Chapter twelve

3.1K 46 1
                                    

Elliot

Nabigla ako sa ginawa ko bakit nga ba bigla-bigla ko na lang inalok ng date tong si Bianca..

hindi ko naman alam kung saan kami pupunta Haist!!!

Aigoo!!!

at ang babaeng ito ang kupad-kupad pa maglakad.

Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ko.

"Elliot wait lang kasi!" narinig kong angal ni Bianca. Huminto ako at hinarap sya.

"bakit?" Tanong ko sa kanya hawak ko pa din ang kamay nya.

"ano ba kanina mo pa ako kinakaladkad pinagtitinign na tayo ng lahat" Reklamo nya.

Nilingon ko ang mga empleyado na nagsibalikan naman sa mga pwesto nila. 

"hayaan mo nga sila..."sambit ko.. nakita kong nahihirapan tumayo si Bianca at mukhang pagod na..

"Kailan pa nagsimulang mawalan ng energy sa katawan ang makulit na to?" naitanong ko sa sarili ko.

Inayos nya ang suot na skirt at hunubad ang suot na high-heels.

"Ready! Tara na! hatid mo muna ako sa bahay ha? Hindi ako comfortable sa suot ko e" May hiya sa pagkakasabi nya si Bianca.

Di ko napigilang tumawa "ahahhahaha!" Paano ba naman kasi nasagot agad ang tanong ko kung bakit wala syang energy.. Bat ba hindi ko napansin na fitted at nakaheels pala sya ngayon.. A new version of Bianca.

"anong nakakatawa?!" nagulat ako sa pagsigaw nya sabay hampas sa braso ko.

"aray!"reklamo ko

"ano ba kasing nakakatawa?! >_<" inis na tanong ulit nito .

"ikaw... bakit ba kasi nagsuot ka ng ganyan hindi ka naman pala comortable hahaha!" sagot ko nakita ko syang sumimangot ulit.

"Paano ba naman kasi si mommy! bago sila umalis kabilin-bilinan nyang itong mga office attire na to daw ang isuot ko!" Reklamo nya.

"nakakainis! ayoko din naman kasing magsuot ng di-formal dito eh nagtratrabaho tayo nakakahiya na ako pa unang lalabag sa company rules!" Pagpapatuloy nya.

May point talaga sya..Kami ang dapat magpakita ng good example dito sa office.. napangiti na lang ako because i know that she's doing her very best.

Tumalikod ako at nagbend "sakay na" aya ko sa kanya

"eeh?" narinig kong tugon nya..

"Ipapasan na kita.. bilis kung ayaw mo maglakad ng nakayapak" Tugon ko

"ehhh?! kaya ko naman ok lang" Pagtanggi nya.

"papasan ka ba o bubuhatin kita?" Tanong ko na humarap na sa kanya.

Bianca 

"papasan ka ba o bubuhatin kita?" Tanong sa akin ni elliot

Nagulat ako kasi naman papalapit na sya sa akin at bubuhatin na ako

"talikod!" napasigaw ako na ikinatigil nya..

"sabi ko nga papasan na ako e... Ano pa tinatayo mo dyan hindi kita maabot" Dugtong ko ngumiti siya at tumalikod..

Mas lalo kaming pinagtitinginan ng mga employee hanggang sa elevator pasan ako ni Elliot . Narating namin ang parking lot.. tumigil kami sa harap ng isang motor.

Ibinaba ako ni Elliot at pagkatapos ay napailing na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Naconscious ako bigla.. Mabigat ba ako?! nakuuuu!!

bumuntong Hininga si Elliot.. at inabutan ako ng Helmet.

Elliot 

tsk! nakalimutan ko na motor nga pala ang dala ko paano ba naman kasi tinanghali ako ng gising malalate ako at maiipit sa traffic kapag yung kotse ang dala ko..Paano ito nakafitted skirt pa naman si Bianca..

Iniaabot ko ang Helmet sa kanya. Bahala na...

"sakay na" aya ko sa kanya at saka ini-start ang motor.

"eehh?" sagot nya "hindi pa ako nakakasakay ng motor buong buhay ko!" pagpapatuloy nya.

"we had no choice.. just jump in akala ang bahala sayo" tugon ko..

Isinuot nya ang Helmet at pagkatapos ay sumampa sa motor.. Hindi ko pa man din napaandar ehh ang higpit na ngpagkakahawak nya sa akin.

ito ang unang beses na may inangkas ako sa motor ko.. binili ko talaga to para kay Ivy minsan kasi nasabi nyang gusto nyang sumakay ng motor at magjoy ride kasama ako.

Kaya lang ng matuto naman ako magmotor ayun.. nagsisimula na kaming magkalabuan.. Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng panahon.

Binilisan ko ang pagpapatakbo dahil mainit ang sikat ng araw ayoko namang masunog ang balat ni Bianca ng dahil sa akin. Naramdaman kong humigpit ang yakap nya.

Buong byahe walang imik si Bianca. Hanggang sa maihatid ko sya sa bahay nila.

"Salamat Elliot magbibihis lang ako" agad na bungad ni Bianca na ibinalik sa akin ang helmet.. Hindi pa man din ako nakakasagot ay nawala na sya ayun.. nagtatakbo sa loob ng bahay.. napailing na lang ako. Kailangan ko na ding magpalit at mag-isip kung saan dadalhin ang hardworking friend ko.. Umalis na din ako agad kailangan ko pa ding kunin ang kotse ko.. Hindi naman nagje-jeans si Bianca para hindi na rin hassel sa kanya. 

A/n:

sorry late update :( Busy sobra >.< 

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon