Chapter 58

1.8K 28 0
                                    

Elliot's POV

"Ano ka ba namang bata ka! Maupo ka nga!" saway sa akin ni Naynay hindi kasi talaga ako mapakali ehh.

"Ano bang problema mo ah?" tanong na naman nya habang abala sya sa pagliligpit ng mga projects at notebook ko.

"Umalis lang si Bianca ganyan ka na.. nagaway ba kayo?" tanong nya ulit.

"Naynay!" malakas kong tawag sa kanya.

Tinignan lang nya ako. Napahiga ako sa kama.

"Ano ba kasing gagawin ko?!!" tanong ko na ginulo gulo ang sarili kong buhok.

"May ginawa akong brownies nasa kitchen.." napabangon naman ako sa kama at agad na pumunta ng kusina.

---

"oh!" masungit kong iniabot kay Bianca ang mga brownies na gawa ni Naynay

"Ano yan?" tanong naman nya sa akin.

"Edi Brownies" pabalang kong sagot.

Tinignan naman nya ako ng masama at nagbantang isasara ang pintuan pero piniit ko sya.

"So-sorry naman na princess ohh" sambit ko.

Ngumuso naman sya pero pagkatapos ng ilang sandali ay binuksan na din naman nya ang pintuan at pinatuloy ako sa mini sala ng kwarto nya.

Nag-away kasi kami ni Bianca habang gumagawa ng group project namin. Hindi kasi kami magkasundo sa gagawing science Experiment.

Parati naman kaming ganito. Magtatalo at kapag nagtagal maiinis sya at magwawalk-out hindi ko din nga maiwasan isipin kung bakit ko ba sya laging sinusuyo habang tuwang tuwa naman akong nakikitang naiinis sya ng sobra.

---

"What are you thinking?" napabalik ako sa realidad ng biglang magsalita si Bianca. Gabi na at nandito kami ngayon sa labas ng bahay sa pool area.

"Nothing.." sagot ko.

Naupo na din ako ngayon sa tabi nya at ginaya ang pagbabad ng paa nya sa pool.

"akk! ang lamig pala" rekalamo ko nakita ko namang napatawa sya.

Maganda si Bianca kapag nakatawa pero mas madalas ko syang nakikitang nakasimangot o di kaya ay malungkot.

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nasira ang buhay nya.

"Kamusta na kaya si Ivy?" nagulat ako sa tanong nya.

"Mapapatawad pa kaya nya tayo?" tanong nya ulit habang nakatingin sa paa nya na ginagalaw galaw nya habang nakababad sa swimming pool

"Siguro..." yun lang ang naisagot ko. Hindi ko naman na alam kung anong nangyari sa kanya at kung saan sya dinala ng lalaking iyon.

"Elliot.. we need to ask for forgiveness to her" sabi ni Bianca at halata ang lungkot sa mga mata nya.

Hindi ko napigilang hawakan ang kamay nya. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Iyon naman kasi ang dapat at matagal na namin--- kong ginawa.

Matagal na katahimikan ang namayani sa amin at naramdaman ko na lang ang paghilig ni Bianca sa balikat ko.

---

A/N: Grabe hindi talaga ako makapagsulat sorry ang sabog na bitin pa :( Iuupdate ko na po to kasi sobrang tagal ko ng nasulat to promise babawi ako

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon