagi kong pinagtitripang bading. Ewan. Ako yata ang maiiyak. Next week ko na lang sasabihin.

2:30 na pala. 

*toot-toot*

1 message received

Danyel :)

Oi giraffe. San ka? Hindi ka na talaga nagtext.

Hay nako. Sige na nga, replyan ko na. 27 days na lang pala.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon