His Heartache

2.4K 35 0
                                    

---

Elliot's POV

Nakahiga pa din ako sa kama dahil nakaunan pa din sa mga braso ko si Ivy.

She is sleeping so peacefully na para bang hindi sya nagbreak down kanina.

Pinagmamasdan kong mabuti ang mukha nya. Mas maganda talaga sya kapag wala syang make up.

Minsan naiisip ko kung ano kaya ang kinalalagyan namin ngayon kung hindi kami nagkaroon ng anak ni Bianca. Probably masaya siguro kami.. hindi siguro nya ibaba ang sarili nya.. hindi sya magbabago..

Gusto kong sisihin ang sarili ko at ang ginawa ko. Pero sa isang banda masaya ako dahil hindi ko sana nakikita ngayon ang kambal. Wala sanang nagpapagaan ng pagod kong katawan ng dahil sa pagtratrabaho.

Malapit na kami ikasal ni Bianca pero paano ko iyon sasabihin kay Ivy? Paano?

Mariin akong napapikit.

Hinaplos haplos ko ang buhok nya.

"Vy.. i love you" nasabi ko kahit alam kong mahimbing syang natutulog.

"I still love you vy pero hindi na katulad ng dati.. Hindi na ako sayo at hindi ka na din sa akin. Napakalaki ng kasalanan ko sayo." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

"You are my sunshine vy.. You always give me reason to wake up each day.. Mahal na mahal kita pero kailangan na talaga nating maghiwalay.. Vy.. You can hate me as much as you want.. you can curse me, you can hurt me.. Just put all the blame on me but i really can't love you" patuloy pa din ang pagbagsak ng aking mga luha.

"Iba na ang lahat.. ibang daan na yung lalakaran natin.. all i want for you is to be happy..You deserve to be happy Vy.."

"Ayokong nakikita kang nasasaktan.. ayokong nakikita kang nagbabago sa maling paraan... please Vy pick yourself up.. stand and fight.. Please forget about me.. I'm not the right guy for you" Para akong babaeng umiiyak ngayon pero ito... ito talaga ang nararamdaman ko ngayon

"I hate seeing you like this" niyakap ko si Ivy ito na kasi ang huli kong pagkakataon na gawin ito.

Hinalikan ko sya sa noo.

"You are a strong woman.. minahal kita kasi ganon ka. Isa kang bratinella pero you have a good heart and high respect to yourself. I dont deserve you.. so please stand up and live your life without me.." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Hindi na pwedeng maging tayo pero parati ka pa din sa puso ko" hinalikan ko sya sa noo at sa labi.

Pagkatapos ay tumayo na ako at inayos ang sarili.

Nilingon ko si Ivy na mahimbing pa ding natutulog.

"Goodbye Ivy.." pagkatapos ay lumabas na ako ng condo para umuwi at makasama ang mga anak ko.

----

Malapit na ako sa bahay nang mapadaan ako sa playground sa loob ng subdivision. Nakita ko kasi si Bianca na nakaupo sa isa sa mga swing na nandoon.

Napatingin ako sa relo ko. 6:30am na pala. Pero ang aga naman ata nyang magpunta dito. Ipinark ko ang kotse at lumapit sa kanya.

Mukhang malalim ang iniisip hindi kasi nya ako napansin. Tahimik akong naupo sa swing sa tabi nya.

"Noong mga bata pa tayo dito tayo madalas maglaro" halata namang nagulat sya ng magsalita ako.

"Elliot push meeee" natatawa kong sabi.

"Parati kang ganon sa akin.. tapos kapag nilalakasan ko nagagalit ka naman" ngumiti sa akin si Bianca.

"Nakakatakot kasi kapag sobrang lakas na pakiramdam ko mahuhulog na ako" sagot naman nya.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon