Chapter 53

2K 28 1
                                    

A/N: sa mga time na inuupdate ko ito may pinagdadaanan po si Author kaya sana pagbigyan nyo na ako...

----

Bianca's POV

Bumaba ako mula sa isang puting karwahe.. tama kayo isang white pumpkin na karwahe ang binabaan ko ngayon katulad na katulad ng katwaheng sinakyan ni Cinderella noon.

Red Carpet ang agad na sumalubong sa akin paakyat sa hagdanan dito sa Baguio Cathedral.

At ngayong araw na ito ang aking kasal.

Lahat ay naayon sa aking dream wedding. Pagkatapos ng paguusap namin noon ni Denise ay tinulungan pa nya kami sa pagpreprepare sa kasal na ito.

Sa taas ng hagdanan naghihintay sa akin si Daddy upang ihatid ako sa altar.

"are you ready?" tanong sakin ni Daddy na kinuha ang kamay ko at inilingkis sa mga braso nya.

Tumango naman ako.

"You look beautiful my princess" pagpapagtuloy ni Dad.

My knees are shaking sa sobrang kaba buti na lang naanticipate ito ni Denise kaya naman ang haba haba ng gown ko para lang makasuot ako ng isang elegant dollshoes. Alam na alam talaga nya ang style ko at ang gown na suot ko ang pinakamaganda sa lahat ng gown (syempre naman dahil ito ang dream gown ko.)

Bumukas na ang dalawang pintuan ng simbahan at nagsimula ng pumasok ang mga abay sa kasal. Wala nga lang akong mga kaibigan sa kanila dahil karamihan ay mga malayong kamag-anak ng pamilya namin. Oo wala ni isa sa mga kaibigan ko ang pupunta.

Oras na para ako ang maglakad at mas lalong lumakas ang kaba ng dibdib ko. Diretso lang akong nakatingin sa altar kung nasaan nakatayo ang lalaking magiging kasama ko sa buong buhay ko. Katabi nya ang kanyang Ama at ang aming mga lolo.

Malapit na ako noon sa harapan ng marinig ko ang isang boses na nakapagpabasag ng puso ko.

"Mimi" narinig ko si Alie na ngayon ay 8months old na at nakakatayo ng magisa kalong sya ni Mommy habang si Marco naman ay hawak ng Mommy ni Elliot.

Eto kasi ang unang pagkakataong tinawag ako ng anak ko at napakamemorable ng araw na ito.

Naramdaman ko na lang ang paghinto ni Daddy at ang mahigpit na pagyakap nya sa akin.

"I love you Anak" narinig kong bulong nya bago iniabot ang kamay ko kay Elliot.

Tama today i will marry Elliot.

"Bianca is not our Princess Anymore she is your Queen" baling ni Daddy kay Elliot kasabay ng pag Tap nya sa balikat ni Elliot.

"Yes Dad and she's my life" sagot naman ni Elliot.

Inaamin ko may kung anong kumukurot sa puso ko ngayon.

Everything is going smoothly as it is.. This is my Dream wedding.. My princess like wedding

Lahat naman ng babae eto ang pinangarap although wala man lang sa mga kaibigan ko ang nakarating.

Napatingin ako sa tabi ni Elliot kung nasaan ang kanyang Best Man si Paul...nakita ko na sya minsan pero hindi ko naman nakausap

Inilagay ni Elliot ang mga kamay ko sa braso nya at humarap kami sa altar..

Napalingon ako sa kanan ko kung nasaan sina Lolo.. katabi ang Bride's mate ko.. Si Denise ngumiti sya at pakiramdam ko nawala ang lahat ng kaba ko naalala ko ang sinabi nya kanina ng tulungan nya ako sa pagsusuot ng Gown.

*Flashback*

Inaayos ni Denise ang gown ko ngayon.. nakaready na din sya para sa kasal mamaya at napakaganda nya kahit na halatang simpleng simple lang ang make-up nya.

"You are really beautiful Bianca" nakangiti nyang sabi sa akin habang inaayos ang pagkapit ng gown ko.

"Just like you Denise.. thank you ah.. sa pagpayag na maging Bridesmate ko" tense kong sagot sa kanya.. kinakabahan kasi talaga ako ngayon.

"Relax ka lang babe.. dont look tense.. remember today is your wedding and we make all the best we can para sa dream wedding na ito" Tugon nya sa akin.

Ngumiti naman ako.

"This is a dream come true right?" tanong nya sa akin.

Ngumiti akong muli dahil totoo naman ito ang dream wedding ko.

"Go with the flow and be happy!" bilin nya sa akin na nakangiti ng sobra.

*End of Flashback*

"Go with the flow and be happy" mahina kong sabi sa sarili ko habang nasa harap kami ng altar ni Elliot

"Hmm?" tanong ni Elliot narinig pala nya ako kaya naman umiling ako at ngumiti naman sa kanya.

Ilang sandali lang ay nagsalita na ang pari at nagsimula ang seremonya ng aming kasal.

"Dearly Beloved..." panimula ni father habang patuloy sa pagkaba ang dibdib ko.

"We are gathered together here in the sight of God, and in the face of this company to join together this Man and this Woman in Holy Matrimony....." patuloy lang si Father sa pagsasalita at ako hindi mapakali ang dibdib sa sobrang kaba.. eto na eto na talaga... Pagkatapos nito ay magasawa na kami ni Elliot mas magbabago na amg buhay ko.

----

Elliot's POV

"If any man can show just cause to why they may not lawfully be joined together together let him now speak, or else hereafter forever hold his peace" sambit ni Father na tumingin sa paligid.

Nagkatinginan naman kami ni Bianca at tulad ko alam ko na kinakabahan din sya ng sobra. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Napakaganda ng babaeng nasa harap ko ngayon. Nangangako akong iingatan at mamahalin sya sa abot ng aking makakaya.

Mabilis ang mga sumunod na mga pangayayari at halatang halata ang pagkatense naming dalawa.

"Elliot, do you take Bianca to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?" Huminga ako ng malalim bago sumagot sa tanong ni Father.. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ni Bianca pakiramdam ko ay mas lalo akong natetense.

"I Do." sagot na nakatitig ng diretsyo sa mga mata ni Bianca.

"Bianca, do you take Elliot to be your Husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?" Baling naman ni Father kay Bianca.

Pakiramdam ko ay iiyak sya ano mang oras... mas tumindi ang panginging nya at napuno ng bulungan ang buong simbahan. Ilang minuto na din kasing walang kibo si Bianca na parang wala syang boses.

---

Bianca's POV

"Bianca?" tawag sa akin ni Elliot somobra ang kaba na nararamdaman ko at hindi ako makapagsalita.

"Im sorry kinakabahan lang po ako ng sobra" malakas na sabi ko. Napansin ko na din kasi na nakatayo na si Lolo at mukhang nagsisimula na syang mainis.

Nakarinig kami ng mahinang tawanan.

"Your mom is also like that noong araw ng kasal nya." i heard my Dad chuckle as well as the other guess.

"Then let me ask you again" panimula ulit ni Father.

"Bianca, do you take Elliot to be your Husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?" Muli nyang tugon.

"I..." naputol naman ang sasabihin ko ng makarinig kami ng malakas na sigaw.

"Stop!!!"

---

A/N: May kasunod pa ito ah maguupdate ako ulit mamaya happy reading sana po magustuhan nyo. ^^ comments will be appreciated

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon