A/N: More on Bianca's POV po ang mababasa ^^ Tago ko muna si Elliot sa baul nakatulog kasi ng masapak sya XD
----
Maagang umalis kinaumagahan si Tonio. Napilit kasi namin sya na magstay na lang sa bahay hanggat nandito sya. Mas makakabuti na iyon para magkasama sila ng matagal ng Mommy nya isa pa mas safe ang pakiramdam ng may kasamang lalaki sa bahay.
Umaga pa lang ay mabigat na ang pakiramdam ko at ayaw kong bumangon sa kama mabuti na lamang at off ako sa trabaho kaya legal akong tamarin ehehe!
Halos magtatanghalian na ng Dinalhan ako ng breakfast sa kwarto ni ate adelle. Nahiya naman ako sa pagaasikaso nya sa akin. Secretary sya ni Mommy pero kung pagsilbihan nya ako ay para syang kasambahay sa bahay.
"Maraming salamat po" sambit ko kay ate ng inihain nya ang dala nyang breakfast para sakin.
"Walang anuman iha.. gusto ko din magpasalamat na hinayaan mong tumuloy dito ang anak ko." Nakangiti nyang tugon.
"Naku po sa laki ng abalang nagagawa ko sa inyo kulang pa nga po iyong kabayaran" Ngumiti lang sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Maging matatag ka anak ah?" Bilin nya sa akin.
"Noong nalaman ko na buntis ako kakaibang takot ang naramdaman ko noon at hinihiling ko pa nga na sana ay panaginip lang ang lahat.." Pagpapatuloy nya.
"Natakot ako noon pero hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko.. at masaya ako na isa ka ring matatag na babae iha.." Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Babies are blessings from God." Nakangiti nyang pagpapatuloy.
"Iyon pong Daddy ni Tonio.. nasaan na po sya?" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtatanong. Narinig ko naman syang nagbuntong hininga.
"Im sorry po sa tanong ko" Nahihiya ako dahil naging usisera ako.
Umiling naman sya. "Ang Daddy nya.. Naghiwalay kami noon dahil sa mga magulang ko.. ayaw na ayaw kasi nila sa kanya."Pagsasalaysay nya.
"Ayaw nila kasi noong mga panahong iyon ay wala pa talaga syang napapatunayan." kumunoot naman ang noo ko.
"Paano pong wala pang napapatunayan?" Tanong ko
"Isang taon na akong graduate ng college noon at nagtratrabaho na.. Samantalang sya ay paloko-loko sa pagaaral kaya naman hindi sya makatapos tapos noon" Natatawa nyang pagsasalaysay
"Mas matanda sya sa akin.. Nagkakakila kami ng minsan maging classmates kami sa isang subject nagkataon pa nga na naging magkagrupo kami kaya naman kami napalapit.. sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa kanya." Pagapatuloy nya.
"Bakit naman po?" Tanong ko muli.
"Kasi mahilig sya sa basag ulo at nakakatakot talaga sya.. Pero kahit ganon ay talaga namang maraming nagkakagusto sa kanya ang kaso ubudan ng sungit hindi ko nga lubos maisip kung paano kami naging magkasundo noon.." Natatawa syang inaalala ang lahat.
"Para po pala syang si Tonio masungit" tugon ko naman. Naalala ko kasi ang pagsusungit nito sa akin
"Tonio is a total photocopy ng Daddy nya. Lahat ay namana nya sa ama nya.. Everytime na nakikita ko sya ay naalala ko ang Ama nya" Biglang lumungkot ang mukha nya.
"I love his father more than anyone else in this world.." Muli nyang sambit.
"ano po bang nangyari?" Pinisil ko ang isa nyang kamay.
"Nagpaalam sya sakin noon na magaaral sya.. Magtatapos at maghahanap ng magandang trabaho. Aangat sya sa buhay at patutunayan sa mga magulang ko na kaya nyang may marating. Naging abala na sya noon sa pagaaral at ako naman ay abala din sa pagtratrabaho. 6weeks bago ko nalaman na buntis pala ako. Nalaman iyon ng mga magulang ko." Bumuntong hininga sya.
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...