The Hug

57 0 0
                                    

Pakiramdam ko ambilis lumipas ng magdamag at kalahati ng araw. Andito na kami ngayon ng mga magulang ko sa school. Ang init. Puno na rin halos ang labas ng school at sobrang haba na ng pila. Gaya ng sabi ko, mabuti na lang talaga section 1 kami kaya medyo nasa unahan ng pila ang section naming at unang papasok.

Hanggang ngayon pala, nasa gate pa rin ng school ‘yung banner namin ‘nung nanalo kami sa Press Conference. Hindi pa rin natatanggal. Nakita na ‘to nila Mama, at pati mga mama nila Kathy, Sheena, pero ‘yung mama ni Daniel, mukhang hindi pa yata. Hindi ko pa nga pala nakikita ‘yung mama niya, sana makita ko man lang siya ngayong araw.

“Mare, congratulations ulit! Hi Tita and Tito!,” bati sa akin ni Kathy at sa mga magulang ko. Ang ganda naman niya ngayon.

“Mas congratulations sa’yo, Miss Salutatorian!”

Maya-maya pinapasok na rin kami. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko, pero sa pagkakataong kita, dahil ito sa pinaghalo-halong kaba at excitement and pagka-proud sa sarili. Tinutugtog na ‘yung Aida March. Nauna kaming top 5 ng school. Sa unahan kami uupo, gaya nga ng sabi ko. Ang sarap sa pakiramdam. Thank You po Lord sa lahat.

Nakita ko na si Daniel, kasama mama niya. Ang kulit lang kasi magkamukha pala sila. Hindi ko mapigilan tignan nang tignan… ‘yung mama niya, pero siya mismo, ni hindi ko man lang talaga siya kayang makita. Kapag nadadaan siya sa mata ko kanina, nalulungkot talaga ako. Wala akong masyadong idea kung paano ako nabuhay ‘nung mga panahon bago ko siya makilala, pero ang alam ko, mas masaya ‘yung buhay ko pagkatapos ‘nun. Nakakalungkot isiping hindi ko na siya makakasama pagkatapos ng araw na ‘to.

“Second Honorable Mention, Miss Flora Sung together with her proud parents. Let’s give them a round of applause!”

Mabuti na lang talaga may ganito akong nakuha, may dahilan para maging masaya. Sinubukan kong tignan si Daniel, pero hindi siya nakatingin sa stage, hindi siya nakangiti. Nakakalungkot naman. Inexpect ko na kahit paano, titingin siya sa akin at papalakpakan ako. Hay. Unggoy talaga ‘to.

Tapos nangyari na lahat ng mga seremonya sa graduation. Gabi na pala. Picture taking na. Kaso kelangan ko na din agad umuwi kasi hiniram lang namin ‘yung sasakyan na ginamit namin papunta dito at kelangan na ng may-ari.

“Flora, congratulations! Ano, itutuloy mo pa ba?” bati naman ngayon sa akin ni Sheena na kasalukuyang pinapakinang ng mga medals niya.

“Congratulations din! Ang alin ang itutuloy ko?”

“’Yung sa Baguio?”

“Ikaw ba?”

“Hindi na. Ang mahal ng tuition eh. Tsaka parang ayoko din.”

“Bakit ayaw mo?”

“Malayo. Tsaka, ewan, mas gusto ko sa SASU.” (San Augustin State University)

“Oh? Ikaw din pala!”

“Anong ako din? Hindi ka rin ba tutuloy?”

Nagulat siya sa’kin, napahinto siya at nagtawanan kami makalipas ang ilang Segundo.

“Pareho tayo ng dahilan, at nag-exam ka pala ‘dun, hindi ko man lang nalaman! Daya mo!”

“Ganun talaga. Surprise. Hehe. Nga pala, nag-usap na kayo ni Daniel?”

Nakakabigla naman ‘tong si valedictorian. Biglang sisingit ng ganun.

“Bakit naman kami mag-uusap?”

“Bakit hindi? Last day mo na siguro siya makikita ngayon.”

“Magkikita naman kami sa SASU.”

“Ibig kong sabihin, dito sa school na ‘to, last niyo na. Ako nga nakipagbati na ako kay Bradley,  kahit nga nakakahiya, niyakap ko siya eh. Oy teka, sige, tawag ako ni mama. Basta ‘yung sinabi ko sa’yo.” (Magka-away kasi sila ni Bradley, nayayabangan kasi sila sa isa’t-isa.)

Hindi naman kami magkaaway ni Daniel, kaya wala naman dapat maganap na pakikipagbati. Pero last na ‘to eh. May dapat ba akong gawin? Hay. Nakikita ko siya ngayon sa stage. Pinipicturan ng mama niya.

Isa-isa akong pinagyayakap ng mga kaklase ko. ‘Yung iba umiiyak. Ah! Naalala ko pala, may pustahan kami nila Veli at Kathy na hindi ako iiyak sa graduation. Nanalo pala ako. At hahaha! Umiiyak silang dalawa ngayon.

“Halika na Flora, naghihintay na si Papa mo sa labas.”

Eto na ‘yun. Paglabas ko dito sa school, hindi na ako makakabalik. Nangako kasi ako sa sarili ko na hinding hindi ako babalik sa school na ‘to hangga’t wala akong napapatunayan at maipagmamalaki.

Nasa labas na pala si Mama. Ako, palabas pa lang ng gate. Nababaliw na ata ako. Tama. Baliw na ako.

“Teka lang Ma!”

Tumakbo ako pabalik. May kailangan akong gawin. Nasan na siya?

Ayun!

Hiningal na agad ako, e saglit lang tinakbo ko, sumasabay pa sa lakas ng tibok ng puso ko. Ayan na siya Flora. Kaya mo ‘yan!

“Oh giraffe, congrats!” Parang nagulat pa siya. Saglit lang unggoy. Hayaan mo muna ako.

“Hi tita! Pwede niyo po kami picturan ni Daniel? Ang kapal na ng mukha ko, ‘yan siguro iniisip ni Daniel ngayon. Mas maganda pala mama niya sa malapitan. Kinuha naman agad ng mama niya ‘yung camera ko.

“Oh sige iha.. 1.. 2..3… smile!”

“Thank you po! Sige, babye!”

Tapos tumakbo ako agad palayo sa mag-inang ‘yun. Pero hindi. Kulang ‘yun. Hindi ‘yun ang gusto kong gawin. Wah. Nanginginig ‘yung tuhod ko.

Isa pa Flora. Kaya mo ‘yan.

Tumakbo ako ulit pabalik kina Daniel.

Kaya ko ‘to. Kaso. Hala. Teka.

“Daniel..”

Ang weird palang tawagin siya sa pangalan niya. Paglingon niya, nagulat ako sa ginawa niya. Ako ang dapat na gagawa nito ha?

“Congratulations Flora. Kitakits na lang sa mga reunion. Mag-ingat ka sa Baguio ha. Magtext ka!”

“Sorry Daniel.. sorry.” Bwiset. Naiiyak ako. Talo na ako sa pustahan namin nila Veli at Kathy.

“Sorry saan? Ayan. Tawagin mo akong Daniel. Nagmumukha na tuloy akong unggoy.”

“Mukhang unggoy ka naman eh. Salamat Daniel. Galingan mo sa SASU.”

“Haha. Oo Flora. Flora?”

“Bakit?”

“Naaalala mo na ba ‘yung tinext ko sa’yo na pinapaalala ko dati?”

“Medyo. ‘Yun bang sabi mo, magaling ako?”

“Naalala mo rin. Tandaan mo lang lagi ‘yun.”

“Sabi mo eh. Salamat.”

Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla niya akong niyakap pagtawag ko sa pangalan niya. ‘Yun pala ‘yung sinasabi niya na tinext niya sa akin. Simpleng bagay, pero ‘pag sa kanya nanggaling, ang sarap paniwalaan. Lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal ko nga talaga siya.

At napansin ko pala, ‘yung tsinelas na keychain.. nakasabit sa bag niya na hawak ng mama niya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon