Anthony's POV
Lumabas ako sa may garden ng hospital upang magpahangin at magpalipas ng oras. Nasa silid kasi ni Ivy ngayon ang Daddy nya. Hinahayaan nila akong pumunta doon pero sa tuwing dumadalaw ang Daddy nya ay lumalabas ako, hindi dahil sa umiiwas ako kung hindi dahil alam kong dapat ako magbigay ng respeto alam ko namang ayaw nya ako makasama at nagagalit sya sa akin dahil itinago ko nga naman si Ivy sa kanila.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang pabalik balik naman sa isip ko ang itsura ni Bianca at Elliot na araw araw din bumibisita kay Ivy. Ang makita syang kasama ang lalaking iyon ay napakasakit para sa akin, sa pangalawang pagkakataon sya na naman ang kaagaw ko sa babaeng mahal ko.
Napakahalaga ni Ivy sa akin at gusto kong manatili sa tabi nya gaya ng pangako ko sa kanya na hindi ko sya iiwan. Nang magising sya walang kahit anong expression sa mukha nya, wala ni isang salita ang lumabas sa mga labi nya.
Para syang isang statue na walang pakiramdam ang mga mata nyang parating nangungusap ay ngayon walang kaemo-emosyon.. Nasasaktan akong nakikita syang ganyan pero mas nasasaktan ako sa kadahilanang wala akong magawa ngayon para sa kanya.
Napasapo ako sa sarili kong ulo. I feel frastrauted over so many things.
Nabulabog ang katahimikan ng paligid kong ng dumating si Edcel na hingal na hingal.
"Kuya... si.. ate" habol nya ang hininga habang sinasabi iyon, Malakas ang naging kabog nang dibdib ko.
"Anong nangyari?" agad kong tanong sa kanya.
"roof top! bilis!" Habol hininga nyang sambit.
Agad agad naman akong napatakbo, sobrang kabog ang dibdib ko. Napansin ko pang pilit na sumusunod din sa akin si Edcel.
Nang makarating ako doon naabutan ko si Ivy na nakatayo sa dulo at handa ng tumalon.
Nandoon ang parents nya na walang magawa, may ilang nurse, doctor at guard na din ang nandoon.
"Mommy..." paulit ulit na tawag ni Ivy habang nakatingin sa kalangitan.
"Anak.. bumaba ka na dyan.. halika na dito.." alo ng daddy nya na halata ang panginginig sa boses.
"Wag kayong lalapit!" banta nya sa lahat.
"Ivy pleaseee.. bumaba ka dyan" hindi ko napigilan ang sariling awatin sya. Napalingon naman silang lahat sa akin..
"No!!!" galit nyang sigaw "Anthony how could you leave me?! bakit pag gising ko kanina wala ka na?! sabi mo... " nanginginig ang boses nya..
"Sabi mo sa akin hindi mo ko iiwan" nagsimulang pumatak ang mga luha nya. Marahan naman akong lumapit sa kanya.
"No vy.. nasa garden lang ako.. nandoon lang ako..im sorry kung umalis ako sa tabi mo saglit.." hindi ko na din maitago ang panginginig ng boses ko.
"Please Vy.. halika na dito" inilahad ko ang kamay ko
"Wag mo ko iiwan.." sambit nya
"I wont.. i promised right?" sagot ko naman.
"Please Anthony... lets run away again pleasee.." Tumango naman ako lumakad sya ng bahagya para maabot ang kamay ko pero umihip ang malakas na hangin at napahawak sya sa nililipad nyang hospital gown, at sa mabilis na pangyayari nadulas si Ivy.
Naging maagap ako at nayakap sya pero parehas lang kaming nahulog.. Mabilis ang mga pangyayari at bago ko pa malaman ang lahat tumama na ang likod ko sa kung anong bagay then everything went blank...
---
Bianca's POV
Kanina ko pa tinitignan si Elliot na nasa Sala at may ginagawa sa harap ng laptop nya, Pakiramdam ko ngayon patuloy ko pa din syang niloloko sa hindi pagsasabi ng tungkol sa amin ni Anthony. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sya nilapitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...