Chapter 42

2.5K 33 1
                                    

Bianca's POV

I was an hour late. Nakakainis! Nagkaroon kasi ng aksidente kaya naipit ako sa byahe. Nahirapan din akong iwan ang kambal kailangan ko pa kasing patulugin sila hanggat sa maari kasi ay nagbre-breastfeed ako. My Mom is now incharge for them gustuhin ko man sila isama ay mahihirapan ako, Nag cab lang ako papunta dito sa resto kung saan kami magkikita.

Sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang kasalubong kong Lalaki nagsorry naman ako pero nagdirediretsyo naman sya at hindi ako pinansin.

"Gosh!" napalakas ang boses ko ng marealize ko na nahulog ang phone na dala-dala ko i was searching sa floor im sure that's the one i kicked earlier.

Kapag nga naman minamalas ka nakadress pa naman ako.

"O my kung kailan naman nagmamadali" sambit ko habang palinga linga at hinahanap ko saan napunta ang cellphone ko.

"Here" isang kamay ang nagabot sa akin ng cellphone agad ko naman itong kinuha at buong ngiting nagpasalamat.

"So everytime na lang ba na magkikita tayo kailangan kong pulutin ang mga nahuhulog mo?" tanong sa akin ng taong nagabot ng cellphone.

"Sorry" nakangiti kong sagot it was Nii and yes today is our date.

"Kailan ka naman kaya mahuhulog sa akin" sambit nya na hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Hinampas ko naman sya kasi alam na alam ko sa sarili kong namumula ako.

"Nalate ako ang traffic kasi" pagpapaliwanag ko habang naglalakad kami papunta sa table na pinareserve nya.

"Sabi naman kasi sayo susunduin na lang kita" sagot nya.

Nang makarating kami sa table namin ay pinaghila naman nya ako ng upuan he was such a gentleman.

"Wala ng suprise kapag nakita mo ako agad" biro ko naman.

"as always maganda ka naman.." casual na sagot nya sa akin.

"The new Bianca the creation of you and Denise" nakangiti kong sagot.

----

Pagkatapos naming kumain ay nagdiretso kami sa isang mall sa pasay at nanood ng Movie. It's just like any other date. Pagkatapos ng movie ay nagdecide naman kaming maglakad lakad.

Nahiya ako ng hawak ni Nii ang kamay ko. Naglakad kami ng magkaholding hands just like real couples do. Kinakabahan ako sa ginagawa namin, kinakabahan ako na baka malaman ni Lolo pero mas kinakabahan ako dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay Elliot.

I know him for so long at sya ang ama ng mga anak ko pero sumusugal ako kay Anthony kasi sya ang tinitibok ng puso ko.

"Are you okay?" nagaalalang tanong sa akin ni Anthony.

"Ha? oo naman" tugon ko. Kanina pa pala sya nagkwekwento pero hindi ako nakikinig kasi naman lumilipad ang utak ko. Kinakabahan ako.

"Bii tara sakay tayo doon" turo sa akin ni Nii sa isang malaking Ferris Wheel.

Bago pa man ako makasagot ay hila hila na nya ako.

Sumakay kami dito at tanaw na tanaw namin ang manila.

"Bii" tawag nya sakin.

"Hmmm?" sagot ko naman na titig na titig sa magandang view sa labas at hindi sya nilingon.

"I love you" naramdaman ko ng yakapin nya ako sa likod.

"ano.. ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya na hindi pa din sya nililingon.

"When i first saw you hindi naman kita gusto.. Una dahil mahal ko pa din ang Ex ko.. pangalawa ay dahil buntis ka na.. pangatlo ayokong manira ng pamilya" sambit nya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon