Chapter 61

1.9K 30 3
                                    

ANTHONY'S POV

This House is so big that you can have atleast  30 families living in it. Iginala ko pa ang paningin sa buong bahay... well it's actually a mansion. But this place is empty... masyadong tahimik na kahit na sarili mong paghinga ay maririnig mo na..

Maraming paintings.. vases and figurines sa paligid.  Lahat mamahalin..

Nakakamangha dahil para itong lumang mansion.. seems like it was build centuries ago.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang silid sa pinakadulo ng third floor.

Ngumiti sya sa akin bago ako inaya na pumasok sa loob noon.

Isang sala ang bumungad sa amin. May fire place pero halata namang hindi ginagamit. The couches are royal red at malaking glass door ang nandoon papunta sa  nasisiguro kong terrace.

"Please take your seat.." alok nya sa akin saka ngumiti. Tumango naman ako at ibinaba ang mga maleta na hawak ko.

"Magpapalit lang ako ng clothes ah.." paalam nya. Tango lang ulit ang naisagot ko. Pagkatapos ay pumasok na sya sa isa sa mga pintuan na nandoon.

Muli kong iginala ang paningin.. This room is made as if the occupant is a Queen.

May Piano sa loob ng kwarto may mini theather din na makakapag realize sayo na nasa modernalisadong panahon ka na. This is a classy billion pesos house..

Napatingin ako sa side table at napukaw ang attensyon ko sa larawan ng tatlong bata na masayang masaya.

May mga pictures din ng dalawang dalagang masayang nakatawa..

Ilang sandali lang ay lumabas na sya sa pintuang pinasukan nya kanina. Parehas kaming naupo sa couch. Isinandal nya ang ulo sa balikat ko.

"Napagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga na?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Pero iling lang ang isinagot nya pagkatapos ay humiga sya sa lap ko at ipinikit ang mga mata.

Hinayaan ko lang sya.

"Anthony... please dont leave me..." sambit nya.

Hinaplos haplos ko naman ang buhok nya. "I wont... Ivy.. dito lang ako" sagot ko sa kanya bago sya tumagilid at niyakap ako sa bewang.

----

It's Exactly 2 weeks since ng masira ni Ivy ang kasal nila Bianca. Nang gabing nagaway kami noon ay ang gabing dinala ko din si Ivy sa hospital.

Ivy was about to go out of the house but even before she reach the door she fainted.

Agad ko syang dinala sa hospital. She had high fever and anemia. Probably because she's not getting any rest.. walang proper nutrition at stress. Tatlong araw syang walang malay at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako umalis sa tabi nya. Hanggang sa magising sya. Her eyes is full of sadness and pain. Hindi nya ako kinakausap.. hindi sya nagtatanong kung bakit kami nasa hospital o kung ano bang nangyari sa kanya. She just stare at the window.. Sa gabi habang natutulog sya umiiyak sya at tinaawag ang Mama nya pero hindi ko magawang macontact ang family nya. Minsan tinanong ko sya kung okay lang ba na umalis ako para puntahan na ng personal ang mga magulang nya.

Mahigpit nyang hinawakan ang braso ko. Umiling sya at sa unang pagkakataon pagkatapos ng isang linggo ay kinausap na nya ako.

"No.. please dont tell them.. please just stay here..." nangingilid ang mga luha nya. Tumango lang ako at hindi na umalis sa tabi nya.

---

Dalawang araw  pa kami doon bago sya pinayagang makauwi. Malakas na ulit ang pangangatawan nya pero they ask me to seek for psychological advice kaya naman sinunod ko iyon. Ivy is like an obidient child. Hindi sya tumututol at sinusunod lang nya ang mga gusto ko at ng mga doctor. They conduct some session and then they told me that ivy is suffering from depression and she has a high risk of comitting suicide.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon