Chapter 26.2

2.5K 46 0
                                    

Pumunta ako sa private suite nila Bianca dito sa 5star hotel nila.

Nang Pagbuksan ako ng pinto ni Mommy ay agad kong tinanong kung nasaan si Bianca pero katahimikan lang ang naging sagot nila. Nandoon silang lahat si lolo John.. Lolo Timmy, ang Parents ko at ang parents ni Bianca.

"Maupo ka muna anak" Aya sa akin ni mommy na hila hila pa ang braso ko at pinaupo sa couch sa tabi nya.

"Ano po ba kasing nangyayari? Bakit umalis si Bianca? Bakit Hindi ko alam?" sunod-sunod kong tanong.

"Kasi iyon ang mas makakabuti sa lahat" Matipid na sagot ni Lolo Timmy.

Makakabuti? Paanong Makakabuti iyon.. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang mga salitang kailangan kong sabihin.. Hindi ko pa sya nakakausap i need to be there..

"Bakit?" maikli ko ring tugon

"Alam mo naman yung sitwasyon hindi ba?" Tanong sa akin ng Mommy nya.

"Yes Tita.." opo alam na alam ko po.. Tugon ko

"Well, ayaw din naman namin na masira ang image nya as well as the image of our company.. Besides Bianca is the one who wants this" Pagpapaliwanag naman ng Daddy nya.

"She wants to run away?" di ko napigilang sagot

Narinig kong napabuntong hininga ang lahat at nakita ko ng umiyak ang Mommy nya.

"I want to be there.. sa tabi nya.. sa tabi ng anak ko" Sabi nya sa gitna ng mga hikbi

"But she wants to stand on her own and she told us na mas makakabuti daw yun para maging matatag sya lalo. she needs to go para makawala sa stress" Pagpapatuloy pa nya.

Makakawala sa stress? Ano ba Eliiot! Kasalanan mo to ofcourse mastre-stress sya kasi nagiisa sya and your a Damn coward!

Napakuyom ako ng kamao ko.

"Stupid Guy!" i heard my Dad said napalingon ako.

"Whoever Do that to Bianca is such a coward" Pagpapatuloy pa nya.

Lumakas ang kabog sa dibdib ko Tama ka dad im a big shame Hinayaan ko sya.

"But im proud of Her" Tugon naman ni lolo timmy napatingin kaming lahat sa kanya.

"We raised a strong child.." nangingiti nyang Pagpapatuloy.

"I want to get her back" wala sa sariling sabi ko.

"Elliot we all want her Back pero di nakakatulong sa baby at sa kanya ang nandito" Tugon naman ng Mommy ni Bianca.

"Im sorry tita" Sagot ko na hindi na napigilan pa ang mga luha

"I need Bianca.. I need her and my child" Nahilamos ko ang mga palad sa mukha ko. Sumasakit na ng husto ang ulo at puso ko..

"What did you just say?!" narinig kong nagtaas ng boses ang Daddy nya.

"Im sorry for being a coward but that child is mine. Anak ko ang pinagbubuntis nya" Buong tapang na pagtatapat ko.

Hindi na malinaw ang mga sumunod na pangyayari sa akin. Nagkagulo na sina Mommy ng Himatayin ang Mommy ni Bianca. Naramdaman ko na lang mg may sumapak sa akin.

Hinayaan ko lang sya because i deserved it.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon