A/N
Something to break the drama. Pasyensya naman ma- emo te talaga ako ehehehhe!
-------
BIANCA
Nandito ako ngayon sa bahay nila Elliot.. Paano ba naman inutusan ako nila Mommy na dalhan sya ng paborito nyang ulam ang adobo na niluto pa namin ni Mommy.
Tatlong linggo na din simula nung huling beses kaming nagkita. Kinakabahan ako pero kailangan kong maging casual na parang walang nangyari.
Huminga ako malalim at kumatok sa pintuan ng kwarto nya.
*knock-knock*
"sino yan?" narinig kong sinabi ni Elliot.
"si Bianca to. pwede bang pumasok?" tanong ko
"bukas yan bianc's" tugon nya pinihit ko ang doorknob at pumasok... Isang malaking sala ang makikita. May dalawang pintuan pa sa loob. Ang nasa kanan ay ang walk-in closet at sa kaliwa ang bedroom.
Nagtataka ba kayo bat alam ko? Dito din kasi ako lumaki. Magkatabi ang mga bahay namin at mas madalas noong mga bata pa kami ay dito kami naglalaro ni Elliot lalo na sa twing naguusap ang mga pamilya namin sa business.Madalas kasi dito sa bahay nila Elliot sila naguusap.
Napatingin ako sa halos walang pinabagong kwarto ni Elliot. Iginala ko ang paningin... Hindi ko alam if nasaan si Elliot. Nabaling ang tingin ko sa toy rank na nasa kwarto. Nilapitan ko ito, nandun at maayos na nakadisplayang maraming laruan namin noon.
Di ko mapigilang mapangiti at kuhain ang teddy bear na naandoon.
"KOKO!!!" napasigaw ako tuwang tuwa kong niyakap ito at parang isang batang nagtatalon sa tuwa.
"Namiss kita koko!" kausap ko dito na niyakap ko pa ulit.
"re-united?" naputol ang pagsasaya ko ng madinig si Elliot. Nilingon ko sya na nakatayo malapit sa pintuan sa bedroom at nakasandig. Mukhang bagong ligo.
"Kainis ka!! Nasayo lang pala si KOKO!!!" Inis na sabi ko sa kanya.
Si Koko ang stufftoy na binigay noon sa akin ni Lolo John, Lolo sya ni Elliot... Sabi pa nga ni Lolo John si Elliot pa daw ang pumili kay koko. Pasalubong nila ito sa akin noong nagpunta sila ng Germany. Alam ko naman na bribe ito hindi kasi ako nakasama dahil nilalagnat ako noon at nalungkot ako. Yun kasi sana yung first time na sasakay ako ng airplane e.
"hindi ko yan kinuha" Inis din na sabi ni Elliot. Lumapit sya sa akin sabay kuha kay Koko.
"Di mo na ba naaalala ikaw kaya umabanduna kay koko" ngumiti sya ng nakakaloko.
"galit na galit ka noon sa akin...:"Pag-alala nya sa nangyari noon. "tapos bigla mo na lang binato si Koko ng malakas kaya napunta sya sa damuhan.."tumingin sya sa akin.
"Hindi na nga natin sya mahanap eh tapos nagiiyak ka na lang. Hinanap ko si Koko pero ng makita ko sya may ibang bear kana" inilapit nya sa mukha ko si Koko.
"itinabi ko na lang si koko kawawa naman kasi sya tinapon mo na kinalimutan mo pa" ngumisi sya.
Naalala ko tuloy ang lahat inaasar ako ni Elliot noon dahil hindi ko masipa ng tama ang bola sa PE class namin. Nainis ako sa kanya at dahil si koko ang hawak ko ay naibato ko ito sa kanya. Napalakas nga lang at nakaiwas pa sya. Nawala si Koko naalala ko sinisisi ko pa sya kasi umiwas sya.
Ilang araw din ako nagmukmok kasi hindi talaga makita si koko.. Hanggang sa binigyan nga nila ako ng bagong bear..Pinangalanan ko pa ngang Gummy iyon. pinangalanan ko sya after ng favorite kong candies na gummy bear.
Niyakap ko si Elliot na ikinabigla nya. "salamat Elliot sungit nahanap at naitabi mo pala si Koko super thank you!" Ngumiti lang si Elliot.
"madami ka naman ng stuff toy e akin na to ako naman ang nagtabi at alaga sa kanya e!" sambit ni Elliot na biglang tumakbo palabas.
Napasimangot ako pero ngumiti din agad. "binabawi ko na yan!" hinabol ko syang nakangiti. Ganitong-ganito kami noong mga bata kami. Malapit sa isa't isa mapaglaro pero hindi masyadong nagco-confide sa isa't isa.
bakit nga ba nawala yung ganitong bonding namin? ganoon siguro talaga kapag tumatanda nagbabago.
Naghahabulan kami noon at nagtatawanan hanggang sa maagaw ko si Koko sa kanya. Kasabay naman noon ang pagtunog nang tyan ko.
Oo nga pala hindi pa din ako kumakain dahil inutusan ako magdala ng ulam para sa unggoy na to.
biglang humalakhak si Elliot pero kasabay noon ay tumunog din ang nagrereklamong tyan nya.
Hinila ko sya papuntang kitchen at pinaghanda ng makakain.
"wow niluto ba ito ni tita?" agad na tanong nya ng matapos akong maghain.
Ngumiti ako "yup! luto namin ni Mommy yan" susubo na sana sya pero biglang natigilan.
"baka sumakit ang tyan ko" pang-aasar nya
"i hate you!" sigaw ko sabay agaw sa kutsara at plato nya at pagkatapos ay sumubo ng pagkalaki-laki.
"woi! ano ba akin yan!!" sabay bawi nya sa kutsara at plato.
"baka tumaba ka nyan sige ikaw din wala ng ibang magkakagusto sayo" sambit nya habang sinisumulan ng kumain.
"wala naman talagang magkakagusto sa Jologs na katulad ko." mahina kong sagot
"ano yun?" tanong nya.
"wala.." sagot ko tumayo ako at inagaw si koko sa kanya.
"saan ka pupunta? saluhan mo na ako" pang-aaya nya.
"ayoko kulang pa sayo yan eh bleeeehhh"binelatan ko sya "akin na muna si koko ah! ubusin mo yan see yahhhh!!!" at tumungo na ako palabas ng bahay.
Ang totoo Inutusan akong dalhin yun kasi ilang araw na daw hindi kumakain si Elliot ng tama at pinilit lamang sya umuwi dito sa bahay mula sa condo nya.
Masaya na din akong makitang okay naman na sya at nakikipagkulitan na.Masaya na din ako na nakakamove-on na sya. Alam ko kasi kung gaano kasakit at kahirap iwan ng taong pinakamamahal mo.

BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...