Seatmates

115 1 0
                                    

July 2004

Seryosong pinagpapawisan na ako sa hirap ng exam namin sa EnglishTaragis ipis. Anong sagot dito? Hindi naman kasi ako nakapag-aral kagabi. Nag-enjoy ako kakasulat ng pang school paper namin. Tsk. Kala ko madali lang magpa-quiz ‘tong si Sir Joe. Bad trip.

“Cruz, lipat ka doon sa upuan ni Mallora, then Mallora, lipat ka naman sa upuan ni Cruz.”

Palibhasa busy ang lahat sa pagsasagot ng nasabing exam, wala masyadong pumuna sa isinasagawag seating arrangement ni Sir. Isang bwan nang may pasok, ngayon lang naisipan mag-seating arrangement. Matindi din.

“Espinosa, lipat ka sa likod. Diones, lipat ka sa pwesto ni Espinosa.”

Bigla tuloy akong napalingon kay Sir Joe. Pero binalik ko din agad 'yung ulo ko sa dating posisyon na nakatutok sa papel ko bago pa man may makakita sa naging reaksyon ko. Buti na lang talaga hindi ako napalingon kay Daniel. May utak din 'tong katawan ko ah. Pero ngayon talaga nag-aayos ng upuan si Sir kung kelan may quiz. Buang din. At tsaka bakit kaya nilipat si Daniel? Ooops! Ahhhhhh!! Ayon!!!! Naalala ko na… ‘yung sagot dito ayyyy..”

“Sung, lipat ka dun sa may likod. Sa pangalawang upuan malapit sa pinto. Ayokong maligawan ka d’yan sa pwesto mo eh.”

Sa totoo lang asar na asar ako pero hindi ko pinahalata. Una, ayaw kong nang tinatawag ako sa apelyido ko, hindi ko alam ang eksaktong dahilan, pero basta. Pangalawa,  buong buhay ko bilang estudyante hindi pa ako nalilipat sa likod o dulong bahagi ng classroom at ‘yun ang pinakaayaw kong lugar sa mundo, pakiramdam ko kasi hindi na ako mapapansin ng teacher ko 'pag nasa likod ako nakaupo. Pangatlo, nasira ang pagcoconcentrate ko sa quiz. At pang-apat, pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Sir, dahil wala naman talagang nanligaw sa'kin since birth. Wala lang, naisip ko lang bigla kaya naasar ako. Pero magkaroon man ako ng isang milyong dahilan para maasar, no choice. Kelangan ko ding lumipat ng upuan. Buhay.

Papunta na ako sa bago kong lugar sa classroom habang hawak hawak ang lahat ng mga gamit ko. Kailangan ko magmadali kasi matatapos na 'yung oras ng quiz kaya pinagdadampot ko na lang basta 'tong mga gamit ko. Para akong naglilipat-bahay pero hindi prepared. 

Ay sh*t, teka. Ano 'to, I mean, sino 'to??

“Ayun oh. May makakatabi akong matalino.”

Eto na naman. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko Pakiramdam ko tumatagos 'yung heartbeat ko sa blouse ko. Ayoko ng ganito. Tsk! Anlakas talaga.

“Yung bag mo, paki-alis.” After 5 seconds, ‘yan agad ang nasabi ko kay Daniel. Inalis niya din naman agad  ang bag niya na nasa katabing upuan.. at yun ay magiging upuan ko. Hay.

Medyo.. mali pala, sobrang na-schock ako kaya napaupo tuloy ako nang medyo dahan-dahan habang nakakunot ang noo. Kasi ba naman, ano ‘to? Telenovela? Drama? Pelikula? Alam ko sa mga palabas lang nangyayari ‘to. Ang korni naman. Seatmates kami ni Daniel?

“Ano ba ‘yan. Bakit andito ka?” Nakasimangot na pang-aasar ni Daniel sa'kin habang nakatingin sa test paper niya.

Baliw ba ‘to??  

“Bakit hindi?” hindi ko naitago 'yung inis ko na hindi ko alam kung inis ba 'tong nararamdaman ko. Umiwas na rin ako ng tingin, ay hindi ko pala siya tinignan.  

“Okay finished or not finished, pass your papers..1.. 2..”

Ano?? Pasahan na ng papel?? Anong oras na ba??  Sh*t. 30 minutes na pala halos nakalipas mula 'nung naglipatan ng upuan. Nakatulala lang ako sa papel ko?? Parang nakalimutan kong may quiz nga pala. ‘Pag naririnig ko ‘yung linya na ‘yun ng mga teachers pagkatapos ng tahimik na quiz, pakiramdam ko narinig ko ‘yung alarm clock ko sa umaga.. parehong nakaka-bad trip. Wala na.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon