-----
Elliot POV
Bumalik na ako sa loob ng kwarto ni Bianca. Nangaling kasi ako sa Reception at inasikaso ang mga dapat bayaran. Pagpasok ko napansin ko agad na umiiyak si Bianca at nakahawak sa tyan na nagmamadali naman akong lumapit sa kanya.
"Okay ka lang ba? Masakit ba ang tyan mo?" agad kong tanong sa kanya bigla naman nya akong niyakap
"Im scared Elliot.. im scared" bigla nyang sinabi sa akin
"shsss.. tahan na everything will be alright" niyakap ko din sya at pagkatapos ay pinunasan ang mga luha nya. May sasabihin pa sana sya kaso may biglang kumatok sa pintuan tumayo ako at pinagbukasan isang Doctor ang nasa labas.
"Hi" Bati nya sa akin "Im doktora Lim isang Ob" may ngiti nyang pagpapakilala pagkatapos ay pinapasok sya chineck up naman nya si Bianca at hinayaan lang akong maupo sa couch na nadoon sa room pagkatapos noon ay kinausap nya kami ni Bianca.
"we still need to do ultrasound para masure talaga ang health ni baby but so far you are in good health Mrs. Bianca" nagulat ako sa sinabi nya at nagkunot ng noo.
"oh im sorry hindi mo pa ba nasasabi sa asawa mo?" may pagkagulat sa kanyang expression nagtaas ako ng kilay kay Bianca na tahimik lamang.
"Ano po bang sinasabi nyo?" tanong ko.
Tumimgin si Dra. Lim kay Bianca nagnod lang ito ng malungkot.
"Well then" muling sagot ni Dra. kasabay ng malalim na paghinga.
"Your wife sir. is 5weeks pregnant and we still need to do ultrasound to check your baby" pagpapatuloy nya. Natameme naman ako sa pagkabigla
"What the F! buntis si Bianca?" naitanong ko sa sarili.
"But we can do the ultrasound some other day besides babalik at babalik pa naman kayo dito for her monthly check up" muling sambit ni Dra. "magrereseta ako ng ilang vitamins to make sure your in perfect condition" nakangiti nyang pagpapatuloy.
"I think both of you need to talk right now" muli nyang sambit napansin ata nya na parang nabuhusan ako ng yelo sa kinatatayuan ko. Nagnod lang ako.
"If you need anything just give me a call" sabay abot ng calling card sa akin "and by the way dont stress her too much" bilin pa nya at saka tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Katahimikan lang ang namayani sa amin ni Bianca.
"I want to go home Elliot please" biglang basag ni Bianca sa katahimikan.
napabuntong hininga ako.
"Bianca.. that baby is mine right?" bigla kong natanong. nakita kong sumimangot sya.
"What do you think of me? a slut?!" she shouted "i've never slept with anyone else" bigla na syang umiyak.
"hey that's not what i mean" tugon ko lalapitan ko sana sya ng bigla nya akong batuhin ng unan.
"Kung di sana tayo nalasing hindi sana to mangyayari" humahagulgol nyang sabi.
Hindi ko naman intensyon ang mabastos sya sa sinabi ko.. Gusto ko lang sana matauhan kung totoo ba to. 5weeks na syang buntis at it was more than 2months simula ng may nangyari samin my mind is floating and i dont know what to do.. kailangan kong pananagutan si Bianca pero natatakot ako will she accept me? are we going to end up happily?
"Please Elliot i want to go home just bring me home" humihikbi nyang pakiusap sa akin i just nooded and after an hour naihatid ko na din sya sa kanila pababa na sana ako ng kotse para pagbuksan sya ng pinto pero narinig ko syang nagbuntong hininga.
"Elliot please dont feel responsible for this baby.. you dont need to marry me.. kaya ko ang responsibility magisa ayoko lang sa mga taong napipilitan" bago pa man ako masagot ay lumabas na sya ng kotse at nagmamadaling pumasok sa bahay nila.
Napahampas ako sa manebela
"Shit Elliot be a man your so stupid!" gigil na sambit ko
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomansaYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...