Chapter 55

2.2K 30 1
                                    

The clock's strikes to twelve tapos na ang magic ni Fairy God Mother balik na ulit ang lahat sa dati.

I cross my limit.. Hindi namin nagawang kausapin si Ivy sa tuwing tatawagan ko sya ay hindi ko makuhang magsalita sa kabilang linya at sa tuwing kakausapin sya ni Elliot umiiwas sya dahil alam kong nasasaktan pa din sya sa biglaang paghihiwalay nila.

Tapos na ang fairtale dream wedding ko at malaking kahihiyan ang ibinigay ko sa pamilya ko.

Hindi na natuloy ang kasal.

Pagkatapos ng Eksena sa simbahan dumiretso kami sa hotel we owe an explaination sa pamilya namin.

Nasa lobby sila ngayon at humihingi ng despensya sa lahat at nakikiusap na wag iparating sa media ang nangyaring kaguluhan ngayon.

Nasa loob lang kami ng kwarto ni Elliot kasama ang mga anak namin na kasalukuyang naglalaro. Walang umimiik sa amin at ako patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. Ilang beses kong naririnig ang buntong hininga ni Elliot.

Napakasakit ng mga sinabi sa akin ni Ivy.. pero mas masakit dahil lahat ng iyon ay totoo.

Nagtiwala sya sa akin pero hanggang sa huli hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Nang makabalik ako ng Pilipinas hindi na kami nakabalik sa dati.. Hindi ko sya nakakausap o kahit ipaalam na nandito na ako hindi ko kasi kayang harapin sya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Isa akong napakawalang kwentang kaibigan.

Napahagulgol ako magisa.

Napakawalang kwenta kong kaibigan.

"Tang'na naman!" narinig kong nagmura si Elliot. Naramdaman ko na lang na nahigit na nya ako patayo ng couch at niyakap ako ng sobrang higpit. Somehow it gave me comfort..

"Im sorry Bianca.. im really sorry kung nagkalakas lang sana ako ng loob na sabihin kay Ivy ang lahat.. kung sana nakausap ko sya hindi sana sya mageeskandalo.. kasalanan ko ang lahat so please stop crying..." Hinimas himas nya ang likod ko pero nanatili akong nakasubsob sa dibdib nya.

"Please stop crying cause your breaking my heart.." nagulat ako sa sinabi nya.

"It was all my fault simula pa lang kasalanan ko na.. " pagpapatuloy nya.

"Hindi.. may kasalanan din ako hindi ako naging mabuting kaibigan napakawalang kwenta ko.. duwag ako at hindi ko sya maharap" napahagulgol akong muli.

"Shsss... tama na pleasee tama na.. tama na mahal ko..." nagulat ako sa pagtawag nya sa akin ng 'Mahal ko'

Pero mas nagulat kami ng bumukas ang pintuan.

Napalingon kami at nakita ang pamilya namin. Hindi pa din kami bumibitiw sa pagkakayakap at parang nagulat naman sila sa itsura namin.

Napabitaw ako ng yakap kay Elliot my knees are shaking galit na galit ang mga itsura nila lalo na si Daddy.

Pagkalapit na pagkalapit ni Dad kay Elliot ay suntok na agad ang sumalubong dito sabay kaming napasigaw ng Mommy ni Elliot. Nakakagulat.

Napaupo sa sahig si Elliot at pinunasan ang dumudugo na nyang labi.

"You?! ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" galit na kinuwelyuhan ni Dad si Elliot habang parang lahat kami ay naglue sa mga lugar namin.

"Akala ko ba inayos mo na ang lahat ha?!!!!" galit na galit si Daddy at nagsimula ng umiyak ang kambal sa pagkabigla sa pagsigaw nya.

"We give you a chance! tapos eto ang igaganti mo?!" pagpapatuloy ni Dad muli nyang sinuntok si Elliot at muli itong tumilapon sa sahig mas lumakas ang iyak ng kambal.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon