Bianca's PoV
Nakakita ako ng golfclub sa loob ng kwarto at agad kong kinuha iyon inilagay ko sa bulsa ang cellphone at wallet ko para masigurong hindi ko ito mailalag kung sakaling hindi ako magtagumpay sa pagtakas ko.
Huminga ako ng malalim bago dahan dahan binuksan ang pinto. Napangiti ako ng bahagya ng malamang bukas ito.
Buti na lang at hindi masyadong mahigpit ang pagbabantay nila sa akin.
Hindi ko alam bat nila ako kinidnap but i know one thing i need to get out of here as soon as. i can.
Buong lakas ng loob akong lumabas ng kwarto. Nakahinga ako ng walang tao sa labas kaya naman nagmamadali akong naglakad papunta sa hagdanan pero nakita ako ng isang lalaking lumabas mula sa katabing silid na pinagkulungan sa akin.
"Hoy!" malakas na sigaw nito natatarantang bumaba ako ng hagdan pero paakyat naman ang isa pang lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya inihampas ko na lamang sa kanya ang dala dala kong golfclub. Nawalan naman sya ng balanse at nahulog sa hagdanan. Nagmamadali akong bumaba at doon tumabad sa akin ang ilan pang lalaki.
"Wa--wag-g kayong lalapit!" utal utal kong babala habang winawasiwas ang dala dala kong pamalo.
Naiiyak na ako dahil ang dami nila gustuhin ko muna bumalik sa taas ay wala na din naman ako babalikan sa likod ko ay ang dalawang lalaki ang isa ay ang naihulog ko sa hagdan kasama nya ang lalaking nakakita sa akin.
Katapusan ko na. Naramdaman ko ng hawakan ako ng isang lalaki sa braso nagpupumiglas ako kaya naman mas lalo akong nasaktan sa hawak nya.
"Bitawan mo ako nasasaktan ako!!" malakas kong sigaw.
Isang lalaki ang sumapak sa lalaking may hawak sa akin pagkatapos ay hinila ako papalapit sa kanya.
"Not to thight!!" sigaw nya.
"Now move!" utos nya nawala namang parang mga kabote ang mga lalaking iyon nanginginig ako sa takot pero pinilit kong iangat ang ulo ko.
Napahagulgol na ako ng sobra ng makita kung sino ang lalaki sa harapan ko.
"Thank you.." nasambit ko na tuluyan ng yumakap sa kanya.
"Thank you Anthony" patuloy ako sa paghagulgol.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Umiiyak at nanginginig ako sa takot alam kong dapat umalis na ako sa lugar na iyon pero ayaw gumalaw ng mga binti ko at paulit ulit lang din sa paghingi ng sorry si Anthony sa akin na hindi ko naman lubos maintindihan.
Maya maya ay namatay ang ilaw. Napakapit ako ng husto kay Anthony. Inalalayan nya ako sa paglalakad siguro ay aalis na kami sa lugar na ito.
"Im scared" mahina kong sabi sa kanya.
"Nandito lang ako sa tabi mo" pagalo nya sa akin at saka hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nagulat ako sa aking nakita.
Nasa garden na kami ngayon at ang bawat lakaran namin ay may mga scented candle na nakapaligid na nagbibigay liwanag sa lugar.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari naguguluhan ako sa mga nakikita ko.
May mga rose petals din sa lugar at mas maraming rose petals ang lumulutang sa pool iba iba abg kulay nila dilaw, pula, puti at pink.
Kakulay din ng mga rosas ang swimming pool na nandoon.
Tumigil sa paglalakad si Anthony at humarap sa akin.
"Nii.. ano bang nangyayari?" nalilito kong tanong.
Lumuhod sa isa nyang tuhod si Anthony sa harap ko habang hawak pa din ang kanang kamay ko.
Hinalikan nya ito bago sya nagsalita.
"Bii.. ako.. ako ang nagpadukot sayo" may lungkot sa kanyang mukha.
"Hindi ko sinasadyang masasaktan ka nila ng sobra.." kumunot naman ang noo ko.
"Bakit?.. bakit mo ako pinadukot? isa pa nadinig ko sila na.. ano papatayin daw at iiwan lumulutang sa tubig" naguguluhan ako at hindi ko alam ang dapat sabihin.
"They are probably talking about the task i asked them to do." sagot naman nya.
"ang papatayin ay ang ilaw at ang iiwang lumulutang sa tubig ay ang mga rose petals" pagpapatuloy nya.
Napatingin ako sa pool na may nagahahalo halong kulay. Napakaganda nyang tignan.
"Bii.. kapag pinili mo ako magiging kasing delikado ng kanina ang buhay mo.." pagsasalita muli ni Anthony. Nakaluhod pa din sya sa harap ko.
"maaring maraming magtangka sa buhay mo pero alam ko at nakita ko kanina na kaya mong lumaban.. na gagawin mo ang lahat kaya naman.." may kinuha sya sa bulsa nya.
"Kaya naman ayokong mawala sa tabi mo.. magulo ang buhay na mayroon ako at kahit iwan ko ang pagiging gangster hindi ibig sabihin noon ay malalayo ka na sa kapahamakan pero nangangako ako na ipagtatanggol kita, ang mga anak mo sa kahit kanino.." kitang kita ko ang sincerity sa mga mata nya.
"Princess Bianca Park.. mahal na mahal kita at hindi pa ako makaramdam ng ganito sa buong buhay ko.. sa maikling panahon mas minahal kita at patuloy na minamahal.. Bianca.. i want to spend the rest of my life with you.. Hindi ko maipapangako na mabibigyan kita ng kasing sagana na buhay na tinatamasa mo ngayon.. Hindi ko masasabing ligtas ka sa lahat ng pagkakataon pero Alam ko at kaya kong gawin ang lahat para sayo hanggang sa huling hininga ko ipagtatangol kita." nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko habang pinapakinggan ko si Anthony.
Inilabas nya ang isang box at binuksan ito. May laman itong sinsing.
"Bii i want to spend the rest of my life with you please Marry me.." Natigilan ako at nabigla. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Will you marry me?" tanong nyang muli sa akin.
----
A/N: hala ano ba papayag ba sya o hindi? paano na si Elliot? eh ang lolo nya?
Hindi ko din alam ang isasagot nya.. ano ba dapat? *0*
hehehe! bitin muna sorry na!
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...