Anthony's POV
Tahimik na namamahinga lamang ako sa kwarto ko dito sa hospital. Wala kasi si Mommy umuwi sya upang kuhaan ako ng ilang mga gamit. Hindi pa din kasi ako makatayo at kinakailangan ko pa ng mahabang panahon para maihakbang ang masasakit kong binti. Hindi din naman daw ako malulumpo ngunit dahil sa tagal ko ring nacomma tila ba namanhid lalo ang binti kong nabalian ng buto.
Mahinang katok sa pintuan ang gumambala sa akin.
"Tuloy" sagot ko at umayos ng upo inakala ko kasi na si Ivy ang nasa labas. Araw araw nya akong binibisita dito sa kwarto ko.
Pero ikinagulat ko ang pagpasok ng daddy nya. Katulad ng dati ma-awtoridad pa din ang dating nya.
"Magandang Hapon po Sir." bati ko sabay ng pagaya sa kanya na maupo sa upuan sa tabi ng kama.
"Pasyensya na sa biglaang pagdating ko.." tumikhim sya pagkatapos ay umupo.
"Sana hindi ko naabala ang pagpapahinga mo?" tanong nya. Umiling naman ako.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... naparito ako para sa anak ko" Diretsyo nyang sambit which made me stiff and remember the first time we met kung saan suntok ang naging bati nya sa akin.
"I want to say Thank you" nabigla ako sa sinabi nya.
"Ivy is so important to me.. she's my Princess and your pressence threaten me" Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kanya.
"Ivy Mom's died when she was four.." pagkwekwento nya.. Hindi ko na ikinabigla pa ito dahil narinig ko na ang kwento na ito noon sa Kinikilala naming Mommy nya ngayon.
"It all happened because she tries to save Ivy..."napapikit sya na tila inaalala ang lahat ng sakit..
"Bata pa si Ivy at tulad ng ibang bata napakakulit nya.. bibo at mapaglaro.. Then being careless she fell from the grand staircase sa Mansion na pagmamay-ari ng pamilya ko since sa Dad ng lolo ng Dad ko" i heard him chuckle.
"Pero My wife was there, she try to grab Ivy para hindi sya mahulog pero sa huli dalawa silang nagpagulong gulo she did her best to protect our daughter" Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao nya.
"They both end up in the hospital. Ivy is fine except from some bruises she gets.. but my wife.." He paused.
"My wife was good.. that was all we thought.. may mga butong nabali pero mukha namang syang okay.. Until one day hindi na sya nagising..." halata ang lungkot sa boses nya.
"Nagkaroon sya ng internal hemorrage ilang araw lang simula ng aksidenteng iyon ay iniwan na nya kami.. walang kahit anong signs.. she just sleep and never woke up.. naging napakasakit sa amin iyon.. lalo na kay Ivy.. "Humugot sya ng malalim na paghanginga.
"She locked herself and cried.. naging malulungkutin sya at parang nawalan ng gana sa buhay.. Wala akong magawa para sa kanya.. im not used sa pagaalaga ng bata. That's the time her step mother came... She is my bestfriend and she helped me out." He smiled bitterly
"Inalagaan nya si Ivy na at that time nagkakaroon na ng psychological trauma. Takot na sya lumabas ng kwarto at nanginginig sya whenever nakakita ng staircase thats the time we moved.. it took us some months bago namin sya narinig nagsalita ulit and that words are Mommy.. She called her Mommy..." Napapikit sya.
"I got her back because of her.. kahit alam namin na binubuhay ni Ivy ang Mommy nya sa kanya... She stayed with us until now.. we get married and have a son.. Everything goes soomthly until she fell inlove... and you know the rest of the story"tinignan nya ako.
"Im losing her again nang mawala sya after we found out what she did sa wedding ng bestfriend nya.. i freak out hinanap ko sya pero nahirapan ako.. then you call and tell us na nasa hospital sya i was really mad... and im so sorry for not hearing your side" may sincerity sa boses nya.
"I think i would do the same sir" sagot ko "Magagalit ako kapag nawala ang princess ko.. thats what man do right?" pagpapatuloy ko.
"Thank you for taking care of my Daughter.." Ngumiti sya.
"That day sa rooftop.. You save my daughters life at nakita ko sa mga mata nya how much she cares, love and trust you..." Tumayo sya at ikinagulat ko ang pagyuko nya.
"Please take care my daughter you give her another reason to live" Pagpapatuloy nya.
----
Bianca's POV
Dalawang araw na akong nagiisa sa malaking bahay na ito. Matagal din kaming nagsama dito ni Elliot ang dating puno ng halakhakan ng kambal ngayon ay napalitan ng katahimikan.
Hindi ko alam kung kaya kong humarap kay Elliot.. sa kambal at sa pamilya ko gayong hindi ko naman nagawang naalala ang tungkol sa kaarawan nila.
Sa tuwing naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elliot ay nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi maiwasang pumatak ang mga luha ko. Muli naging makasarili ako.
Naisip kong lubutin ang bahay na ito.
Una kong nilibot ang unang floor.. ang sala na may mga nakahang na pictures ng kambal ang mga ngiti nila na talaga namang nakakatunaw ng puso.
Mamahalin ang mga gamit pero halatang halata ang mga materials na ginamit at ang disenyo ay ginawa para sa pamilyang may mga bata.
malaki pero simple ang disenyo ng bahay itong ito ang pangarap ko.. itong ito ang bahay na ginawa ko noon.. Ginawa ni Elliot ito para sa akin.
Ang kitchen... akala mo made for a well-known chef kumpleto sa gamit.. at alam na alam nyang baking ang expertise ng gagamit nito.. Again Elliot thinks of me..
Umakyat ako at unang pinuntahan ang kwarto ng kambal. Mas madami ng gamit ang nandoon at parang maliit na ang kwarto para sa kanila. Sinunod kong puntahan ang kwarto dapat namin ni Elliot pero ako lang ang natutulog dito. Ang family picture namin dito ay mas lalong nakapagpalungkot sa akin. Nagiisa ako.
Lumabas ako at binuksan ang Library dito ko nalaman kung gaano ako naging duwag sa pagtakbo sa lahat ng mga problema ko at kung gaano pinahalagahan ni Elliot ang gusto kong paglayo kahit alam nyang nagsisinungaling sya sa akin sa pagtatago ng maraming bagay.. Sa huli narealize ko ang importance ko sa kanya at ang mga ginawa nya ay para din sa akin.
Maraming kwarto ang bahay na ito dalawang guess room kung saan yung isa ay ginagamit ni Elliot, isang playroom na hindi pa nagagamit at kulang pa sa gamit, May dalawang bakanteng kwarto din doon na hindi ko alam kung para saan at isang music room.
Ito ang unang beses na pinasok ko ang ibang silid dito lalo na ang music room. Napahagulgol ako the moment i saw that white grand piano.
"Elliot naman e.." wala sa sariling nabanggit ko
Ang music room na ito ay para sa akin. I really wanted to be a music teacher and this room is like a classroom. May blackboard at may iba pang musical instruments may mini bags doon na parang ginawa para sa kambal na alam na alam kong gusto nyang maging una kong students.
Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.. How could i be selfish kahit alam kong ginive up din naman nya si Ivy just to face his responsibility with us. Napahagulgol na lang ako mag-isa.
---
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
Любовные романыYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...