Elliot's POV
tumigil sa paglalakad si Bianca na para bang may nakalimutan sya. Hindi nya ako hinarap pero ikinagulat ko ang tanong nya.
"Alam mo din ba kung anong mayroon kina... Ivy at.. anthony?"
"Vy... cheated me for him.." malumanay na sagot ko. Pero hindi na ako ganoon kagalit gaya noon sa tuwing naalala ko ang mga nangyari.
Hindi pa din sya lumingon at nanatili lang nakatayo.
"Sya ang dahilan kung bakit nya ako iniwan.. pero afterwards iniwan sya ni Ivy para bumalik sa akin.." napasapo ako sa sumasakit ko ng ulo.
"Iniwan ko sya para harapin ang responsibilidad ko for you but at the end.. ikaw naman ang nahanap nya." tumawa ako ng mapait.
"I lost you and ivy over the same guy.. but this time..." tumayo na ako sa pagkakaupo.
"know that i have you here ill do everything to make you stay.. to make you fall inlove the way i fall back to you..." Hindi pa din umiimik si Bianca.
"i'll make sure i put a good and fair fight with him" nagpamulsa ako at iniwan si Bianca doon.
---
Bianca's POV
Lutang pa ako sa mga pangyayari. Parang hindi madigest ng sarili kong utak ang mga nalaman ko ngayon.. Hindi ako nabahala sa mga nalaman ni Elliot pero sa mga nalaman ko sa relasyon nila Ivy at nee.. Bakit ganito? Bakit kami pinaglalaruan ng tadhana? Why do we always share the same guy?. Kaya pala napigilan nya noon sa pangugulo si Ivy sa kasal namin, kaya pala parati syang nasa hospital.. bakit ngayon ko lang naisip na may namamagitan sa kanila. Na ang lalaking tinutukoy ni Ivy na nakapagpabago sa buhay nya ay ang lalaking tinulungan din akong baguhin ang buhay ko.
Unting unti pumatak ang mga luha ko.. Ayoko.. Ayoko nang maging kaagaw ang bestfriend ko. Ayoko nang magaway pa kami dahil sa parehas na piniling tibukin ng mga puso namin.
---
Bumalik sa alala ko ang lahat ng sinabi ni Anthony ang dahilan kung bakit kami nagkakilala. Si Ivy ang babaeng mahal na mahal nya na iniwan sya upang balikan ang taong mahal nito. Bakit.. bakit napakaliit ng mundong iniikutan namin.
Napatigil ako sa paghikbi ng tumunog ang cellphone ko. Nakaramdam ako ng kaba at kahit ayoko sanang makipagusap kahit kanino ay napilitan akong sagutin ang tawag.. It was Anthony's Mom.
---
Naihulog ko na lamang ang telepono bago pa man namin matapos ang paguusap. Humahangos si Elliot na lumapit sa akin Hawak din ang telepono nya.
Walang ano-ano ay parehas kaming tumakbo papunta sa sasakyan.
---
Narating namin ang hospital kung nasaan si Ivy. Agad kaming pumunta sa emergency room kung saan nakita naming nakatulala at nakaupo ang Mommy ni Anthony habang humahagulgol naman ang mommy ni Ivy.
Elliot and I both froze.
Lumabas ang isang doctor at tanging pagiling lang nito ang nakita ko. Para akong nabingi wala akong madinig at wala akong maramdaman. Unti unting naging blanko ang paningin ko at ang tanging narinig ko ay ang malakas na iyak ng mga tao sa paligid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomantikYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...