Bianca's POV
Nagising ako na nasa Hospital na ako magisa sa isang puting kwarto napahawak ako sa tyan ko.. Ngayon alam na nila.. Alam ko magagalit sila sa akin.. pwede ring bumaba ang tingin nila sa akin.. Nasaktan ako lalo ng walang imik si Elliot.. Alam ko naman kasi kung gaano sya kasaya ngayon lalo na't nagkabalikan na sila ni Ivy..
Noon umaasa ako kahit na papaano ay sasamahan nya ako sa pagbubuntis ko anak din naman nya itong bata na ito. Hindi ako umaasa na mamahalin nya umaasa lang ako ng karamay dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon.. Sa araw araw.. kinakabahan at hindi mapakali nararamdaman ko ang pagbabago sa katawan ko.. Sa bawat pagdaan ng araw nalulungkot ako na nagiisa ako pero kailangan kong maging matatag para sa amin ng anak ko.
Araw-araw kaming naguusap ni Ivy sa phone. Araw-araw kong nararamdaman ang kalihayahan nya. Araw-araw nyang sinasabi sa akin na masaya sya.. na masaya sila Elliot.. na ang mga bagay bagay sa kanila ay nagiging maayos na parang bumalik sya sa dati na makulay at maningning ang buhay. Alam kong mahal na mahal nya talaga si Elliot lalo pa ngayon na kakabalik lang nila sa piling ng isa't isa. Sa totoo lang nasasaktan ako sa twing nakikita ko si Elliot.. Hindi ko makuhang magalit sa kanya.. Hindi ko masabi na mahal ko dya at hindi ko rin naman sya masisisu sa kung anong kalagayan ko ngayon. Ayokong humadlang sa kaligayahan ng kahit sino.. ayokong manggulo mg buhay ng iba kahit na ginulo pa nila aang buhay ko.. Siguro nga martir ako pero... hindi ko lang talaga magawang mabuhay ng may galit sa puso ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.. Hindi ko naman gustong sabihin iyon sa ganoong paraan sa harap nilang lahat pero nasaktan ako sa narinig ko bago pa kami magdinner.
--
FlashBack
Inutusan ako ni mommy naagdala ng coffee sa may library nandoon kasi ngayon si Elliot at ang Daddy nya.
kakatok na sana ako pero medyo bukas ang pintuan at di ko sinasadyang marining ang pinaguusapan nila.
"Anak.. there's nothing wrong with Bianca.. she's pretty.. sweet at matalino" narinig kong sabi ng daddy nya.
"She is Dad.. but" elliot replied
"But?" tanong naman ng Daddy nya.
"But.. kasi naman Dad Bianca is really nice sweet caring nasa kanya naman na lahat.. And i know her very well" narinig kong pagpapatuloy ni Elliot inaamin ko napangiti ako pero kinakabahan
"Ayun naman pala.. Eh anong mali.. ligawan mo na kasi sya" sulsol ng Daddy nya.
"Nah.. Dad Bianca is like a sister to me beside's Hindi ko naman gustong makipagdate sa isang Manang" nasaktan ako sa sinabi ni Elliot after all this things na nangyari samin kahit na magkakababy na kami ganito pala ang tingin nya sa akin.. Hindi ko naman sya masisisi. Umalis akong umiiyak at tinignan ang sarili sa salamin. I forgot all about the coffee.. Tama sya the way i dress im such an old fashion napahawak ako sa tyan ko.. Atleast i have this baby hindi ako tatandang magisa nagiiyak lang ako noon until mom called me for dinner.
---
Nagbalik ako sa kasalukuyan ng makita kong pumasok si mommy sa pinto pinunasan ko agad ang luha ko.. Hindi ako makatitig sa kanya.. Naramdaman kong umupo sya sa kama at hinawakan ang kamay ko she then hugged me.
"Magpalakas ka anak masama sa baby ang ganyan na stress ka" bulong nya sa akin kasabay ng halik sa noo
"I'm sorry mom.. im sorry" napahagulgol na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...